First Love

9 1 0
                                    

A/N: I won't spoil the fun and exciting story of these two main characters. So enough author's note and I hope you enjoy reading. Btw, This story is really happening, reality check.

————————————————

Ash's Point of View

Music On: On this day by David Pomeranz

Haaaayyss! It's been months since I started courting my one and only Prince Troy Herrera, it's my greatest never!!! Never give up. And that's my goal. Mahal ko e. Kaya tinitiis ko lahat. Tama pa ba to? Or should I start loving myself instead of forcing myself sa taong hindi naman ako kayang tignan or lingunin man lang. No! No! No! Ilan lang yan sa mga naglalaro sa isip ko everytime na dinededma nya ako pero kahit kailan ay di ko nagawang sundin. Kasi yun ang sinasabi ng utak ko, pero hindi yun ang sinisigaw ng puso ko. Bakit ko susundin ang utak ko? E hindi naman utak ang nagmamahal kundi ang puso. Brain is a judgement. Heart is the Act. Ang ating emosyon ay likha ng ating utak pero ang laman ng emosyon at ang pinagmulan nito ay galing sa puso. Brain filters everything. But Heart keeps on beating, because we care. We love.. we fall in love... a lot!. Kaya yung mga expert daw sa love, I preferred calling them "The experience one" . Kasi feeling nila lahat naranasan na nila e.

Name's Ash Gatchalian, 17 years old. 3rd Year High School. Favorite Subject ko ay History. How will I describe myself? Hmmmm. May lahi, Fil -Am po ako kasi ang mother ko ay isang amerikana at pinoy ang father ko. Parehas silang nasa ibang bansa because of work. Tanging sila Nanay Cora lang at mga katulong ang kasama ko sa bahay namin. (See picture above, si Ash po yun). Matangos na ilong, kissable lips, maputi, curly short hair na color chestnut brown. Meron akong pekas sa mukha because of my race. Sabi nila, ang asset ko daw ay ang aking mga mata, ewan.. sabi nila malagkit daw ako tumingin at talagang nakaka inlove. Parang hindi naman, e di sana napaibig na ng mga matang to ang taong pinakamamahal ko. Pero laging epic failed naman. But don't worry Ash!! Matututunan ka ding mahalin ng Prince charming mo... si Prince Troy. Haaayyyss kelan kaya yung araw na yun?

Going back, here I am, nakaupo sa chair sa classroom namin and you know what, Classmate ko si Prince Troy ko haha. Kaso nasa 2nd row ako e sya naman nasa 3rd row. Kainis nga e, kasi di ko sya malingon kasi super obvious kung lilingunin ko sya sa likod. As in nasa likod ko sya. Saya diba. Sana nasa likod nalang ang mukha ko para all the time magka face to face kami.

Elementary palang crush ko na sya. Sya nga ang first love ko e kasi never pa ako na attract sa girls and never pa ako nagkagusto sa ibang guy. Sya pang talaga. It all started nung grade 5 kami. Binubully kasi ako dati. Lapitin talaga ako ng tukso kasi lampa ako at laging tahimik. "Loner" kung baga. At isa si Prince Troy sa mga nangbubully sakin, actually sya ang promotor. Leader sya ng mga batchmate namin pagdating sa kalokohan. Ewan ko, that time imbes na maasar ako sa kanya, tila hinahanap hanap ko ang pambubully nya sakin haha. What an extraordinary love story lol. Pero unti unting nawala ang love story namin mula ng magpatuli sya nung summer before mag grade 6. As far as I remember, nung Grade 6 kami ay nahiwalay na sya ng section at dun ko naranasan ang unang heartbreak ko. Nung nabalitaan ko na may girlfriend na sya. Si Akiko Suede, ang Class Valedectorian namin nung gumraduate kami nung elementary. Sabi nila thing change pagdating ng High School. Totoo naman talaga. Nagkahiwa hiwalay na ang mga magkakatropa. Ultimo sila Troy at Akiko ay nagbreak din, at ayon sa aking impormasyon, 5 months lang ang itinagal ng relasyon nila. At nagbreak up sila dahil ipinagpatuloy ni Akiko ang studies nya sa America. Ayun, inalam ko kung saan kumuha ng exam si Troy at sinundan ko sya. Supportive naman sa decisions ko sila nanay Cora e. Whatever that makes me happy daw.

Present time...
ano kayang ginagawa ni Troy sa likod ko? Quiet type kasi ako sa classroom e. Sa kanya lang talaga ako very expressive. Katabi ko naman ang best friend kong si Elena Gil, buti pa ang bff ko nahanap na nya ang nakalaan para sa kanya. Kung sa bagay, maganda naman sya, matalino, mabait at higit sa lahat... babae! Siguro kung naging straight lang ako ay magugustuhan ko din sya pero No way!! Si Troy padin ang pipiliin ko.

It's been months since pinahayag ko kay Troy ang pagtingin ko para sa kanya. Alam kong sonrang inis na sya sakin dahil sa kakulitan ko, pero anong magagawa ko? Di ko mapigilan e. Kasi mahal ko sya kaya hangga't humuhinga ako ay di ako magsasawang ipaalam sa kanya na sya lang ang taong mamahalin ko. At sana mahalin na din nya ako.

Palagi ko syang sinusundan ng tingin, sinusundan ng palihim kung saan sya pumupunta, inaalam ang mga kaganapan sa buhay nya araw araw, hanggang pag uwi ay lihim ko syang sinusundan, at yun ang dahilan kung bakit alam ko ang bahay nya. Actually sa Condo sya nakatira. 18th floor, room 1803. O diba! Hanggang sa room nya nasundan ko sya. Galing ko talaga mang stalk. Exciting haha.

Nagkaroon ako ng guts na harap harapan ng ipaalam ang pagmamahal ko sa kanya simula ng mahuli nya ako na naglalagay ng love letter sa locker nya. I started doing that nung 1st year high school kami. 2nd year kami nun noong nahuli nya ako. Masakit sa puso, at iniyakan ko yun, nung nalaman ko na sinunog nya lahat ng love letter ko. Kasi hindi lang tinta ng ballpen at papel ang nasayang dun, pati nadin ang oras at mga salitang ipinahayag ko gamit ang papel. Mga salitang di ko kayang sabihin ng personal sa kanya. Pero di ako sumuko, kita nyo naman, hanggang ngayon parang aso padin akong bumubuntot buntot sa kanya.
Araw araw ko din syang dinadalhan ng pagkain pero ni isa ay wala syang tinanggap. Ni hindi nga nya ako tinitignan e, parang di ako nag eexist sa mundo nya. Pero sa mundo ko, sya lang ang nag eexist. Sana dumating ang araw na makita nya din ako.

TRUE LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon