Si Loisa po ang napili ng Author na gumanap bilang si Princess Love Ladesma. Ang bagong karakter na magpapagulo ng Love story ng dalawang bida natin haha.
————————-
Ash's Point of View
Days passed...
Months...
and still I'm wasted! Pero may isang salita ako, kaya't mas pinili ko nalang na iwasan na or should I say tigilan na si Troy. I should focus on myself na, and so would he.Napapabayaan ko nadin kasi studies ko e, at pag hindi ko pa tinigilan ay bka tuluyan na talaga akong mahibang sa pag ibig ko kay Troy kaya maganda nadin ang nangyari.
After the incident that night, ay tinuluyan ko nang binura ang imahe ni Troy sa isip at puso ko. Pero sana matagalan ko.
Kinabukasan ding yun, nagkasalubong kami sa hallway at nagkatitigan kami pero ako nadin ang nag alis ng tingin at mabilis na bumalik kung saan ako galing. Tama ang ginagawa mo Ash! Kalimutan mo na sya. He's not worth your love. Kaya ko to. Nagpalipat nadin ako ng row sa president namin sa room, Amarillo kasi surname ng president namin e, ayaw din naman nya sa unang row dahil far sighted daw sya kaya pabor din sa kanya. After class ay mabilis na akong lumalabas ng campus at deretso ng umuuwi sa bahay. Nagtataka na nga pati sila Nanay Cora sa inaasal ko e pero di ako nagkukwento. Kahit papaano ay ayoko namang kaawanan dahil lang sa katangahan ko sa pag ibig.
Isang beses nga sa Canteen habang breaktime....
Flashback
"Uy pre! Sabi na nga ba hindi makakatagal yang baklang yan e at lalandiin ka ulit" sabi ni Francis kay Troy sabay tawanan nilang lahat. Si Troy naman ay agad na napatingin sa gawi ko.
Eto na! Palapit na ako ng palapit sa pwesto nila. Kaya ko to! Don't panic.
Agad akong naglakad at nilampasan si Troy at ang grupo nya.
"Yun oh!!!! Nagpapakipot" hirit ni Francis.
Agad kong inayos ang tumbler ko sa faucet ng fountain namin at nagpuno ng tubig. Nasa likod kasi ng pwesto nila nakalagay yung fountain namin e. Kaya no choice! Dun ako dadaan.
Isa pang Scenario ...
Sa C.R, that day din.Katatapos ko lang umihi sa loob ng cubicle ng may narinig akong pumasok at nagtanggal ng belt. Siguro ihing ihi na yung guy kasi patakbo syang pumunta sa cr e. Laking gulat ko nalang ng pagbukas ko ng pinto ng cublicle... sa dinami dami ng lalaking pwede kong makasabay sa restroom sya pa..
Di naman nya ako napansin dahil nakatalikod sya sa gawi ko at nakatuon sya sa pag ihi nya. Binalewala ko nalang din ang presensya nya at agad na naghugas ng kamay at lumabas na ng cr. Ewan ko nga kung guni guni ko lang e pero parang narinig ko syang tinawag ang pangalan ko paglabas ko. Hmmmm, weird cause of silence.
————-
Rumors spread na may idini date ngayon si Troy, and what more can I do? I should be happy for him. Tama. Kasi mahal ko sya kaya kung saan sya sasaya ay dun din ako.3rd Grading period of 3rd Year came (usually after october break)
Si Princess Love Ladesma, ang transferee student sa room namin from Fortis High School, personal reason daw kaya sya napa transfer sa St. Benedict High School (school namin).
And sya po ang girlfriend ngayon ni Troy. She's really Beautiful. Ang galing talaga pumili ni Troy ng ka partner. Bagay na bagay sila. Mabait at maganda at sobrang hinhin. Feeling ko matalino din sya. Kudos sayo Troy! Sa panaginip nalang kita makakausap.At kund di ka nga naman pinaglalaruan ng kapalaran. Magkatabi pa sila sa likod ko. Kaya ultimo bulungan nila, harutan, tawanan at ka kornihan nila ay naririnig ko. Ewan! Kahit bulong nila naririnig ko, di naman siguro nila sadyang pinaparinig sakin yun. Talagang medyo malakas lang sya para sa isang bulong. At ewan ko din ba! Feeling ko tatlo lang kaming nasa loob ng kwartong to. Feeling ko tuloy 3rd wheel ako dito. Hayyss paano ko ba madidivert ang focus ko sa iba.
Sakto nagring na..
Hudyat na tapos na ang klase! Salamat naman at makakaalis na ako dito.
Hayup na vice president kasi yun e palibhasa crush nya ang president kaya sinumbong nya sa adviser namin ang tungkol sa proper seating arrangement ng class.nakipagpalit daw ako without knowing ng buong class lalo na kay mam Placer. Kaya pinabalik ako dito sa dating pwesto ko.Aktong tatayo na ako pero bigla akong kinalabit ng nasa likod ko. Kaya kahit napaka awkward ay nilingon ko yung nasa likod ko.
"Panyo mo ata tong nahulog". Troy
"S-salamat" tanging yun lang ang nasabi ko. Shoot! Ang tagal kong hinintay ang moment na yun kanina. Ang kausapin nya ako. Naging totoo ako sa mga salita ko, na hindi ko na sya guguluhin. Di ko naman sya kakausapin kung hindi lang din sya ang unang makikiapag usap. Pero ang rude ko naman pag di ko sya kikibuin. Tsaka di padin nawawala yung kabog ng puso ko sobrang bilis talaga. Sana di nya naririnig.
Nagkatitigan ulit kami pero maagap kong inalis ang tingin ko para di awkward. Mahirap na at baka masabihan nanaman akong desperado sa pagmamahal. Pupulutin ko na sana ng ...
"Why don't you pick it up nalang then give that to him instead". Sabi ni Princess.
At aktong pupulutin na yun ni Troy ng bigla akong nagising sa realidad. Walang love story, walang happy ending at walang slow motion.
"Wag na po, salamat. Kaya ko po" mabilis pa sa alas quatro ang pag abot ko ng panyo ko at sabay tayo at labas ng room.
Takbo ! Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa dinala nalang ako ng pas ko sa tambayan ko. Sa likod. Dun ay huminga ako ng malalim at sabay sumigaw.
"Miss na kita!!!!" Buong lakas kong sinigaw sa hangin.
Haaayyy hanggang dito nalang ba talaga tayo Troy? Huhuhu
Grabe! Kung titignan mo sobrang bagay nilang dalawa. Parang sila talaga ang itinadhana para sa isa't isa. Prince at Princess. Ultimo pangalan nila ay bagay sa isa't isa. Marahil isang alaala nalang ang pwede kong ipunin at papahalagahan habangbuhay.