Music On: Dreaming of You by Rachelle Ann Go (Revival)
————————
Ash's Point if ViewMaaga akong nagising para magluto ng babaunin ko sa school. Kahit nanyan sila nanay Cora at mga katulong namin ay ako padin ang nagluluto ng babaunin ko. Ayoko kasing makaistorbo ng mga natutulog e.
Nagluto ako ng bistek hehe favorite ko kasi to e. Mula kasi nung magresume ang klase ay nagbabaon na ako at di na nagpapakita sa canteen, lalo lang akong nasasaktan sa twing nakikita ko silang dalawa na magkashare ng plato habang nakaakbay si Troy kay Princess. It hurts me like a thousand knives. Kaya eto. Sa tambayan ko nalang nilalabas ang gutom ko at dun nadin ako kumakain araw araw. Para payapa ang breaktime ko.
Fast forward
Breaktime na. Nakita ko na lumalabas na ang mga estudyante kaya dali dali ko na ding nilabas ang baunan ko at lalabas na sana ako ng room ng biglang..."Hey Ash! Ash right?" Tawag sakin ni Princess habang katabi si Troy na nakatingin din sa direksyon ko.
"Bakit po?" Magalang na pagsagot ko sa tawag nya.
"Uy! Stop using po! We're colleagues here. Btw, you wanna join us sa canteen?" Diretsong pa anyaya ni Princess sakin.
"No way Bhie.. ! It's our quality time" sabat ni Troy.
"Thank you po sa pag invite, pero may baon po ako. Sige po maiwan ko na kayo". Mabilis na pagtanggi ko sa alok ni Princess. Ayoko namang maging cause ng pag aaway nila. At higit sa lahat, super awkward yun pag nagkataon.
Lalakad na ako ...
"Sa-saan ka ba kumakain?" Pahabol na tanong ni Troy. Totoo ba to? Huy Ash! Stop it!! Don't assume. Wag kang hoping okay. He's just asking.
Napatingin naman si Princess sa kanya. "What's with the place?? Why ate you suddenly asking him about random things". Pati si Princess nagulat din.
Tila nagulat din si Troy sa naging asal nya kaya't napahinto sya at napaisip ng irarason. Sana lang bilhin ko yung palusot nya.
"Don't get me wrong bhie. Si President kasi nagpapatulong mag headcount sa canteen, may survey ata ngayon ang 4th year at inaalam kung ilan ang tumatangkilik sa school canteen natin"
Ani Troy.Ah! Yun naman pala. May rason. Akala ko naman na...... hmmmm, dibale nalang. Alam kong dadating din ang love story ko some other time. Maybe all I can do for now is to wait for the right time and right guy.
"Oh I see" Princess.
"Sige! Mauna na ako sa inyo." At hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na umalis na sa lugar na yun.
————
Fast forwardUwian na. At palabas na ako ng campus ng makita ko si Troy na nag iisa at naglalakad pauwi sa condo nya.
Ewan ko, bigla akong nakaramdam ng kalungkutan habang pinagmamasdan ko sya sa malayo. Hanggang ganito nalang talaga ako sayo Troy. Ingat sa pag uwi.
Naglalakad nadin ako pauwi nang may makasalubong akong tatlong estudyante na feeling ko mga varsity player gawa ng suot nila. Ang lalaking lalaki pa at ang tatangkad. Pero agad akong dumaan sa harapan nila at mabilis na nilagpasan ang lugar kung nasasn sila.
"Aww. Luis. Di pinansin ang karisma mo pre!" Pang aasar nung isa na naka braces. Mukhang mahangin ang grupo nila.
"Hoy! Alam mo bang ikaw palang ang unang tumabla sa kagwapuhan ko. Pinatigas mo ang alaga ko kaya panagutan mo to" bulyaw sakin nung Luis ba yun. Ghadd!! Nakakatakot sila. Parang mga uhaw sa init ng katawan. Nakakatakot.
"Kuya! Please wag po ako. Hindi po ako gaya ng iniisip nyo.." pagmamaka awa ko sa kanila pero parang bingi sila sa pakiusap ko.
"Pre! Mukhang masikip pa ang isang to a! Virgin pre!!! Naka jackpot tayo". Sabi nung isang mas matangkad lang sakin ng onti.
Kinakabahan na ako sa oras na ito. May nakakapansin ba samin !'?? Sana tulungan ako.
"Pre lalawayan ko na to! Lalagyan ko na ng palatandaan ang leeg mo ah" aktong lalapitan na ako nang biglang lumipad ang isang kamao ng lalaki sa mukha ng hahalik sana sa akin. At sa gulat ng nasuntok ay nakatulog ito sa isang suntok lang. Kahit ang mga kasama nito ay nagulat sa ginawa ng sumuntok.
"Hoy! Kami ang nauna sa kanya! Maghanap ka ng sayo.! Istorbo ka sa amin e". Sagot ng naka brace kay Troy.
"Nauna? Kayo?? Sapak gusto nyo? Tara dito ng magkaalaman". Sabi ni Troy ng punong puno ng tapang. Nag aapoy ang kanyang mga mata sa galit.
"Tsss tara na nga ! Badtrip!" At umalis na ang tatlo.
"Okay ka na. Alis na ako" sabi ni Troy.
"T-Troy ... ano.. sa-salamat nga pala sa ginaw..." naputol ako ng mapansin kong wala na sya sa harap ko.Salamat Troy !