Chapter 1

30K 510 24
                                    

Dedication: BambieMartinez loveloverboy30 ayennlopez Saguittaruis ImeldaTablada felydasexy sheng1980 Swift_mixxx Elnigen menianoclyde larakulit Atarahzhoie briannaleign09 wutizmaname IrmaCalabiaAnggay cinjay baduy2006 BanoyHachuela Krisjam1209 AnneSavilla7

IPINARADA ni Heaven ang kanyang kotse sa harap ng malaking bahay na nasa gitna ng Hacienda Saavedra. Nanatili lamang siya sa loob ng kanyang kotse. Pinagmamasdan nya ang paligid habang bumabalik ang gunita ng kahapon...

Madilim noon, bumabagyo at malamig ang gabi pero hindi nya iyon inalintana.. Nilakad nya ang ilang kilometro mula sa hacienda papunta sa kanilang tahanan. Ilang beses siyang nadapa. Paano nya sasabihin sa kanyang ina ang ginawa ng mga Saavedra sa kanyang ama?

At ngayon nga ay ipinapatawag siya sa hacienda. Ano na naman kaya ang palabas ng pamilyang iyon?

Kumurba ang labi nya, nangangako sa sariling hindi na iyon mauulit. Panahon na upang harapin ang mga multo ng nakaraan. Napailing nalang siya sa kababawan ng ideyang iyon.

Gaya ng kababawan nya noon --- ang pagkakaroon nya ng crush kay Earth Saavedra. Sixteen siya nang magsimulang humanga sa binata na noon ay beinte uno anyos naman. Natatandaan nya pa na madalas nitong sabihin sa kanya na bilisan nya ang paglaki para maligawan na siya nito. Hindi nya naman sineryoso iyon.

Napailing ulit siya. Kay laki na ng ipinagbago nya sa dalagitang iyon. Sinira ng gabing iyon ang lahat ng mga pangarap nya.

Hanggang ngayon ay hindi niya lubusang maintindihan kung ano ang mga nangyari. Pinagbintangan ni Don Cronos Saavedra, ama ni Earth, ang kanyang ama na nagnakaw diumano ng malaking halaga mula sa kompanya ng mga Saavedra. Matagal nang tumayong katiwala ang ama nya rito. Magkababata din ang mga ito at matalik na magkaibigan.

Kaya hindi nya maintindihan kung paano nagawang talikuran ng matandang Saavedra ang pagkakaibigang iyon. Nabilanggo ang kanyang ama at sa labis na sama ng loob ay nagkasakit ito sa piitan. Hindi pa natatapos ang paglilitis ay pumanaw na ito.

Makapangyarihan ang mga Saavedra at mahusay ang abogadong binayaran ng mga ito. Napalabas ng mga ito na totoo ang bintang sa kanyang ama. Inilit ang kanilang bahay at lupa na tanging mayroon sila bilang kabayaran sa ninakaw raw ng itay nya. Ilang damit lamang ang nadala nilang mag-ina at sa isang kamag-anak sila nanuluyan sa Maynila.

Napabuntung-hininga siya. Pareho ng yumao ang mga ama nila ni Earth. May magagawa pa ba ang pag-alala sa nakaraan? Gusto nya na iyong kalimutan.

Humugot muna siya ng malalim na hininga at pinangaralan ang sarili. Kaya nyang harapin ang mga Saavedra dahil walang-sala ang kanyang ama. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng kotse at taas-noong bumaba.

Eksakto namang bumukas ang pinto ng mansyon at bumungad doon ang panganay na kapatid ni Earth na si Venus. Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Sa una ay blangko ang mukha nito ngunit nang makilala siya ay nabuhay ang pagkamuhi doon. Hindi na siya nagulat pa dahil iyon din ang nakita nya sa mukha ni Earth noong gabing palayasin siya nito mula sa pamamahay na iyon.

Diretso siyang naglakad palapit sa bahay. Nanatili si Venus sa harap ng pinto at hinintay ang paglapit nya.

"Bakit ka pa nagpunta rito?" bungad nito.

"Pupunta ba ako rito kung hindi ninyo ako ipinatawag?" malamig na tanong nya.

"You're not welcome here."

"I know, and I don't give a fck." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya para bumalik sa kanyang sasakyan. Tiyempo namang dumating ang isa pang kotse. Tumigil iyon sa kanyang harap at mula roon ay lumabas si Atty. Ramirez.

"Heaven, I'm glad you made it," anito.

Tinanguan lang nyang abogado at tinungo ang kanyang sasakyan.

"Sandali lang, Heaven." Kinapitan nito ang siko nya. "I think you should stay."

"Atty. Ramirez," timpi ang galit na binalingan nya ito. "Pinaniwala mo ako na ipinatawag ako rito ng mga Saavedra." 

"Heaven..." nag-atubili ang abogado, tila nag-iisip ng kung ano ang sasabihin. "Sa bandang huli ay naniwala si Don Cronos Saavedra walang kasalanan ang ama mo sa nangyari. Pinagsisihan nya ang nangyari sa inyong mag-ina." 

"Wala akong pakialam!" 

"Really?" Nilampasan ng mga mata nya si Atty. Ramirez at salubungin ang malalamig na tingin sa kanya ni Earth. 

Sa tindi ng galit nya sa binata ay hindi nya napansin na isang Audi R8 Spyder na sports car ang pagmamay-ari nito. Sa lugar na ito ay si Earth lamang ang may ganoong sasakyan. 

Nakita nyang naglakbay sa kanyang kabuuan ang paningin nito. Pero sigurado siyang panunuya ang nabanaag nya sa mga mata nito at hindi paghanga. She felt bare under his hot gaze however.

She lifted her head high at ipinakitang hindi siya apektado nito. Ayaw nyang maunang magbawi ng tingin pero pinamulahan siya ng pisngi dahil sa patuloy na pagtitig nito sa kanya. Umangat ang isang kilay nito at binawi nya ang tingin para balingan si Atty. Ramirez. 

"Uuwi na lang ako, Attorney. I can see when I'm not needed."

"Please stay, Heaven," sagot sa kanya ng abogado. 

Nagtiim ang mga bagang nya. Ngunit hindi nya ito kayang hiyain at ayaw nyang mawala ang kontrol nya dahil lamang sa mga taong ito. 

Binuksan ni Venus ang pinto para makapasok sila sa loob pero matalim pa rin ang titig nito sa kanya. Hindi nya ito pinansin, habol-hininga niyang pinakalma ang sarili. Hindi nya ipapakita sa mga taong ito ang kanyang kahinaan.


Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon