Chapter 9

14.2K 376 19
                                    

Dedication: @adrakatrina ericavillajuan4 ClaireDevera277 DanicaPeralta786 UnknownDarna  

armhiellezeroEight  laarni1974  LadyJoy84  @Mystrydrei  tootsiecueva sophiaronquillo  honeychell26 PinkyBalmesAnacan  
nacan OfeliaTayag  jheendozo  poletbosyo princessanne1023 
janelitawan22  daphey  MohimSaliao  @sheilavilladar800 gab282828  user60073276

Thank you for your support! 😘 Sana ay magustuhan nyo po ito. 💗💗💗




"EARTH? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Heaven sa 'asawa'. Hindi nya inaasahang pupuntahan siya nito sa bakeshop. 

"Hindi ako pumunta rito para makipag-away, Heaven. I'm just here to have breakfast with my wife," nakangiting sagot ni Earth. "Pare, kumusta?" tanong nito kay Kesler. 

"Okay naman, pare. Ang aga mo yata, may lahing Intsik ka ba? Hindi pa kami nagbubukas ng bakeshop," magaang sagot ng kanyang kaibigan.

"Wala naman. Maaga kasing umalis ng bahay itong asawa ko eh hindi pa yan nakakapag-agahan."

"I'm fine, Earth. Hindi ka na dapat nag-abala pa. I can have brunch in a few hours. May ibibake lang akong order na cake. Rush," pagkasabi niyon ay pinadilatan nya si Kesler para sakyan ang alibi nya.

"Ah, oo nga, pare. College classmate namin ang nagpapagawa. Sandali at i-ready ko lang yung mga gagamitin nating ingredients," salo ni Kesler saka iniwan silang dalawa. 

Ang galing talaga sa timing ng vaklang toh. Siguradong sinadya nya para maiwan ako rito kasama ang mokong na ito. 

"I don't mind waiting at all. Besides, we really need to talk, Heaven."

"What's there to talk about?" 

"We need to talk about that night, Heaven," anito. 

Pakiramdam nya ay bumara sa lalamunan niya ang hopia. Humugot siya ng malalim na hininga bago tinagpo ang mga mata nito. Sinuri nya ang seryosong mukha ng lalaki. 

"Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin, Earth, at wala akong pakialam," malamig na tugon nya. 

"Obviously, you haven't gotten over it yet," taas-kilay nitong balik. "Heaven, alam kong wala kang kinalaman sa anumang ginawa ng ama mo. Kung pwede ko lang sanang bawiin ang mga binitawan kong salita noon..." 

"Iyon na nga eh, hindi mo na pwedeng bawiin," tuya nya. 

Bumalik ang mga mata nito sa kanya. "Noong nalaman ko ang nangyari noon sa'yo, pinuntahan kita noon sa bahay ninyo noong sumunod na hapon..." patuloy nito. "Pero wala na kayo roon ng inay mo." 

Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon