Chapter 3

14K 430 21
                                    

Thank you sa mga matiyagang naghintay ng update! 😘
Dedication: jessiedemol shirooji krizzaleneranada JheanSelario findingbbq majadeodorant fxyhvdfgg tappe15 Babadyn nicknavarra24 prinkate miuszee b-jeaniel @jnepomuceno19 Yna_Kay RizHontivEros

Happy reading! 😉

ANG BABAENG bumalik sa sala ay poised at kalmado, hindi halatang malakas ang kabog ng dibdib. Wala siyang magiging sandalan sa bahay na ito kundi ang kanyang sarili. Kailangan nyang maging matatag.

Pero paano iyon gagawin ni Heaven kung sa tuwing magtatama ang paningin nila ni Earth ay parang kinakapos siya lagi ng hininga?

Nakipagpalitan siya ng magalang pero ubod ng lamig na tingin sa ina at kapatid ni Earth. Nang maupo sila ay pinili nya ang silyang malapit sa abogado at pinakamalayo kay Earth.

Binalot ng katahimikan ang silid, magkakaharap sila at wari'y tinatantya ang lakas ng bawat isa.

Humugot siya ng malalim na hininga at humalukipkip bago pinag-ekis ang mga binti. Dahil nakatuon ang pansin nya kay Earth ay hindi nalingid sa kanya ang pagsunod ng mga mata nito sa galaw ng mga binti nya.

May paghahamon sa mata nya nang magtagpong muli ang mga paningin nila. He smirked before turning to the lawyer. "What are we waiting for, Attorney?"

Tumikhim ang abogado. Kinuha nito ang briefcase at sinimulang basahin ang testamento.

Lumilipad ang isip nya. Tanga na lang siya kung bubuhayin nya pa ang lahat ng paghanga nya para sa binatang Saavedra.

Lihim siyang napabuntung-hininga. Baka abutin ng bukas ang pagbabasa ng testamento sa dami ng ari-arian ng mga Saavedra. Ano pa nga ba ang hinihintay nya?

Kumunot ang noo nya ng mabanggit sa testamento na ibabalik daw sa kanilang mag-ina ang kanilang bahay na inilit sa kanila ng mga Saavedra.

Gusto nyang matawa. Ipinamana sa kanila ang dati namang kanila, na kinamkam ng mga ito bilang ganti sa sinasabing pagnanakaw ng itay nya sa pera ng mga ito.

Kumunot na naman ang noo nya dahil pinag-uusapan naman ang tungkol sa Saavedra Industries, ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng kanyang ama dati.

Ang limampung porsyento ng shares of stocks ay pinaghahatian nina Earth, Donya Gaia at Venus. Thirty percent kay Earth at tig-ten percent naman kay Donya Gaia at Venus.

Twenty percent ay para sa business partner nila na nagpasok ng kapital para sa expansion ng kompanya at ang natitirang thirty percent na pinanghahawakan ni Don Cronos noong ito ay nabubuhay pa ay buong-buo nitong ipinamana kay Heaven.

Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Kunut-noo ring napatayo si Earth.

"What is the meaning of this, Attorney?" galit nitong tanong. "Thirty percent! That would automatically give her a seat on the board of directors!"

Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon