Chapter 13

11.4K 380 16
                                    

Dedication: gayat2375 arianedonato022889 DarleneAnneFeranil dullz1 elisaaresgado LynBigbig CheianArshyne ninie0717 maryannueva20 wryanblakedeblois EamYlloJ lorenosano edralynbenitez gesanmiguel LilibethDomingo jiropotpot02 JenniferOllano user53861028 RochelleBitoon paolajaein KarEn8646 kifha28 yprettyprince lorrainelubit EllamzDagpin.


NAALALA NI Earth ang bilin ng kanyang ama. Kaya inalis nya ang painting na nakasabit sa dingding ng opisina nito. Lumitaw doon ang nakatagong safe. Pinihit nya ang knob niyon, pakanan, pakaliwa at pakanan muli. Bumukas ang maliit na pinto niyon. Kinuhang nya ang mga nilalaman ng safe at inilapag sa kanyang desk.

Sa bandang dulong bahagi sa loob ng safe, may isang box na may seradura. Kinuha nya ang munting susi mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kumasya ang susi sa lock. Sa umpisa ay hindi pa bumukas ang kahon dahil maganit na iyon sa tagal ng panahong nakatago lang. Matiyaga niya itong ipinihit muli at saka lamang iyon bumukas.

Binuksan nya ang kahon at tumambad ang mga papeles at mga litrato. May nakita rin siyang sulat. Binuklat nya iyon.

Isang blackmail letter galing kay Nat Khoma, dating boyfriend ni Venus. Binusisi nya ang mga litratong nakalakip doon. Mga litrato iyon ni Venus at ni Nat habang humihithit ng ipinagbabawal na gamot. Mayroon ding mga kuhang larawan ng hubad na katawan ni Venus na diumano ay kinunan ng lalaki base sa sulat.

Nanlumo siya sa natuklasan. Ito pala ang dahilan kung bakit nakumbinsi ang papa nya na walang kasalanan ang ama ni Heaven sa pagnanakaw sa kompanya nila. Pinagtakpan lamang ni Pontus Delos Reyes ang pagnanakaw na ginawa ni Venus para makabayad ng blackmail money kay Nat.

Si Venus ang totoong nagnakaw sa kompanya.

Napapikit siya sa kahungkagan na bigla nyang naramdaman. Malaki ang naging kasalanan ng kanilang pamilya kay Mr. Delos Reyes at sa mag-ina nito.

Bumalik sa alaala nya ang gabing ipinahuli ng papa nya si Mr. Delos Reyes. Ni isang salita ay hindi ito nagsabi tungkol sa ginawa ni Venus. Naalala nya kung paano nya pinalayas ng gabing iyon si Heaven, kung gaano kalakas ang bagyo noon na parang sinasabayan ng langit ang malaking dagok sa pamilya nito na pamilya nya ang may kagagawan.

Nakapagdesisyon na siya. Pakakawalan na nya ang asawa mula sa kasal-kasalan nila dahil hindi ito nararapat na magbayad sa kasalanang hindi nito ginawa. Pero paano nya gagawin iyon? Kakayanin nya bang mawala sa kanya si Heaven?

Napasubsob siya sa mesa ng kanyang ama.

**************************************


Ilang araw din ang lumipas at wala sa kanilang dalawa ang nagbukas ang usapan tungkol sa mga dokumento. Natambakan ng maraming out-of-town at out of the country business trips ang kanyang asawa kaya madalas itong wala. Pero hindi naman nawala ang pagiging maalalahanin nito. Madalas siya nitong tawagan at padalhan ng munting mga regalo at pasalubong. Delikado dahil lalo siyang nahuhulog.

Magkahiwalay pa rin naman ang mga silid nilang mag-asawa. Mabuti na rin iyon at baka siya na mismo ang manggapang sa asawa nya. Namula siya sa naisip. Ibinigay nya rito ang pinakaiingatan niyang pagkabirhen.

It's just a tissue anyway!


"Earth to Heaven! Yoohoo!"

"May sinasabi ka ba, Kesler?"

"Hayan na nga ba ang sinasabi ko. Miss mo na 'no?" nanunudyong sabi ng bakla saka siya kiniliti sa tagiliran.

"Hindi ko siya namimiss, 'no."

"Kunwari ka pa. Mabuti pa, panoorin mo 'to," saka nito pinlay ang isang video clip.

Nasa video si Earth habang kumakanta ng mash-up ng 'Pauwi Na 'Ko' at 'Dalagang Pilipina'. Nakapost iyon sa Facebook account ng lalaki at may caption na "For my lovely wife" 💗

Hanggang sa natapos ang tugtog ay nakatulala lang siya sa cellphone ni Kesler.

"Pauwi na raw siya. Madidiligan na naman po si Heaven, mga kaibigan."

"Yung bibig mo, bakla ka. May makarinig sa'yo," natatawa at namumulang sagot nya.

"Umaatikabong bakbakan 'yan for sure. Nagpa-wax ka na ba? Baka magubat na yan."

"Kesler..."

"Oh, shut up na nga ako at baka ma-friendship over tayo ng wala sa oras. Anyways, nasabi mo na ba kay Papa Earth yung mga na-discover mo tungkol sa ginawa ng sisteret nya?"

"Hindi pa nga eh. We didn't have the chance to talk about it dahil nagkaroon ng emergency sa isang site nila. Naiisip kong mas mabuti na personal kong sasabihin iyon sa kanya."

"Sabagay, may point ka dyan. Maniniwala naman kaya siya sa'yo? You know blood is thicker than water," nagpapaalalang sabi ng kaibigan nya.

"Let's see how this goes."

"Good luck sa'yo, friend. I've always known you as a fighter. This, too, shall pass. Basta huwag kakalimutan magpa-Brazillian ha."

"Kesler...!!!"

"Magsara na tayo ng shop at gabi naman na. Kailangan ko ng mag-beauty rest," tumatawang sagot ng bading. "Dala mo ba 'yung kotse mo?"

"Would you mind driving me home? Nag-taxi lang ako kanina."

Pagkatapos nilang magsara ng bakeshop ay nagpasya silang umuwi. Nang makarating sila sa bahay na tinitirhan nila ni Earth ay nagbeso na sila.

"Mauuna na ako, bebe girl. Galingan mo ha?"

"Oo na, lumayas ka na," natatawang sagot nya.

Kailan kaya siya uuwi?

Oh, 'di namiss mo nga.  Parang naririnig nya ngayon ang boses ni Kesler sa isip nya.

She showered quickly, checked her phone for any message from Earth but there was none. Sighing deeply, she jumped into her bed.

Kung hindi siya magtetext, eh 'di wag!

Ganoon na lang ang pagkagulat nya nang lumundo ang kama at naramdaman nya ang matitipunong bisig na pumaikot sa katawan nya kasabay ng pagdampi ng mainit na halik sa leeg nya.

"Hey, wife. Did you miss me?" dinig nyang bulong nito sa tenga nya.

Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon