Chapter 10

11.8K 341 13
                                    

Dedication: leobinsan123 beaanengyao07 @akachan-miel Loveinrose_15 user60073276 itzme0826 jehannevae7 ericacanalesdelapena @JerwinContreras170 RinaroseCadalin user28733934 edmchic_nadz reishinakata JaysonRonda7 RowenaAquino382 tintin729 magalonaerika solkizz



MASAKIT NA ANG PISNGI ni Heaven sa kakangiti. Hindi pa ba matatapos ang gabing ito? naitanong nya sa sarili. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo nya. Hindi rin nakatulong sa pakiramdam nya ang paminsan-minsang pagdampi ng halik ni Earth sa kanyang noo. Talagang ipinapakita sa lahat na bagong kasal sila. Gusto na nyang umuwi at magpahinga.

May isang asungot sa party na iyon - si Monica na kasali sa board of directors. Nakita nya na ito sa board meeting na dinaluhan nya. Nakamamatay ang mga tingin nito sa kanya sa tuwing inaakbayan at hinahalikan siya ni Earth. Selos na selos ang gaga. Ngumingiti na lamang siya kahit gustung-gusto nya na itong sapakin.

Sandali siyang iniwan ng asawa dahil tinawag ito ng isang kakilala. Mayamaya, naningkit ang mga mata nya nang makitang lumapit si Monica kay Earth habang nakikipag-usap ito sa mga business associates. Ubod ng lapit na tumayo ang babae sa tabi ng asawa nya at hinatak ito palabas ng balkonahe.

Halos umusok ang ilong nya sa galit.

"Are you all right, Hija?" nag-aalalang tanong sa kanya ng isang matandang lalaki na isa sa major suppliers ng Saavedra Industries, si Antonio Salvador. Pilit naman siyang ngumiti.

"Okay lang ho ako," matipid na sagot nya.

"Huwag kang mag-alala, matagal nang hinahabol-habol ni Monica si Earth pero hindi siya pinapatulan ng asawa mo. He made a good choice in you," anito.

"Salamat ho." Medyo lumambot ang naging ngiti nya dahil sa sinabi ng matanda.

"No problem. 'Delos Reyes' ba kamo ang maiden name mo? Would you by any chance related to Pontus Delos Reyes?" tanong nito sa kanya.

"Tatay ko po siya."

"Ah, your father was a good man. Pontus was one of the best executives Saavedra Industries ever had. He's a very diplomatic man and knew how to deal with suppliers, clients and employees. He was a good friend, too. I never believed all the bad things they said about him."

Nagningning ang mga mata nya sa narinig. "Thank you very much, Sir. I really needed to hear that."

Noon lang rumehistro sa utak nya ang pangalan nito. Presidente ito ng Salvador Group of Companies na isa sa mga suppliers nila.

"I hope you don't mind me asking, pero bago ho ba naalis ang tatay ko sa Saavedra Industries, may mga purchase orders ho ba siyang kinancel sa inyo?"

"No, Hija. Napakametikuloso ni Pontus. When he placed a purchase order, it was almost as good as cash."

"Pero ang sabi po sa records ay may mga purchase orders ho siya sa kompanya ninyo pero hindi natuloy noong bandang huli."

Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon