Chapter 11

24 2 2
                                    

Chap 11

Pagkatapos ng 4hours laboratory class namen. Nagelevator agad kme ni Camil. Pinindot niya sa 11th floor kung san dun ang library.

Pagkadating namen dun, naabutan namen si asungot. Aba ambilis naman niyang makarating dito. Madame siyang dalang libro galing sa 'appliedscience' section bookshelves.

Nilapag niya iyon sa lamesa. Sinuot nya ang eyeglasses niya at nagsimula ng magbasa.

Sige lang, galingan mo maghanap ng sagot at saka ako nagevil laugh sa isip ko.

Pumwesto kame ni camil Sa kabilang side ng lamesa ni asungot. Wala na kasing bakante, fully occupied na dahil sa sobrang sipag ng mga studyante dito. No choice. Magkaharap tuloy kame.

Kumuha ako ng AnaPhy book. Eto nalang ang pagaaralan ko Para naman di ako mabored sa pagaantay kay Camil.

Ilang pages na rin ang natapos ko sa pagbabasa. Huminto ako saglit dahil feeling ko supersaturated na ang utak ko. Pabalik balik naman tong si Camil sa bookshelves.Wala daw kasi siyang nakuha ni isang sagot sa mga kinuha niyang libro.Ramdam ko kung gaano kahirap ang report niya.

Napatingin naman ako Bigla kay asungot. Serious mode parin siya. Infaireness ah. Bagay pala sakanya magsalamin, Nerd lang ang peg. Anu nanaman kayang pakulo niya bat siya nagsuot nun? Anyway, Props lang yan siguro G para magmukha siyang genius. Tss.

"Wala pang summer, pero malapit na akong matunaw sa kakatitig mo saken." sabi niya habang nagsusulat.

Ay letse naman. Kapal neto, napatingin lang ako. Tapos titig na agad tawag dun. Binalik ko agad ang tingin ko sa libro.

"Excuse me? Duhh. Asa ka naman. Nagmememorize kaya ako dito."sabay irap ko sakanya.

Huminto sya sa pagsusulat at tumingin saken.

"Do I look even more handsome pag nakaeyeglasses ako?" Pangitingiti pa siya.

"Pweh! Wala ka pa nga sa gwapo ni Harry Potter noh. "

"Ofcourse, walang wala talagang binatbat si Harry Potter saken. Baka pag niligawan ka niya, gamitan ka pa ng magic, unlike me,  isang kindat ko Lang sayo OO na agad ang sagot  mo. Lakas kaya ng charisma ko.Dba?? Diba??" Tapos nagkikindat kindat pa siya.

Creepy!! Magtigil nga siya.

"Walang wala ding silbi yang so called kagwapuhan mo kapag kaharap mo naman ay isang daang ipis."

"Oh one more thing, idagdag mo pa ang butiki. Ni hindi ka nga makagalaw nun, tapos Sobrang pawis na pawis ka pa. Haha. Akalain mo yun, dinaig mo pa ang girlfriend mo. Kaya nga ayon siguro natauhan, nagbreak kayo! "

Mukhang nainsulto siya sa sinabi ko. Tumayo siya at naglean sa lamesa. Nilapit niya ang mukha niya saken

My gosh! Anung binabalak niyang gawin? Nilayo ko ang mukha ko pero Nilalapit niya parin ang mukha niya tapos pangiti ngiti pa siya.

"So ibig sabihin naaalala mo pa ang mga yun? Tell me  Anu pang mga naaalala mo?"

"Kkkapal mo. Matagal ko ng binaon sa limot kung anu man ang meron sa aten noon. I was damn fooled for 5years" irap ko sakanya.

"Suss. You missed me right? Haha  Dont worry, based on scientific studies. You are still normal. Wag Mo nga lang sobrahan baka mabaliw ka nian."

Sige ngiti ka pa. Ikaw sana ang mabaliw sa sobrang mafeeling mo.

Pabalik na si Camil dito samen. Kaya bago niya pa kame makita, pasimple kong sinipa si asungot sa paa. Napalakas ata ng sobra dahil napasigaw siya.

Couple in distressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon