Chapter 19

18 1 0
                                    

Nagising ako ng 10PM. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang kakaisip ng mga nangyari kanina sa school.

Pagtingin ko sa salamin, hindi parin pala ako nakakapagbihis ng pambahay.

Sakto naman tumunog ang tiyan ko. Oo nga pala, pati dinner nakalimutan ko din.

Ganito ba ang epekto ng mga baliw na yun saken? So apat na taon akong magtitiis. Please wag naman!

Matapos kong magshower at magbihis, dumeretso ako sa baba tapos nagdinner.

Ayon, nakailang cups ako ng rice. Ganito ata talga kapag stress na stress ka. And ofcourse, masarap din kase ang ulam. Hindi ko nga  alam kung bakit payat parin ako kahit antakaw takaw ko na.

After ko Kumain, kumuha ako ng 2bars ng toblerone, cadbury, tapos 1 kahon ng freshmilk sa ref. Kumuha din ako ng sandamakmak na cereals at junkfoods sa cabinet at kung anu anu pa.

"Hindi kapa ba busog G?" Pagtatakang tanung ni aunt

"Ahh busog naman na po, midnight snack po later habang nagaaral ako tiaka po wala na kasing laman ung ref sa kwarto ko. Irerefill ko na din po."

"Midnight snack? Eh 11 na oh. " tingin sa wall clock. "Wag ka masyadong magpuyat nian, may pasok kapa bukas. Ako nalang magrerefill ng ref mu bukas. Maaabala ka pa"

"Sanay na po ako aunt hehe and okay na din tong mga nakuhang food. Sige po goodnight"

"Oh siya,sige. Wag kang matutulog ng busog ha. Goodnight din"

Pagkaakyat ko, inayos ko ang mga dala kong pagkain tapos nagsimula na akong magaral.

"Aww" sabi ko ng tumalsik sa noo ko ang kapirasong toblerone na pilit kong pinuputol dahil sa sobrang tigas neto.

Napahawak naman ako agad sa noo ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nangyari kanina. Kung  tutuusin nagenjoy din naman ako kahit konte.

Nagising ako kinaumagahan ng maaga kahit na apat na oras lang ang tulog ko. Hindi ako pwedeng malate kasi pwedeng anytime of the day ay iaanounce nila ang practicals.

Bumangon na ako at naligo. Kumain ng almusal at nagtoothbrush. Since maaga naman ako ngayon, gagamitin ko nalng ulit ang sasakyan ko.

Nakarating ako ng school, papasok na ko nang maramdaman ko ang kaba mode na nababalot sa room. May mga nagaaral pa hanggang ngayon tapos yung iba nagchecheeran sa isat isa pampalakas ng loob.

Pagkaupo ko ng upuan ko, agad bumungad sakin si tasmanian.

"Nagaral kaba? Sus. Dibale na nga lang, alam ko naman na ako ang magbibigay ng highest score satin. Useless din yang kaba mo jan"

Wow lang. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.

"Pssh. Yabang. Manood ka na lang mamaya"

"Hahaha. Well, goodluck to me" pambabasag niya.

Ang aga aga, nambbwisit nanaman.

Natapos ang dalawang klase namin sa umaga ng walang announcement na binibigay.

Nagantay kame hanggang hapon pero wala pa din so it means prolonging the agony eto.

Pagkatapos ng klase ay agad akong hinatak ni tasmanian papuntang labroom.

Magppractice daw ulit kame. Sinabi ko naman na wala na yung pitik punishment something, seryoso na dapat. Pumayag naman siya at ayon nga naamaze ang tasmanian sakin. Paano ba naman kasi, perfect na perfect ko na ang bawat  parts.

Ako pa. Im brilliant you know!

Pahiya ka tasmanian noh.

Pagkatapos nun, umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay, ganun parin ang ginawa ko.

Couple in distressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon