24.SKYLER

865 40 2
                                    

Adolfo Suarez-Barajas Madrid Airport.

Kalalapag lang ng eroplano namin dito ngayon sa Madrid.Mahigit dalawampung oras din ang byahe mula Manila at nag stop over pa kami sa ISTANBUL kaya napagod ako ng kaunti.Mas ako kasi ang pinag operate ni Captain Romero sa buong  flight.Maigi na daw na masanay ako para sa susunod ay kaya ko ng mag isa na lang.

"Good Job Captain Pamintuan.Pwedeng pwede ka na talagang magbyahe ng solo! Magaling ang memory mo at alam na alam mo talaga ang gagawin sa pagpapalipad.Congratulations at sana'y ipagpatuloy mo lang yung pagiging maaasahang kapitan ng VAL._Capt.Romero.Kinamayan nya ako ng mahigpit at saka kami sabay ng lumabas ng deck at  bumaba ng eroplano.Nasa likod namin ang head F.A na naka assign sa amin.

"Congratulations po Captain Pamintuan.Isa po kayo sa iilang piloto na pinuri ni Captain Romero kaya saludo ako sa inyo._Miss F.A. Sya yung senior F.A ng Val na palagi daw ina awardan na pinaka magaling na FA.
Ngayon ko lang sya nakasabay sa flight kaya ngayon lang kami nagkakilala ng personal.

"Salamat Miss?_AKO.Dahil wala akong idea sa name nya kaya inabot ko na lang muna ang kamay nya para makipag shake hands.Sa tantya ko din ay mas matanda sya sa akin pero syempre di ko naman yun sasabihin pa sa kanya.Maganda sya pero may pagka seryoso ang dating.Hindi din sya yung tipong ngingiti sayo kaagad agad unless ikaw ang unang ngingiti sa kanya.

"Im Margarita Asuncion Captain Pamintuan.Glad to meet you again po.Pasensya na kung ngayon ko lang kayo muling nakaharap,Medyo busy po kasi ako sa work at palaging naka duty._Miss Asuncion.Iniiisip ko tuloy kung saan kami unang nagkita dahil ang sabi nya ay nice to meet you again.

"Nice to meet you too Miss Asuncion.So,Nagkakilala na pala tayo before?
Pasensya na pero parang di ko natandaan kung saan at kelan.Pwede mo bang ipaalala sa akin?_AKO.

"Well,Hindi nyo na nga po ko siguro matandaan since last year pa iyun.
Dun sa Anniversary ng Val at yun din yung time na ipinakilala kayo as Junior pilot.Kundi ako nagkakamali,Dalawa kayong ipinakilala nuon.
_Miss Asuncion.Napansin kong patingin tingin sya sa relo nya habang kausap ako.

"Ahhhh,Kami ng Bestfriend ko!Pasensya na kung di kita natandaan ha.Ang dami naman kasing tao nung araw na yun kaya iilan lang yung naalala ko.Anyways,Salamat sa pagbati.Teka,may inaantay ka bang tao at para yatang nagmamadali ka?_AKO.Gusto ko pa sanang makipag usap sa kanya pero pareho kaming nagmamadali na din.

"Actually Captain,May usapan kasi kami ng bestfriend ko na magkikita.
Nagkataon kasi na nandito din sya ngayon sa Madrid para dun sa convention na sinalihan nya._Miss Asuncion.

"Wow,Sosyal ng friend mo ha.Dito sa Madrid ang seminar.Anyways, salamat pala sa pag bati.I'll go ahead na din.Kita na lang tayo later sa taas.
Bye!_AKO.Saka ko sya iniwan na duon sa pwesto nya.Naglakad ako papaakyat ng opisina para i meet yung head ng Airport.Bawat landing kasi namin ay kailangang nakapirma kami sa logbook ng mga pilot sa opisina.

Bawat landing kasi namin ay kailangang nakapirma kami sa logbook ng mga pilot sa opisina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss Asuncion ba kamo? Yung masunget na Senior FA?_AJ. Naikwento ko kasi sa kanya na si Miss Asuncion yung FA na kasama ko sa flight.

"Kilala mo si Miss Asuncion? You mean,Nakasama mo na sya sa flight before?_AKO.Gulat ako na kilala nya si Miss Asuncion samantalang sabay  lang naman kaming pumasok dito sa VAL.

"Hindi ko pa sya nakasama sa flight pero i know her.Sya yung mataray na FA na sinungitan ako nung nagkita kami sa opisina nila._Aloha.Puro pang 1st class flight lang kasi naka assign si Miss Asuncion kaya hindi namin talaga sya makakasabay on board.

"Sinungitan ka?Hahahaha.Im sure hindi nya alam na anak ka ng may ari ng Val kaya ganun._AKO.Wala naman kasing di nakakakilala kay Aloha sa VAL

"Alam daw nya,Kasi nga nakasulat sa ID ko yung apelido ko.Kaya lang, hindi naman daw porke anak ako ng may ari,hindi na ko marunong kumatok sa pinto.Pero sa tingin ko,Hindi nya alam talaga nung una na VILLAREAL ako eh.Ayaw nya lang aminin talaga._AJ.

"Ahhhhh,So sya yung girl na kinwento mo sa akin na mataray?
Infairness ha,Di mo sya nakalimutan.Sa dami ng FA dito sa Val,bukod tanging sya lang ang FA na hindi ka kilala pero sya nakilala mo kaagad?
_AKO.

"Imposibleng di ko sya maalala.Nung una tayong ipinakilala dun sa VAL last year,Nandun sya nun at talagang mataray na.Lalo pa syang nainis sa akin dahil kinindatan ko sya.Tapos nung 2nd encounter namin,Nakatikim na naman ako ng pagtataray nya._Aloha.

"Ganun ba?Hahahah.Wala ka pala eh,Tiklop ka kay Miss Stewardess!
Pero totoo namang nakaka intimidate sya.Nung nasa byahe nga kami, hindi sya kagaya ng ibang FA na alam mo na...As in focus lang talaga sa trabaho.Kaya ng lapitan nya ko para i congratulate,Saka ko lang sya nakausap ng medyo matagal tagal._AKO.

"Iniisip ko nga,what if kaming dalawa ang nagkasabay ng duty? Tapos aasar asarin ko sya dun sa ere...Sa palagay mo, hindi kaya ako ihagis nun sa bintana ng eroplano?hahahhaa._Aloha.

"Hahahaha.Posible yun.Mainit dugo nya sayo eh.Sa akin naman okey sya makipag usap.Hindi nga lang ganong pala ngiti pero hindi naman nagsusunget gaya ng  pag ikaw ang kaharap.Nayayabangan siguro sayo.
_AKO. Kaming magkaibigan ay hindi isnob sa lahat.Infact,Mahilig kaming makipag kwentuhan sa kahit na sino lalo na sa VAL.Pero si AJ talaga yung mas down to earth sa aming dalawa dahil kahit janitor duon or mga empleyadong nagkaka problemang financial,Kaagad nyang tinutulungan.

"Ako pa ba? Nagkataon lang kasi na hindi ako kumatok dahil nagmamadali ako ng mga oras na yun.Tapos ang alam ko,Si Pia ang nandun sa loob kaya dumiretso na ko agad._Aloha.Si Pia ay parang pinsan nya na dahil ampon ito ng pinsan ng Lola CK nya.(remember MISS  Amelia ng CK mall?)

"Iba din talaga si Miss Asuncion sayo.Merong init ng dugong kasama
hahahhaa.Anyways,sa susunod kong flight nga pala,Ako na yung head pilot at ako na mismo ang hahawak ng operation.Kaya goodluck na lang sa akin._AKO. Kahit kasi sanay na akong magpatakbo ng eroplano,iba pa din kapag ako na mismo ang hahawak mag isa.

"Sisiw na sisiw lang sayo yun Kapitan! Malupit ka ngang mag operate eh.
Sabi nga ni Dad,Puring puri ka palagi ng mga Senior pilot natin.Kaya nga madali ka nilang pinagkatiwalaan dahil alam nilang kayang kaya mo ng magdala ng plane sa ere.Saka ilang besss ka na din namang nakapagpalipad nuon bago pa tayo sumabak dito sa VAL diba?_Aloha.

Bago pa naman kasi kami maka graduate ni AJ,Ilang beses na kaming nakapag sanay magpalipad ng private plane nila.Kaya ng makapasa kami sa exam ng VAL,Marunong na talaga kaming mag palipad ng eroplano.

*otor's note:Mayroon pong tatlong pilot na kailangang naka duty sa pagmamaniobra ng isang eroplano.Hindi din basta pinapayagang magsolo lang ang isang piloto lalo pa at isa pa lang syang junior pilot.Kinakailangang isa ka ng ganap na Senior pilot para makapag operate ng isang eroplano

"IGINUHIT NG TADHANA" (SKYLER AND MARTHA ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon