55.MARTHA

853 44 1
                                    

Halos buwan din kaming hindi nagkausap at nagkita ni Skyler

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos buwan din kaming hindi nagkausap at nagkita ni Skyler.Alam kong sinadya nya yun para makapag focus sa kasong isinampa nya kay Heidi.
Ramdam ko din ang sadyang pag iwas nyang di muna magparamdam dahil ayaw nyang madamay ako sa demandahan nilang dalawa.

"Tama lang naman ang ginawa ni Sky na wag ka ng idawit pa sa problema nya.Alam naman kasi nyang in shock kapa sa mga nangyari at ayaw nyang maulit pa yun.Hayaan na muna natin sya,Kung talagang kayo...Kahit saang panig pa kayo ng mundo magsipag lakbay,Magkikita pa din kayo._ Gari.
Kinailangan kong magpunta ng Paris para i submit ng personal ang ilan sa mga naipinta namin.Kapag nakapasa iyun sa mga hurado,Saka lang namin pupwedeng ituloy ang grand exhibit na binabalak namin.

"Sana nga ay matapos na ang kaso at ng magkaroon na ng katahimikan sa pamilya nina Sky.Hindi din biro ang pinagdadaaanang pressure ngayon sa part ni Sky dahil sya talaga ang main target ng kalaban.Idagdag mo pa yung nangyari sa pagitan nila ni Heidi._AKO.Ang hindi ko lang ma imagine ay kung bakit dumating pa sa point na nagkasakitan pa silang pareho.

"Pasasan ba at matatapos din ang lahat.Magiging okey din si Sky for sure.
Magagaling kaya ang mga abogado nya.Siguradong mananagot sa batas ang may sala._Gari.Sina Zee at Gucci ang dalawa sa umaalalay kay Sky kabilang na ang bigating abogado na hinired ng pamilya Pamintuan.

"Kayo naman ni Aloha,Kamusta? Nasabi mo na ba sa Inang mo?_AKO.
Dahil conservative at sagradong katoliko ang pamilya nina Gari, Hindi pa nya masabi sa Inang nya ang tungkol sa kanila nj AJ.

"Ganun pa din,Masaya naman kahit hindi pa legal sa family ko.
Pasalamat na lang ako at very understanding si Aloha kaya kahit hindi ko pa sya naipapakilalang nobyo kina Inang,Naiintindihan nya ako._Gari.
Kaya kapag papasyal kami sa kanila,Dapat grupo kami para hindi mahalata ng Nanang nya na mag nobyo silang dalawa.

"Well,Mabuti naman kung ganun.Pasalamat ka na lang at understanding si Kapitan at mababait din ang mga inlaws to be mo._AKO.Open at welcome na welcome si Gari sa pamilya Villareal kaya naman masaya ako para sa bestfriend ko.

"Aysus,Nagsalita ang mas pinagpala!Mas bet na bet ka kaya ng future inlaws mo noh.Alam mo ba ang sabi daw ng mommy ni Sky kay Tita Sally,Willing daw syang magpagawa ng sarili mong museum para sa mga paintings mo.Para daw hindi kana nagrerenta pa ng place para sa mga exhibit mo._Gari.Hindi naman nakakapagtakang kaya yung gawin ng mommy ni Sky pero syempre hindi ko naman yun papayagang mangyari.

"Naku naman,Wala namang ganun.Anyways,Salamat nga pala dito sa mga pasalubong mong make up at lipstick.Sakto namang paubos na din tong gamit ko.Hindi kasi ako nakabili nung last na punta ko ng Korea._AKO.

"Kasi nga in enjoy nyo ng husto yung trip nyo ni Sky sa BUSAN.Dinaig nyo pa ang mga zombie dun dahil halos magdamag kayong puro kwentuhan lang at hindi na nakatulog.Haay naku,Mabuti pa at mag ayos kana dyan at baka mahuli kapa sa flight mo._Gari.Sabay na kasi kaming pupunta ng airport kaya pareho kaming naghanda na at nag ayos.

Sabay na kasi kaming pupunta ng airport kaya pareho kaming naghanda na at nag ayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mistulan akong isang modelo sa suot kong mamahaling damit.Kasi naman, kabilin bilinan ng mga organizer ng league na dapat daw ay presentable at kaaya aya ang itsura ko pagharap sa kanila.Kaya naman kahit liparin na ng hangin itong suot ko,Need ko pa ding i maintain ang fierce look ko daw.


Congratulations Miss Morgan! Talaga namang napa hanga mo ang mga hurado hindi lamang sa mga ipininta mong mga larawan kundi pati na din sa taglay mong kagandahan._Mrs.Josefina Katigbak.Asawa ng sikat na pintor na si Amorsolo Katigbak Jr.Sa ngayon ay dito na sila sa Paris naninirahan ng buong pamilya nya at isa nga ang asawa nya sa hurado at myembro ng Paris league of painter(PLP).

"Salamat po Madam sa papuri.Sobra po akong nagpapasalamat sa inyong mag asawa sa mainit na pagtanggap sa akin dito.Ang buong akala ko nga ay wala akong makakausap manlang.Mabuti naman po at na meet ko kayo ng personal.Isa po sa pinaka hinahangaan kong pintor si Sir kaya sobra po akong na starstruck sa kanya._AKO.Abstract painting ang forte nya ngayon

"Naku ikaw naman,Masaya din kaming mag asawa na nakarating ka dito.
Akala nga namin ay kasama mo din si Ben eh._Mrs.Katigbak.Nagulat ako na kilala pala nya si Kuya Ben nb personal.

"Ayun na nga po kasi,Medyo kinulang po yata sya sa budget kaya hindi na lang sumama.Nagkataon din po kasi na nagka problema silang mag asawa kaya minabuti nyang ako na lang daw po ang magpunta dito mag isa._AKO

"Siguradong si Blessy na naman ang may kasalanan.Khng kelan naman kasi tumanda saka pa nalulong sa bisyo.Kawawa naman si Ben._Mrs.Katigbak.Gusto ko sanang magtanong kung kilala nya si Kuya Ben pero bigla namang lumapit sa amin si Sir Amor kaya nahinto ang pag uusap naming dalawa.

"Ano na naman ba yang ichinika mo dito sa magandang binibini ha darling?Kapag talaga nakakakita ka ang Filipino,Excited na excited ka sa pagkukwento.Baka naman mamaya nyan hindi na nakakain yang si Miss Morgan kaka tsismis mo._Sir Amor.Napansin ko na bibihira sa mga pintor ang mataba.Siguro kasi,palagi kaming tutok sa pagpipinta kaya hindi masyadong makakain ng bongga.Payat kasi si Sir Amor at maputi na ang mga buhok.

"Hahahaha.Pasensya kana sa akin Miss Morgan,Talagang ganito ako kadaldal kapag tagalog ang usapan.Alam mo naman na iba pa din ang usapang tagalog kaysa english.Medyo mahirap syang intindihin kaagad lalo pa at slang sila masyado.British accent pa._Mrs.Katigbak.

"Martha na lang po ang itawag nyo sa akin.Ikinagagalak ko po kayong mameet ng personal Sir Amor,gayun din po kayo Madam.Isa po akong tagahanga ng inyong mga obra sir at sobra po akong nagagalak at isa po kayo sa mga hurado._AKO.

"Hahahaha.Mukha ngang tagahanga kita,Medyo tense ka kasi ngayon unlike kanina na wala pa ako sa harap mo.Kanina ko pa kasi kayo tinitignan sa malayo,Talaga palang kamukhang kamukha ka ng mommy mo iha.Sayang nga lamang at hindi na nya naabutan pa ang pag usbong ng career mo bilang isang pintor._Sir Amor.Pagkabanggit nya sa mommy ay bahagya akong naluha.Hindi ko akalain na pati pala ang mommy ay kilala nya din.

"Iha,Bukod kay Ben na kaibigan ng Mommy mo ay kaklase nya din kaming mag asawa sa kolehiyo nuon.Hindi lang kami nakapunta nung panahong kinuha na sya ng panginuon dahil struggling pa lang kaming mag asawa dito.Kapag umuwi kami,Mahihirapan na kaming makabalik muli.Gayun pa man,Ipinagdasal naman namin ang kanyang kaluluwa._Mrs.Katigbak.
Agad naman nya akong niyakap after nyang magkwento.Kahit kasi sya ay napaluha din sa pag alala sa mommy ko.

"Hanga kami sa tatag ng Daddy mo na kayanin lahat ng mga pinagdaanan nya.Nawalan na sya ng kaibigan at salapi,Nawalan pa sya ng mapagmahal na asawa.Huli ko syang nakausap,Naikwento nya sa akin na malapit na daw nyang mabawi ang lahat ng pinaghirapan nya._Sir Katigbak.
Napapikit ako at taimtim na nanalangin.Hangad kong magkaroon na nga ng hustisya ang nangyari kay Dad.

"IGINUHIT NG TADHANA" (SKYLER AND MARTHA ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon