47.MARTHA

881 52 18
                                    

SEOUL,KOREA

Malungkot ang balitang sumalubong sa amin isang umaga,Nang ibalita sa amin ni Hanna Jung na pumanaw na ang kanyang ina na nag iisang kapatid na babae ng Dad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malungkot ang balitang sumalubong sa amin isang umaga,Nang ibalita sa amin ni Hanna Jung na pumanaw na ang kanyang ina na nag iisang kapatid na babae ng Dad.Si Tita Choi Mina Jung sa sakit na heart attack.
At dahil malayo ang Madrid sa Korea,Ako lang ang naka attend sa funeral nya.

"Pano na yan Hanna,Ikaw na lang mag isa ang mamamahala sa business nyo,Dapat ay mag ingat ka at wag basta basta magtiwala sa ibang tao.
_AKO.Solo lang syang anak at nauna ng namatay ang Papa nya nuon pa.

"Wag kang mag alala Unnie,Mag iingat ako. At saka matagal na naman akong kasa kasama ng mama sa pamamalakad nitong negosyo namin kaya alam na alam ko na ang mga pasikot sikot dito.Salamat nga pala sa pag punta,Alam kong busy ka din pero nandito kapa din para damayan ako.
_Hanna.(Hindi na kasi naka abot pa sina Dad at ang dalawa kong Uncle sa libing pero nangako silang dadalaw sa susunod na mga linggo.)

"Pasensya kana kung hindi kaagad maka alis sina Dad papunta dito ha, Alam mo naman ang sitwasyon nila dun.Pero nangako naman sila na dadalawin ka dito kapag nakakuha sila ng maluwag na skedyul._AKO.

"OO unnie Martha,Nakausap ko silang tatlo at nagsabi nga na papasyal dito sa ibang araw.Naiintindihan ko naman sila.Syanga pala,Tungkol dun sa dating kaibigan ng Dad mo na nanloko sa kanya,May balita kana ba dun?_Hanna.

"Actually,Ang huling balita ko ay nandito na nga daw sya sa Korea pero nagpalit na ng pangalan.Kaya lang,Nakiusap sa akin si Dad na hayaan ko na lang daw syang lumutas sa kaso at wag na kong makialam pa.Kaya gustuhin ko mang hanapin yung taong yun,Hindi pupwede eh!_AKO.

"Alam mo Unnie,May kakilala pa naman akong magaling na investigator eh.Saka kung nandito sya sa Korea,Malamang andito yun sa Seoul at dito nag nenegosyo.Minsan ko na din namang nadinig yung istorya na yun habang nag uusap sina Mama at uncle sa skype nuon.May litrato pa ngang itinago si Mama eh.Gusto mo bang makita?_Hanna.Curious naman akong makita ang itsura nung lalaki kaya magkasama naming hinanap yun sa kwarto ni Tita Mina.

"Ito ba talaga yung itsura ng taong nanloko sa daddy? Mukha naman syang di gagawa ng masama sa larawang ito ah.Looks can be decieving talaga, Mukha kasi syang korean idol sa itsura nya._AKO.Napailing na lang ako.

"Kahit nga ako din hindi makapaniwala.Pero yan talaga yung nakita ko.
As in kilala talaga ng family kaya ganun na lang ni uncle pinagkatiwalaan ang taong yan.Kahit magpalit pa sya ng pangalan,hindi na mabubura ang latay na iniwan nya sa puso ng uncle for sure._Hanna.Yun nga ang isa sa pinaka masaklap na katotohanan ng buhay,Na yung taong labis mong pinagtiwalaan pa ang sya sisira at mananakit sayo.

"Pupwede bang ipa print ko itong picture na ito Hanna? Ibabalik ko din after.Baka sakaling sa paglalakad lakad ko dito sa Seoul ay makasalubong ko sya._AKO.

"Okey lang Unnie,Pwede mo na nga din syang kunin since wala na din naman si Mama.After din naman ng 100days ng pagkamatay nya,
Maglilinis ako dito sa room at aalisin na yung mga hindi na kailangan.
_Hanna.

"Ganun ba,Sige salamat.May magandang idea kasi akong naisip para mas mapabilis ko syang mapalabas sa lungga nya.I mean,Baka makatulong lang naman kay Dad sa paghahanap nya._AKO.

"Ikaw ang bahala Unnie.Basta may maititulong ako,Sabihan mo lang ako.
Halika na munang kumain at kanina pa ako nagugutom eh._Hanna.

Dahil freelance naman ako as an artist,Hawak ko ang oras ko.Basta wala lang akong natanguang commitment sa league at sa foundation,Hindi naman ako obligadong mag report sa kanila araw araw.Kaya naisipan kong mag stay na muna dito ng ilang araw at maghanap din ng inspirasyon para sa pagpipinta.

Kaya naisipan kong mag stay na muna dito ng ilang araw at maghanap din ng inspirasyon para sa pagpipinta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello there Miss Beautiful! Pwede po bang makipagkilala?_Mula sa pulang kotse.Napalingon ako sa taong nagsasalita at laking gulat ko sa aking nakita.

"SKYLER? What are you doing here? I mean bakit ka nandito sa Seoul ngayon?_AKO. Nagpalinga linga ako sa paligid kung may iba pa syang kasama.At papano nya ko nasundan dito?

"Mahirap naman yatang makipag usap ng nasa kotse ako at nandyan ka sa labas.Pwede bang sumakay ka na lang muna at hahanap ako ng pwedeng maka pagpark nitong sasakyan ko?_Skyler.Wala naman akong choice kundi sumakay nga sa kotse nya para hindi maka abala sa traffic.

"Ano nga kasing ginagawa mo dito at papano moko nasundan? Galing kaba sa bahay nina Auntie?_AKO.

"Actually yes,Nakausap ko si Hanna at ang sabi nga nya malamang daw dito ka nga nagpunta.Kaya eto,Sakto namang dala ko itong sasakyan kaya mas madali kitang nahanap.Alam ko naman kasi na kapag pulang kotse ang nakita mo,hindi pwedeng hindi ka lumingon._Skyker.Saka ako napangiti sa sinabi nya.Totoo naman kasing nagkanda haba talaga ang leeg ko sa pagtingin sa kotseng dala nya.

"Pati naman pagtingin sa kotse nakita mo pa.Andami mo din talagang alam noh?Teka nga kasi,Sagutin mo nga yung tinatanong ko,Bakit ka ba nandito ha?_AKO.

"Well,Nandito ako para mamasyal.Nag leave ako sa work eh.Tapos nag iisip ako ng magandang lugar na papasyalan,Then nabalitaan ko kina mommy na nandito ka nga daw because of your auntie kaya naisip kong dito na lang din mag visit.So,eto na nga..._Skyler.

"Nagpapalusot kapa eh talaga namang sinundan mo lang ako dito.
Or maybe,May babae kang binabalik balikan dito kaya nandito ka noh?_Ako.

"Hahahaha.Sige na nga aamin na ko.May babae talaga akong binabalikan dito kaya ako dito nagpunta._Skyler.Bigla naman akong napasimangot.

"E di wow! Bakit kapa nandito,Dapat dun kapa agad nagpunta sa kanya at hindi ako yung hinanap mo kaagad._AKO.Bakit ba bigla na lang akong nabwisit sa kanya? Ano ba naman,bakit di ko mapigilang di magreak.

"Alam mo,Sa tono ng pananalita mong ganyan...Wari ko ay nagseselos ka.
Tama ba?_Skyler.Yung mukha nyang parang nananadyang inisin ako.

"Excuse me?At bakit naman ako magsi selos aber? Nobyo ba kita?
Saka alam na alam ko naman na ubod ka ng babaero kaya di na nakakapagtaka na bawat bansa na paglandingan mo,May babae ka._AKO.
Hindi ko gustong sabihin yun pero para pagtakpan ang pagkapahiya ko, wala akong choice kundi kunwaring tarayan na lang sya.

"Wow! So ibig sabihin,Naniniwala ka talagang babaero ako? Na lahat talaga ng bansang puntahan ko,Babae ang habol ko?Ang sakit naman non.
Akala ko pa naman nagtitiwala ka sa akin.Yes,I must admit...May mga babae nga akong nakikilala at ikinakama after.Pero nuon yun. Nuong hindi pa kita nakikilala.Wala na bang pag asang magbago ang tulad ko?
_Skyler.
Hindi ko alam pero bakit hindi ko napigilang haplusin ang mukha nya at saka sya halikan.Alam kong nakakahiya ang ginawa ko pero hindi ko talaga napigilang maakit sa mapulang labi nya.

"IGINUHIT NG TADHANA" (SKYLER AND MARTHA ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon