CHAPTER 3

8 0 0
                                    

So nasan mga parents mo?" Biglang tanong ni aby, andito kami ngayon sa kwarto niya pag tapos kasi namin kumain kanina dito na muna nila ako pinatulog dahil gabi na daw, since wala din akong matutulugan ngayon grinab kona hehe kapal muks diba? kelangan yun di rin naman nila alam na wala akong matutuluyan eh.

"Nasa malayong lugar, magkasama silang dalawa" nakangiting sabi ko, pero di ko pinahalata na malungkot ako

"Malayong lugar? where? Sa states?" Natawa ako sa sinabi niya

"States? wala nga kaming pera para libutin yung pilipinas states pa!" Natatawa kong sabi, pero hindi siya natawa

"Eh nasaan?" Naguguluhang tanong niya

Tumayo ako kasi napansin ko yung veranda sa kwarto ni aby dahil feel at  home ako sumunod naman siya sakin nung andito na kame sa viranda naisip kong itulak si aby, bumagsak siya sa lupa habang puro dugo yung katawan niya, syempreeee joke lang! Kayo naman! Umupo kami sa viranda ng kwarto niya

"Nakikita mo yun?" Tinuro ko yung kalangitan na punong puno ng mga  bituin, tumango lang si aby "andun sila inay at itay magkasama sila dun kasama si lord" sabi ko na pinilit wag bumagsak yung luha

Nakita kong biglang nalungkot mukha ni aby "omg im sorry hindi ko alam sorry" nag aalala nyang sabi

"No hindi mo kelangan mag sorry! Ayos lang noh, wala yun" nakangiti kong sabi

"So, sino na lang kasama mo sa buhay?" Tanong niya, yung totoo reporter bato si aby?

"Wala hehe, ako na lang mag isa" sabi ko pero nakangiti parin na naka tingin sa langit

"Ha? Edi wala kang kasama sa bahay? Ang hirap naman nun kung ako di ko kaya yun, matagal ka ng mag isa sa buhay ganun?" Tanong niya ulit, aba interesado sa buhay ko ah

"Hindi noh! 2 weeks ago pa lang patay yung tatay ko sinundo na siya ni inay, so means 2 weeks pa lang simula nung tinanggap ko na mag isa na lang ako, pero di ko naman kino-consider na mag isa ako eh kasi alam kong nasa tabi ko yung mga magulang ko at yung totoo? Kanina pinalayas ako sa inuupahang bahay namin kaya ayun andun ako sa lugar kung san kita nakita" sabi ko

"Shit, so you mean mag isa kana lang talaga sa buhay? And kakamatay pa lang ng daddy mo? Condolence venus ang sad naman ng buhay mo, and grabe naman yung nag palayas sayo sa bahay nyo di niya ba alam na nagluluksa kapa sa pag kamatay ng tatay mo!" galit na sabi niya, natawa ako sa reaksyon niya

"Okay lang! Karapatan niyang gawin yun kasi property niya yun, wag ka mag alala bukas na bukas mag hahanap ako ng matitirahan na bahay noh mag papasukan narin kelangan kona makahanap ng part time job" sabi ko, kaya ko naman talaga mag isa noh, sanay na sanay na.

"Pero bakit ganun noh? Ang strong mo parin di halata sayong may mabigat ka pa lang pinag dadaanan, behind your smile there's a broken heart, totoo nga ata yung sinasabi nila the happiest person is the saddest one. Wag ka mag alala mula ngayon di kana mag iisa! Andito ako oh we can be friend, aw no kahit bestfriend pa or kapatid in heart basta wag mong isiping nag iisa ka" sabi niya na nakangiti, na touch ako ewan ko pero pakiramdam ko talaga di nako mag isa.

"Oo naman noh! Ikaw pa, pero salamat aby ha na touch ako sobra" sabi ko na kunwari naiiyak tumawa naman ng tumawa si tanga

"HINDI BAGAY SAYO!" Sabi niya, ulol

"Oh edi hindi na" sabi ko sabay napa pout

"Tara tulog na tayo" sabi niya

Pumasok na kami ng kwarto, then mag ka tabi kami matulog nag goodnight nako pati narin sya. Ngayon ko lang narealized kung gano kasarap at kasaya mag karoon ng kapatid di man kadugo pero atleast ramdam mo, hinayaan kona lang ang sarili kong titigan ang kisame hanggang sa antukin

zzZzzzZZzzZzzzzzZzzZZzzZzzzz

Nagising ako pero wala sa tabi ko si aby, baka bumaba na inayos kona ang higaan pati sarili ko, kinuha kona ang gitara ko sabay bumaba malaki ang bahay nila pero buti na lang di ako naligaw ng daan

"GOODMORNING VENUS TARA!" Lumapit agad sakin ai aby para yayain ako sa lamesa kung san andun ang mommy at daddy niya

"Goodmorning den, sa inyo din po" sabi ko

"Goodmorning" nakangiti na sabi ng parents ni aby

"Ah salamat po sa pag papatulog nyo sakin kagabi, uuwi narin po pala ako" ani ko

"Uuwi? I thought wala kang mauuwian?" Sabi ng daddt niya, napatingin ako kay aby na syang sumagot sa tanong ng daddy nya

"Uhnm yes dad katulad ng kwento ko sa inyo kanina, wala na siyang parents yung dad nya din kaka matay lang last week pinalayas narin siya sa bahay na tinitirahan nila, mag isa na lang siya sa buhay" sabi ni aby na may lungkot sa matang tumingin sakin

"I see" sabi ng daddy niya

"Uhm pero okay lang po ako, gusto ko lang mag pasalamat sige po aalis napo ako" sabi ko sabay kinuha yung gitara "mag iingat kana sa susundon aby ha, alis nako" nakangiti kong sabi

"Ah wait ija, alam kong mag isa kana lang sa buhay kaya napagdesisyunan naming---" naputol ang sinasabe ng mommy ni aby ng sumabot ng daddy nito na ikinagulat ko

"KUKUP-KUPIN KA NAMIN"

Napatingin ako kay aby na ngiting ngiti, pati narin sa mommy at daddy niya

"P-POO?" Utal kong sabi

"Ang sabi ko kukup-kupin ka namin" sabi ulit ng papa ni aby

Lumapit si aby sakin tsaka ako niyakap

"Welcome to our family!" Masayang sabi niya

Napayakap narin ako pati ang mommy at daddy ni aby

PRINSESA NG KAMALASANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon