MAHABA ANG CHAPTER NATO AND WALA PANG KALANDIAN ANG MAGAGANAP DITO KAYA WAG NA MUNANG UMASA HALIPAROWTS PERO CUTE NA MGA READER YUNG MGA LANDIAN MAYBE SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS PA, DI KO DEN ALAM KUNG NAKAKAKILIG HEHE GUSTO NIYO BED SCENE PA EH GUSTO NYO YON? GUSTO DEN YON PERO BAD YON HA.
Sana di kayo magsawang basahin ang story ng bobong author, labyo mwah mwah :)
*** *** *************************Naghintay lang akong tumila yung ulan, pano nakoooo nito? Wer na ko pupunta letche kung legal lang talaga ang pumatay baka ginilitan kona yun si aling bet tas ilalagay ko yung ulo niya sa bermuda triangle kaso ilegal eh kaya mag pasalamat siya!
Nilinga linga ko yung paningin ko sa kalsada, medyo tumila narin yung ulan napatingin ako sa kanang bahagi ng kalsada dahil napansin kong may tumatakbong babae ano kayang trip nito sa buhay? trip niya ba mag training ng track in field ngayong gabi? Hinayaan kona lang siya hanggang sa palapit na siya ng palapit sa lugar kung nasan ako kasabay naman nun ang pag dating ng isang kotse na sasalubong sa kaniya at ayun na nga kumuha ako ng popcorn at pinanuod mag liparan sa ere ang lustay lustay na katawan ni ating feeling runner-- charot lang!
Napatakbo ako para magpaka super hero at gawin yung ginagawa sa palabas na ililigtas ko siya at ako ang masasagasaan sabay tulak ko kay ate at sya namang pag stop ng kotse--ay ano ba yan panira din ng acting skill ko si driver eh! Sana tinuluyan na lang ako para kasama kona sila itay charot mahal kopa buhay ko noh!Bumaba yung driver at sinigawan si ating runner
"Hoy miss kung mag papakamatay ka dun ka sa building tas talon ka para sure na dead on arrival" sigaw ni kuya sabay alis, hmm napaka ganda ng suggestion mo kuya parang ang sarap mong bigwasan!Nilapitan ko yung babae, at itinayo
"Miss okay ka lang? Sorry napalakas tulak ko kelangan kasi eh kala ko masasagasaan ka" sabi ko
"It's okay, thankyou so much" sabi niya, nakita kong nagpunas siya ng luha
"Ikaw naman kasi miss eh ngayon kapa nag practice ng track in field at dito pa sa lugar nato" sabi ko, malay koba noh!
"Track in field? No hindi, may tatlong taong dumukot sakin and nakatakas lang ako takbo lang ako ng takbo kaya napunta ako dito" nanginginig niyang sabi halatang takot na takot siya napatakip ako sa bibig hindi dahil sa gulat kundi dahil sa suot nyang kwintas na mukang mamahalin hingiin ko kaya sa kaniya mamaya? Tutal naman niligtas ko siya eh, konting tulong lang diba! Ay pota ano bang iniisip ko!
"Ah miss kilala mo ba yung dumukot sayo? San kaba nakatira? Tara sasamahan kita" pag aalok ko, kasi halatang natatakot siya
"Sa Villa Rosa Subdivision, Hindi ko kilala ang mga dumukot sakin pero alam kong related yun sa business ng parents ko" pagpapaliwanag niya habang nag aantay kaming may mapadaan na taxi
Maya maya pay may dumaan nang kotse at mabilis kaming pumasok para makaalis na sa lugar baka mapadpad pa doon ang mga nagbalak dukutin siya
"Ah so about business issue pala ito, bakit may gustong sumabutahe sa negosyo nyo?" Tanong ko
"I dont know, i really dont know dahil wala naman akong pakealam sa businesses nila mom and dad" sabi niya habang umiiyak, niyakap kona lang siya kahit hindi kami close alam ko kasing kelangan niya ngayon ng taong masasandalan kasi feeling ko na trauma siya sa nangyari sa kaniya
"Wag kana umiyak, wag kana matakot magiging okay din lahat, at sigurado akong nag aalala na ang parents mo" sabi ko habang tinatapik ang likod niya
Lalo siyang humagulgol, may nasabi ba akong mas nakakaiyak??
"No, Malamang di nila alam na dinukot ako wala silang pake sakin ang gusto lang nila magpa yaman ng mag payaman, for the sake of the company willing silang itaya yung mga oras, araw, month and years for thier businesses imbis na sakin" ramdam ko ang sakit sa bawat salitang sinasabi niya, parang gusto kona din umiyak para sa kaniya kaso wag na lang mukang tanga lang ako nun, kaya hinayaan kona lang siyang umiyak at tinapik tapik ko yung likod niya para maramdaman niyang hindi siya nag iisa, hinintay ko munang tumahan siya bago ako nag salita
BINABASA MO ANG
PRINSESA NG KAMALASAN
Fiksi PenggemarThis is a work of fiction. names, characters, places, events and incidents is just an author's imagination