"TULONG YUNG WALLET KO! MAGNANAKAW SNATCHER TULOONGGG!"
agad akong napatingin kay aling saksakan ng taba, na sumisigaw ng tulong hay jusko naawa tuloy ako di niya mahabol si kuyang snatcher kasi di niya kayang tumakbo dahil sa sobrang taba niya, pfft ang sama ko ho ano di ko natiis kaya ako na lang humabol sa snatcher nato
"Hoy" sigaw ko habang patuloy na hinahabol si kuyang snatcher kambal ata to ni flash? Ay ambot basta hinahabol ko siya pinabilis ko agad ang takbo ko at ramdam kong pagod na kakatakbo si kuyang snatcher, ayan ganyan nga mapagod kana mapagod ka lang kasi utang na loob pagod narin ako!
Nakahanap ako ng tyempo at binato ko sa kaniya yung kotseng nakaparada at bigla siyang tumalsik sa pader kasabay ang pag hiwalay ng ulo niya sa katawan niya-- charot binato ko siya ng tsinelas ko kaya napai-stop siya nahila ko yung damit ni kuyang snatcher sa likuran sabay agaw ng wallet kasabay naman nun ang pag dating ng mga tanod hay salamat mabuti naman"Huli ka! Sumama ka samin sa prisinto" gulat akong napatingin sa dalawang tanod na bigla akong pinosesan aba mga gago ba sila? Ako kaya humabol sa snatcher! Speaking of snatche--
"SNATCHER! TEKA HINDI AKO YUNG SNATCHER MGA KUYA, HAYUN OH TUMATAKBO YUN YUNG HABULIN AT HULIHIN NYO AKO NGA KUMUHA NETONG PITAKA DUN SA KUMAG NA SNATCHER EH!"
"Sorry po ma'am" sabi ng dalawang tanod na bakas ang pag kapahiya sabay habol sa snatcher
Dumating si aleng may ari ng pitaka
"Heto po ang pitaka ninyo" hingal na sabi ko
"Salamat ija maraming salamat talaga" sabi ni aleng saksakan ng calories sa katawan
"Wala hong ano man" sabi ko ng may ngiti sa labi
"Anong pwede kong magawa sayo kapalit ng pagtulong mo sakin ija?" Nakangiti niyang sabi
"Haynaku wala po iyon, ang sabi sakin ng itay ko ang pagtulong sa kapwa hindi kelangan may kapalit dapat bukal sa kalooban mong tumulong at di maghintay ng kapalit sa tulong na nagawa mo, ayos napo sakin yung pagpapasalamat ho ninyo" oh ang ganda ba ng speech ko? tularan niyo ako vote for president! Charot baka katayin ako ni president duterte nito, napangiti ako ng malungkot na ngiti ng maalala ko si itay
"Napalaki ka ng magulang mo ng isang mabuting bata, naway marami pang kabataan ang katulad mo. heto calling card ko yan at kung sakaling mangailangan ka wag kang mahihiyang tawagan ako. Ako si Donya Sulidad you can call me Lola sulidad if you want"
sabi ni lola na kala mo teenager mag salita infairness mukang mayaman ang lola mo! Pero kung titignan ang hamble niyang tao sino ba naman ang mapapadpad na mukang mayaman na matanda dito sa ganitong lugar na mabaho, masikip, madumi, maputik, mapulusyon, maganda ako charot basta muka siyang down to earth na taoNahihiya kong tinanggap yung calling card na sinasabi niya "hehe salamat po"
"Pano ija mauuna nako, ano nga ulit pangalan mo?" Tanong niya
"Ah ako po si pearl venus pero ven ang tawag sakin ng karamihan" nakangiti kong sagot
"Nice to meet you venus, bagay sayo ang pangalan mo napakaganda hala
sige mauuna nako ija, salamat uli at kung magkaroon ka ng problema wag kang mahiyang tumawag sa number na hawak mo" sabi niya sabay kindat ngumiti na lang ako at sinundan ng tingin si lola ano daw ulit name? Nakalimutan ko! Pinanuod ko syang sumakay sa kotse na biglang umeksena at kumaway siya sakin ganun din ang ginawa ko hanggang sa mawala na ang kotse sa paningin koNaglakad na ako pauwi samin dahil baka hinihintay nako ni itay-- teka! Bigla nanaman akong nalungkot wala na nga pa lang naghihintay sakin sa bahay mag isa na lang pala ako ngayon, mag isang kakain mag isang manunuod ng drama rama sa hapon at nung showtime mag isang matutulog mag isang haharap sa buhay, wala na yung haligi ko na nagpoproteksyon sakin dito sa magulo nating mundo, wala na yung kasangga ko sa lahat ng problema, wala na yung pinaka mamahal kong lalaki sa buhay ko ano ba kasi yan tay eh iniwan mo nako pano nako ngayon? Pano ko mahahanap yung nawawala kong tsinelas dahil binato ko sa snatcher--charot pano nako tay? Wala ng gagabay sakin, ikaw na lang yung meron ako nawala ka pa
"Oh ayan alisin nyo na yan, oh ayang tv akin na yan kunin nyo lahat wala kayong ititira" narinig kong sigaw ni aling bet sa loob ng bahay namin habang binubuhat ng mga lalaki yung mga gamit namin sa bahay
"Aling bet ano pong ginagawa nyo? Mga gamit po namin yan!" Sabi ko habang pilit inaagaw yung gitara na regalo sakin ni itay nung kaarawan ko
"Edi ano pa? Kukunin kona lahat ng
gamit dito at lalayas kana dito hindi muna nag bayad ng utang at upa yang tatay mo bago namatay dyos kopo! Puro utang di nag babayad kaya dapat lang pala na namatay siya!"
Bigla kong naramdaman yung dugo ko na umakyat sa ulo ko, nangilid yung luha ko pero pinigilan ko"MAWALANG GALANG NA PO ALING BET, KUNG MAG SALITA KAYO KAY ITAY PARANG DI NIYO SIYA NAGING KAIBIGAN AT DI KA NIYA NATULUNGAN, PAPAYAG PO AKONG ISAMPAL MO SAKIN NA MAHIRAP KAMI AT PAKIALAMAN MO YUNG ESTADO NG BUHAY NAMIN PERO DI AKO PAPAYAG NA PAG SALITAAN MO NG GANYAN YUNG ITAY KO! HINDI NIYO ALAM KUNG ANONG HIRAP ANG PINAG DAANAN NIYA KAYA WALA KAYONG KARAPATAN PAGSALITAAN SIYA NG GANYAN, KUNIN NYO NA LAHAT AALIS DIN NAMAN TALAGA AKO DITO, DYOS NA BAHALA SAYO MARARAMDAMAN MO DIN YUNG NARARAMDAMAN KO PAG NAWALAN KAYO NG IMPORTANTENG TAO SA BUHAY NYO"
sigaw ko at tuluyan umalis dala ang gitara na mahalagang bagay na iniwan sakin ni itay, nagluluksa pa ako sa pag kawala ni itay oh? Dalawang linggo pa lang ang nakalipas mula ng namatay siya kaya sobrang sariwa pa yung sugat sa puso ko at alam kong hindi nato maghihilom, naglalakad lang ako ng biglang nakakita ako ng jackpot! TAMA KAYO NG NABASA JACKPOT! Nasa paa ko NAKATAPAK AKO NG TAE! ponyetang buhay naman toh puro kamalasan! Tama talaga si inay na puro kamalasan ang dala ko sa buhay, tama ka inay malas ako. Bigla akong nagulat ng biglang kumulob at dumilim ang langit nasapo ko ang sarili kong noo, malamang madilim na gabi na kaya! Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan, okay sabi ko nga malas talaga ako eh, naghanap ako ng masisilungan at tumitig sa langit"Hi itay! Ano kamusta dyan? Masaya kaba kasama mona si inay? Alam kong nakikita moko at wag mong isipin na nahihirapan ako okay lang ako itay! Wag moko alalahanin baka magulat na lang ako bigla kang mabuhay joke, ikamusta mo ako kay inay ah? Pakisabi galit parin ba siya sakin? Galit parin ba siya dahil isinilang ako sa mundo? Wag na siya magalit sakin dahil tanggap kona yung sinabi ni inay na malas ako, pakisabi din tay na kahit galit siya sa existence ko mahal na mahal ko parin siya bilang nanay ko ah basta mag iingat kayo dyan ni inay ah mahal ko kayo at miss na miss kona kayo"
Napayuko ako, pinunasan ko agad yung nangingilid kong luha dahil ayaw kong makita ako nila itay at inay na umiiyak.
Kakayanin ko to, hindi ako tatawaging pearl venus vergara para sa wala lang oh diba bongga!
BINABASA MO ANG
PRINSESA NG KAMALASAN
FanficThis is a work of fiction. names, characters, places, events and incidents is just an author's imagination