Umihip muli ang malamig na hangin para sa gabing ito. Kailangan bilog ang buwan at maliwanag para sa typical na tagpong ito. Di pa naman ganoon kalalim ang gabi pero tahimik na at tipong mga munting kaluskos gawa ng hangin na lamang ang madidinig. May paminsan-minsang huni ng di malaman na ibon at ingay ng kuliglig din ang pupukaw sa iyong atensyon. Ang bawat poste ng liwanag ay naka pwestong may dilim ang pagitan. Karaniwang ganito ang sementeryo sa ganitong oras ng gabi at sa maaliwalas na panahon. Payapa. Bagay sa mga nahihimlay.
Mula sa ilang kanto ng mga apartment ay may natatanging museleo. Bukod kasi sa tingkad nito ay talagang kakaiba ang pag kaka desenyo at ayos nito. Bukod tangi din dahil solo lamang ito sa ilalim ng ilaw ng meralco na bihirang mangyari sa isang pampublikong libingan kung saan nag sisiksikan ang mga patay.
Dahil sa medyo may kahabaan ang salaysay ko ayan at lumalim na nga ang gabi *face palm*.
Isang binibini ang lumapit sa museleo. Naka sweater na itim,pants na itim at sneakers na maduming puti. Mapapansin ang buhok na hanggang likod ang haba.
Kung ibabase sa anino ang hubog ng katawan abay masasabi natin na fit sya.
Bakit sa ganitong oras kailangan bumisita? Bakit sa ka haba haba ng araw ay ngayon pa? At sa pag kakatanda ko hindi naman horror ang sinusubaybayan natin.
Nilapat ng binibini ang kanyang mga kamay sa rehas ng museleo. Inaninag maigi ang mga letra sa lapida. Dahan dahan nyang binigkas ang naka sulat.
Muli nyang inulit ang pag bigkas. Mahina ang boses na parang dasal. Unti unti ang bawat salita ay sinundan ng hikbi. Gumuhit ang luha sa pisngi.
"Patawad..." at tuluyang umagos ang dalamhati ng dalaga. Isang mahinang hinagpis. Isang iyak na mapait.
"Bakit mo sinayang ang buhay mo sa tulad ko lamang?"
"Bakit hinayaan mong lamunin ng walang saysay na pag ibig ang iyong isipan Vin?"
"Bakit ka nag pakatanga para sa akin??"
"Kung alam mo lang ang pag mamahal ko sa iyo... At kung alam ko lang na ang pag mamahal mo sa akin ang kikitil sa iyo sana Vin hindi na nangyari yun. Patawarin mo ako..."
Unti unti syang napaupo. Patuloy sa pag iyak. Yakap ang sarili. Patuloy sa pag sisi sa sarili at sa pag tanong sa taong kahit kailanman man ay di na makakasagot.
Sa gitna nang hinagpis nya dumaan ang mga ala-ala nilang dalawa. Mula sa unang tagpo bilang mag kaiskwela. Unang matamis na halik bilang mag ka sintahan.Unang pag iisa ng kanilang katawan at diwa dahil sa pag mamahal. At ang mga pangakong alam nilang hindi mapapako kahit kailan.
Naubos na marahil ang luha at puro hikbi na lang ang maririnig mula sa kanya. Umihip ang napakalamig na hangin na parang hudyat.
Nilabas nya mula sa bulsa ng sweater ang isang papel at cutter. Binasa nya ang suicide poem ng namayapa
"...
Impale his heart with your hatred
Let him bleed to death
Till those light fade from his eyes
And pure hue of darkness
See in his lifeless void!"
Dinama nya ang lapat ng talim sa kanyang pulso. Kagat labi nyang ginuhit sa kanyang balat. Ang hapdi. Nanginig sya. Tumulo ang luha sa mga mata nyang nakatinging sa lapida. Nararamdaman na nya ang ligamgam ng pulang likido mula sa kanyang balat. Ang amoy ng sariwang dugo na dinadala ng hangin. Unti unti syang ngumiti.
"Vin ganito pala ang pakiramdam?!"
"Vin mag kikita tayo muli konti na lang"
"V-vin ang s-sarap"
Unti unti nag laho ang larawan ng lapida sa kanyang mga mata. Sa bawat saglit ng diwa nya ang mga masasaya at mapait na ala-ala nila ni Vin.
+sundan+
BINABASA MO ANG
AMPALAYA SHAKE
Teen FictionTypical ang maging bitter lalo sa mg bagay na pinahahalagahan mo at ayaw mong mawala sayo. Kung gano kalalim,kung gano katagal at kung gano ka grabe yan ang daranasin ng semi bida na si Rey. Twisted feelings.Unreasonable acts.Self restraint.Self ins...