Hinabol ko sya mula sa kanto.Tinawag ang kanyang pangalan sa impit na boses dala ng hingal o siguro sa kaba.Ilang hakbang pa ang layo nya sakin. Muli akong tumawag.Pero di parin sya lumingon.Inabot ko rin sya kahit paano at hinawakan ang kanyang kamay para makuha ang atensyon.Muli kong sinambit ang pangalan nya.Pilit kong inayos ang pagkakasabi ko. Tumingin sya sakin.Diretso sa mata. Di sya nag salita.Sapat na ang mga mata nya para mangusap.Walang emosyon.Diretso.Isang kulay.Napakalamig.Lalo akong kinain ng dilim sa kanyang mga mata.
"Kuya! kuya! Kuya Rey!" halos sumigaw na si Claire sa pag gising sa kanyang kuya.
"C-claire! B-Bakit?."
"Anyare sayo kuya? Kanina pa kita niyuyugyog.Natutulog ka palang dilat?"
"A-ako? D-dilat?" Umupo na si Rey sa kama at hinagod ang buhok nya.
"Oo kaya!"Tumayo na si Claire at naunang bumaba.
"Nakatulog pala ako." Bulong ni Rey sa sarili.Ang huli nya lang naaalala ay ang puting kisame na kaharap nya pag ka uwi. At ang mga multo sa kanyang isipan.Humarap sya sa salamin upang mag ayos bago bumaba at napansin nya ang pamumula ng kanyang mga mata.
"Umiyak din ba ako? Napansin kaya ni Sis to?"dagli syang bumaba. Hapon na pala at di nya ito namalayan.Matapos kumain ng altanghap(almusal,tanghalian,hapunan in one) ay gumayak na sya.
"Kuya iyakin!"
"Sino iyakin?! Che!" di na nya pinansin ang kapatid nya at tuluyan ng lumabas. Papunta saan? Kung saan man sya dalhin ng mga paa nya.
"LETCHENG BUHAY!"sa gitna ng pag lalakad nya nag laro sa isipan nya ang mga nangyari kaninang madaling araw.Pakiramdam nya napagtaksilan sya.Pinag kaisahan.Naloko.
"Di ko dapat maramdaman to pero bakit?"Pilit man nyang isipin pero alam nya sa sarili nya na mahal nya nga talaga si Ivy. Nakita nya ang oportunidad sa pag kakataong mahina at nag aagam agam ang emosyon ng dalaga. Pero lahat ng iyon ay nawala sa isang saglit lang. Ang lalaking kinaiinisan at halos isumpa na ng kanyang mahal ay sa isang iglap umaangkin na sa yakap at distansya na tinamasa nya nung una.
Marami nag laro sa isipan ni Rey sa lakad nya na walang patutunguhan.Galit sa sarili, kay Ivy at sa lalaking ni pangalan ay di man lang nya alam.
"Barkadaaa!!!" isang lalaki ang biglang umakbay sa kanya. Matangkad sa kanya ng unti at may pag kulot ang buhok.Brownish ang balat at lamang sa ka gwapuhan ng unti.
"Master kaw pala wahahaha" gumanti ng akbay si Rey at huminto sa pag lakad.
"San ka pupunta?" tanong nung master.
"Di ko nga din alam Master ehhh wahahaha"
"Sira! whahaha nag lalakad ka sa kawalan papunta sa linear park."
"Oo nga no! whahaha" wala naman talaga sa plano nya pumunta run pero sumama na rin sya total may kalapitan na rin ang tahak nya.
Malamig ang simoy ng hangin sa pasig river. Sakto din dahil walang masyadong amoy mula sa mga barge na dumadaan ang pumapaibabaw. Pumuwesto sila sa isa sa mga baytang pababa ng ilog. Pa gabi na at isa isa nang bumubukas ang mga ilaw sa poste.Nilabas nung Master ang kanyang gitara at tumugtog sila ng ilang mga kanta ng Parokya ni Edgar.
"Master ituro mo nga sakin "Nandito" ng Parokya ni Edgar."
"Sige tol! Umpisahan mo sa E!" ilang turo pa nung master ay nakuha na ni Rey hanggang sa mag Jam na sila.
NANDITO by PNE
Ilang taon ang nagdaan
Di ko pa rin natitikman na ikaw ay halikan
BINABASA MO ANG
AMPALAYA SHAKE
TienerfictieTypical ang maging bitter lalo sa mg bagay na pinahahalagahan mo at ayaw mong mawala sayo. Kung gano kalalim,kung gano katagal at kung gano ka grabe yan ang daranasin ng semi bida na si Rey. Twisted feelings.Unreasonable acts.Self restraint.Self ins...