Madaling araw.Nakakita ka ng isang babae at isang lalaki sa ilalim ng liwanag ng poste ng meralco.Tapos may kasabay na unti-unting pag ambon.Ano meron? Malamanag may kadramahan na nang yayari.Sigurado.Malay mo pang teleserye ang usapan at tagpo.Nakaka dala ng emosyon.Nakakaluha,nakakalungkot at may kirot... Eh teka! Sino ba ang nag sabi sayo na tumambay ka sa pwesto nila at pag masdan mo sila? Lakad na aba! Di sila makapag moment oh...Tsk... tsk.. tsk.....
"Ano ba problema mo?! Bakit ka nag kakaganyan? Umayos ka nga huy!" pabirong sabi ni Monica
"Ah...Ang alin? A-Ako? B-bakit?"Di mapakali at may halong kaba si Clave. Di nya magawang mag labas ng biro o mang asar na tulad na kinagawian nya tuwing silay mag kikita ni Monica. May nais syang sabihin at sa pakiwari nya ay dalawa lang ang kahahantungan nito.....
"Oo ikaw nga... Helerrr... Clave may kausap pa ba tayo bukod sating dalawa?"
"W-wala..."
"Sure? kanina ka pa di nag iingay simula nung sinundo mo ko"
"Maingay pala ako kung ganon." mababang boses at may halong tampong wika ni Clave sabay tingin sa kabilang direksyon na malayo sa tingin ni Monica.
"Teka biro lang yun ah" napawi ang ngiti ni Monica.Ilang saglit silang di nag kibuan. Si Clave naman ay umasang may darating nang tricycle para makasakay na si Monica at matapos na ang ganong moment. Ang awkward, patuloy sila sa pakikipag pakiramdaman. Mabait din talaga ang tadhana wala pang tricycle na dumarating. Nakakaloko dahil ilang minuto na ang lumipas.
"Di ka nag cha-chat sakin. OL ka naman OL ako. Iniiwasan mo ba ako?" basag ni Monica.
"H-hindi. Iniisip ko lang na busy ka at maasar ka lang at makukulitan ka. Madagdagan pa inis mo sakin."
"Inis? kailan ako nainis sa iyo?" napa kunot noo si Monica at humarap kay Clave na siya namang umiwas ng tingin.
"Tsaka ano naman yang pinag sasabi mo?Oo busy nga ako pero ano ba naman ang mag type ka man lang ng Hi-"
"HI! eh normal naman na sa iyo ang mga ganun. Maraming nag h-hi sa iyo sa chat.Ano pinag kaiba ng hi ko sa hi nila sa chat? Wala naman pare parehas lang kami na gusto makakuha ng kahit kaunti mong atensyon.Yung tipong smiley lang ang isasagot mo matutuwa na kami.Para saan pa at mag hi sa iyo-." isang malakas na sampal ang inabot ni Clave sa kanang pisngi.
"So ibig mong sabihin.... Teka nag seselos ka? Alam mo namang-"
"Oo alam ko wala ako karapatang mag selos. Mag kaibigan tayo. Its just na namimiss ko lang yung dating kulitan natin sa chat.Naninibago na ako-" napatigil sya ng pitikin sya ni Monica sa noo.
"Sira ka talaga. May sapi ka noh?" natatawang umakma ng sampal si Monica.
"Hep hep... masakit na yun ah.." sambit ni Clave.
"Umayos ka nga masasapak kita eh. Namimis mo tapos di ka mag chat sakin ng ilang araw. Tange lang?" napapangiti parin sya sa mga nangyayari
"Ikaw tong unang hindi namansin.Pano mag chat ako sa iyo tapos di mo naman papansinin.Pansinin mo man smiley lang parang tange lang talaga."
"May reason ako kaya-"
"Oo nga may reason ka na nga at di ko malaman kung ano yun.One time mala paragraph na chat ko sa iyo parang ala lang.Deadma. Ni hindi ko malaman kung ano nangyayari sa iyo"
"Heler.. Clave di naman sa lahat ng oras kelangan mo malaman kung bakit ang bakit sa akin dahil-"
"Dahil di naman tayo at kaibigan mo lang ako. Tama di ba?"
"H-hindi sa ganon pero-"
"Ganun talaga Monica.Hindi na kita mabasa." huminga ng malalim si clave at nag handang tumangap ng panibagong sakit sa pisngi.
BINABASA MO ANG
AMPALAYA SHAKE
أدب المراهقينTypical ang maging bitter lalo sa mg bagay na pinahahalagahan mo at ayaw mong mawala sayo. Kung gano kalalim,kung gano katagal at kung gano ka grabe yan ang daranasin ng semi bida na si Rey. Twisted feelings.Unreasonable acts.Self restraint.Self ins...