IV

24 2 0
                                    

Ilang beer na ba ito?

Dalawa?

Hindi.

Tatlo?

Hindi rin.

Apat?

Isa mo pa lang yan at wala pa sa kalahati lasing ka na.

My God!!!

----

Dating tagpo sa linear park ulit kaso wala ng tunog ng gitara. Parehas na oras at may malamig na Red horse pero walang kwentuhan. Isang bilog na buwan ulit sa gabing payapa at sa simoy nang pasig pero wala ang master.

"Isang bote lang ito Master para sa iyo. Pasensya kahit isang gabi sa lamay di kita na alayan." nilagok ni Rey ang alak na parang softdrink at nagawa nya itong kalahatiin. Natural dumighay sya. Huminga ng malalim na hangin mula sa Pasig. Sariwang hangin ng Maynila. Simoy na tatatak at makakasanayan kahit sino pag tumagal.

Muli nag laro ang mga ala-ala nila ng tropa nya. Isa sa pinakamalapit sa kanya. Pareho silang graduate ng Catholic school. FORZA!. Bukod sa mag ka eskwela ay dikit sila ng hilig sa  musika at pag sulat. Angat nga lang si Vin sa musika at sa pag sulat naman ay si Rey.

Si Vin ok sa chicks. Lapitin. Hindi nakakapag taka kung sa isang linggo iba naman ang gf nya. Si Rey? Hm... Mag papari ako at ang mga tropa pag nag ka gf yan. Peksman.

"Akalain mong babae lang pala katapat mo Master. Hehe. Si Faye pa. Sabagay sya lang ang masasabi kong nag pa 360 sa iyo." Tinignan nya ang kabilang pang-pang. Inaninag kung may sa enkato man ang gumagala at muling lumagok ng alak.

"Perfect couple. Joyous. Mag barkadang syota. Girlfriend mo na tropa pa. Sweet and---" naputol ang kanyang pag muni-muni nang may humawak sa kanyang balikat.

"Condolence Rey..." pamilyar yung boses.

Napatikom ang mga labi ni Rey. Nakaramdam sya ng pag angat ng dugo. Ang tipong pag talon ng kanyang puso. Ang pag tigil ng paligid.

"I-Ivy..." mahinang tugon nito.

Tumabi si Ivy sa kanya. Tumingin din ito sa kabilang pang pang.

"Pasensya na..."

"Para saan naman ngayon Ivy?" muling nilagok ni Rey ang natitira pang alak.

"Biglang pag dating ko dito." tumingin si Ivy sa kausap.

"Di ko naman pag aari ang linear park." akmang lalagok pa sana sya pero wala ng pumatak. Dahil dito tumayo na sya para umalis.

"Please Rey. Mag usap naman tayo..." hinawakan niya ang malamig na kamay ni Rey para mapigilan sa pag alis. Tiningala nya ang lalaki.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Rey. Hindi nya nilingap ang babae. Anak ng tokwa't sa alak sya tlaga nakakuha ng lakas mag suplado.

"Tungkol saan? Kay Master? Patay na si Vin kaht gaano kagandang ala-ala pa ang pag usapan natin di na babangon yun." Tumanaw sa kabilang ibayo pa ng Linear Park si Rey at muli nag patuloy.

"Bored ka ba? Di ka na naman ba pinapansin ng 'BF' mo?." tinignan nya si Ivy sa muka na agad namang umiwas ng tingin.

Bumitaw si Ivy sa pag kakahawak nya sa kamay ng lalaki.

Tuluyang umalis si Rey.

Naiwan si Ivy na tahimik at mag isang pinag mamasdan ang ilog.

"Di ko sadya..." lumuha sya ng tahimik.

Ano ba ang nangyari nung gabing muli silang nag kita ni Rey?

-----

Habang wala si Rey sa sasakyan nakatanggap sya ng txt message. Di nya pinansin ito. Pero nag ring naman ang phone nya at ang sunod nyang naalala ay kayakap nya na ang lalaking dahilan ng kanyang kalungkutan.

Patawad, pag babago at pag asa. Muli pang pag kakataon. Mga hiling minsan nya nang narinig at minsan na ring siyang dinala'

Wala na syang ibang maramdaman noong mga sandaling kayakap nya ang taong nagbigay ng hapis sa kanya kundi kasiyahan. Kasiyahan na makapiling muli ang minamahal. Na kahit ang sarili nya kung hihilinging ibigay kung sakali ay walang dalawang isip nyang ibibigay para sa pag mamahal.

Ano pat nawala sa eksena ang semi bida nating si Rey. Marahil nalimutan na. Ano pa nga ba ang paki alam nya. Nagawa nya nang iwasan ito dati ng walang muwang dahil bumalik ang minamahal nyang humanap ng iba. Nangako ng pag babago at ibayong pag mamahal para sa kanya mabalik lang muli ang dati.

Samantalang si Rey na walang ibang inisip kundi ang kasiyahan ni Ivy nung mga panahon na yun ay puno ng katanungan. Mga bakit na sinasagot ng kasi pero malabo parin. Mga paano na sinasagot sa isang paraan pero malayo pa. Hanggang sa inako na lamang nya ang di mapaliwanag na kasalanan. Ang kalabisan na inakala nyang pagkukulang at ang minsan nyang pag amin ng pag ibig kay Ivy. Mapait nyang tinanggap ang harap harapang pag iwas,pag balewala at pag tingin na wlang laman tungo sa kanya.

Mula sa ilalim ng poste ng meralco kung saan naging palamuti ang ambon muli naglapat ang kanilang mga labi. At typical pag ganun ang tagpo kailangan makikita ng bida ang tamis. Pero dahil semi bida lang si Rey kaya iniwas ko na agad sya sa eksena. Baka mauna pa kasing mag suicide at di na umabot ng chapter IV.

----

Nasa malalim na pag iisip si Ivy nang may biglang humawak sa kanyang balikat at tinakpan ang kanyang bibig.

Binalot ng takot ang buo nyang katawan. Mas nadama nya ang lamig ng gabi. Gusto nya sumigaw kahit paano pero dahil sa pag kakatakip ng kanyang bibig ay di nya magawa. Gusto nya tumayo pero mas madiin ang pag kaka baba ng mga kamay sa kanyang balikat. Pinanawan sya ng lakas. Napahawak sya sa mga kamay nang kung sino man.

Maraming bagay ang mabilis na umikot sa kanyang isipan.

Holdaper! Serial killer! Rapist! Organ black market!

Pinawisan sya ng malamig. Pinikit nya kanyang mga mata. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Naramdaman nya ang hininga ng kung sino man sa kanyang tenga na lalo nag pa taas ng kanyang balahibo. Sa mababang boses na impit at may halong nginig nag salita ang kung sino man.

+sundan+

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMPALAYA SHAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon