Continuation. Bethina's twin brother.

80 5 3
                                    

Chelsey's POV

Kahit kailan talaga 'yang si Bethina dinadagdagan lang ang stress ko.

Pero masyado ko siyang mahal para tanggihan ang alok niya.

TOK TOK TOK

Napalingon agad ako sa pinto.
May nakalimutan siguro si Bethina kaya bumalik.

"Oh? Bethina ba't ka--" Ugh!!? Spell pahiya? P-A-H-I-Y-A tanga lang? Di pala siya si Bethina.

"Uhm, you must be Chelsey Jung? Description palang ni ate alam ko na e." Sabi 'nung pamilyar na lalaking kumatok kanina sa pinto.

"Description?" Ano naman kayang sinasabi ng isang 'to?

"Ahhh, baka gusto mo muna akong papasukin para makwento ko sa'yo ng maayos,
'di ba?" Aba't masyado 'to a!

Pinapasok ko naman siya at agad pinaupo sa may couch.

Nilibot niya ng tingin 'yung condo.

"Oh, ano na? Ano ba 'yung description na sinasabi mo?" Agad kong tanong ng makaupo na siya sa may couch.
Hindi niya lang ako sinagot sa halip ay tumitig sa akin.

Anong problema nito? Ilang minuto rin siyang nakatitig sa akin at nagsalita siya.

"Parang may mali sa description ng ate ko!" Ano nanaman ba 'yung description thingy na 'yan! Hayyy.

"Ano ba kasi 'yang description description na yan?! Kanina pa ko nagtatanong tapos di mo naman sinasagot, tsaka sino ba 'yang ate mo? Bakit niya ko deni-describe sa'yo? Kilala ba kita!? Kilala ko ba siya?" Sunod sunod kong tanong dito sa lalaking 'to.

"Isa isa lang ang tanong pwede?" sabi niya "Iyong description na 'yan 'yung sinabi sa akin ni ate tungkol sa 'yo ang ate ko ay si Bethina Stewart I'm Christian Stewart siguro naman alam mo na. Ikaw ang magiging yaya ko habang wala pa siya." Sunod sunod ring sagot niya.

E pero tama ba yung narinig ko?

YAYA?!

Pero ba't hindi ko siya nakilala?

Kaya pala familiar siya.

Parang matagal na kaming magkakilala.

Parang yung boses niya ay talaga namang napaka pamilyar sa akin.

Bakit kaya? Nakikita ko naman siya kapag may laro sa gym. Sabagay malayo rin kasi.

"Anong yaya?"

"Yaya? Di mo alam 'yun? Yaya
Like nanny, you know. Oh para mas maangas katulong. Ay mas gusto ko yata ay Muchacha." Sarkastikong sabi niya, at tumawa ng tumawa. Okay? Yaya? Katulong? Nanny? Muchacha?? Aba talagang?

"Hoy Ikaw mister! Di ko alam kung anong nakain mo at sinasabi mong magiging yaya,nanny o katulong mo ako! FYI lang ha! Baka ikaw ang yaya, nanny, o katulong ko! Ay para mas astig muchacho." Kala niya huh!

May sinabe nga palang pang blockmail sa akin si Bethina. Sa akin niya ibinigay 'yung allowance ni Christian para daw pagnagsungit may pangbanta ako! Ha ha ha!!

"At bakit?" Sabi niya at tumayo pa sa couch na parang sinisiga ako. Ang laki niyang tao.

"A-ako lang naman ang magbibigay ng allowance mo habang wala pa si Bethina." Taas noo kong sabi at napa smirk.

"Hahaha 'yun lang pa--- ANO?!" sigaw niya na dahilan ng pagtakip ko sa tenga ko. Humagalpak ako sa tawa dahil sa itsura niya ngayon.

"Hoy! Ikaw sino naman ang nagsabe sa'yo niyan?" Sigaw niya ule.

Di nga? Inlove ka sakin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon