Chapter 5: Stewart twins Part II

90 3 3
                                    

Christian's POV

Naihatid ko na si Chelsey sa unit niya mga 8:00 pm na rin.

Pumunta pa kasi kami ng EK tsaka nag aya pa kasi si Chelsey mag mall kaya medyo ginabi na kami. Ewan ko ba 'dun sa babaeng 'yun gusto daw mag mall e, di naman siya bumili pero sulit naman kasi nakasama ko siya ng matagal parang first date?

Pagpasok ko ng bahay pumunta agad ako ng kwarto ko at humiga. May naramdaman akong parang may tao sa ilalim kaya tumayo ako agad. Tinanggal ko 'yung comforter sa kama at ayun nandun si ate na halos mapipi sa sobra yatang bigat ko.

"Hehe. Nakauwi kana pala."

"Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? May kwarto ka naman a? Tsaka bakit ka kasi nasa loob ng comforter nadaganan pa tuloy kita. TSK!"

"Wushuuu! Nag-aalala ang kambal ko halika nga dito." Sabay kurot sa pisngi ko. Tss. I hate her when she's like that.

"Ano ba ate. Masakit arayyyyyy." Bwisit a? Nag aray na nga ako, hindi pa rin binitiwan.

"Hahaha. Ang cute talaga ng kapatid ko." Sabi niya may pakurot kurot pa

Tagal na kaya. Duhh!

"Oo na ate alam ko na 'yon" Ako.

"Ang yabang mong bata ka. Ano yang binili mo sa mall?" Sagot niya

"Wala to," Sabay tago ng paper bag

"Nga pala anong nangyari 'dun sa date niyo ni Chelsey?" Siya. Wow gandang tanong a. Pinag isipan.

"Ate ano ka ba? Hindi date 'yun." Ako.

"Kahit na. Kayong dalawa lang. Date parin 'yun. Hahaha. So ano ngang nangyari? kwentuhan mo naman ako dali na." Siya. Ang kulit.

"Ayoko. Pagod na ako. Bukas nalang." Ako.

"Sige na please." Siya. Ladies choice.

"Ayoko nga." Ako. Papapilit pa ko e.

"Please?" Pamimilit niya alam ko namang mapilit 'to e, at hindi 'to titigil hanggat hindi ko sinasabi kung anong nangyari.

"Sige na nga." Ako. Kunyari nalang ayaw ko.

"YEY! So anong first stop niyo?" Siya.

"First stop namin sa Red table alam ko namang alam mo 'yun e. Sinundan mo nga yata kami e." Ako.

"Hoy hindi a. Pagtapos natin magkita umuwi na agad ako kasi baka makita pa ako ni Chelsey! Tamang hinala ka." Siya.

"Oo na easy ka lang. Ang second stop namin sa Enchanted kingdom."

"WOW! Anong ginawa niyo 'dun? Sana manlang sinama niyo ako para hindi boring dito." Siya. Tanga a?

"Ehem! Remember the deal."

"Hehe. Sabi ko nga e. Proceed." Siya.

"Eh. Ayun nga, sunod sunod yung rides namin. Halos nga yata lahat sinakyan namin e. Pero sa ferris wheel hindi kami sumakay. May naaalala daw siya kaya di kami sumakay."

BETHINA'S POV

"Eh. Ayun nga sunod sunod yung rides namin. Halos nga yata lahat sinakyan namin e. Pero sa ferris wheel hindi kami sumakay. May naaalala daw siya kaya di kami sumakay." Siya. OH MY GOODNESS GRACIOUS! Kaya di ko dinadala si Chelsey sa may mga ferris wheel e. Naaalala niya kasi si Kent. Sa perya kasi sila unang nagkakilala. Ganto kasi yan.

Flashback

"Ahh, ate, usog lang po tayo ng konti." Sabi ni kuya, 'yung maintenance ng sinasakyan naming ferris wheel. Good for three kasi ito. At hindi pwedeng umikot hanggat hindi napupuno yung bawat loob ng ferris wheel. Hindi naman ito private ride gaya ng sa star city at enchanted kingdom, kaya kahit hindi mo kilala, makakatabi mo. Pwera nalang kung tatlo kayo. Edi wala na kayong kasamang stranger? May guy akong nakita na nakatingin kay Chelsey magkatabi kasi kami sa rides kaya alam ko.

Di nga? Inlove ka sakin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon