Chapter 16: Apologies

23 0 0
                                    

Christian's POV

Pagtapos ng laro namin, umuwi agad ako ng bahay para magpahinga.

Pagod na pagod ako. Grabe.
Nadaya kami. Bwisit lang!

Pero at the same time sobrang saya.

Kasi naman si Chelsey e, ilang beses niya akong niyakap kanina.

Tsk! Kung hindi lang dumating yung mga tao kanina dun edi sana... Ay wala wala! Inaantok na ko.

Humiga ako sa kama ko, at nakatulog na.

"Christian! Christian! Tulungan mo ko! Ichan, hindi ko na kaya."
Sabi nung lalaking nakahiga sa harap ko at pilit akong inaabot. Hindi ko makita ang mukha niya pero yung damit niya pareho nung kay Louis, alam ko dahil nakita ko na ang closet niya dati nung humiram ako ng damit sa kanya. Pero hindi ko talaga makilala kung sino ito.

"Pre, tulungan mo ko." Sabi niya. Pinilit kong inabot yung kamay niya. Pero habang inaabot ko yung kamay niya, lumalayo naman ang mga kamay niya. Hanggang sa nawalan na siya ng malay, naaninag ko ang mukha niya. Si Louis. Ang daming dugo sa ulo niya at sa kamay niya. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan siya pero hindi ko siya mahawakan. Para bang isa siyang multo na tagusan ang kamay mo. Anong nangyayari?

"Louis! Louis, anong nangyayari sayo?" Mariing saad ko pero wala parin siyang malay at hindi ko pa rin siya mahawakan. Sinubukan ko uli na hawakan siya. Nahawakan ko siya. Ginising ko siya ng nagpapanic. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaramdam ako ng parang likido sa mga kamay ko, marahan ko itong tinignan at naka kita ako ng maraming dugo sa kamay ko, parang halos hindi ko na makita ang kamay ko dahil puro dugo na. Nanginginig ang mga kamay ko. Sinusubukan kong tanggalin ang mga dugo gamit ang damit ko pero wala manlang natatanggal at hindi man lang nabahiran ng dugo ang damit ko. Nanginginig na ang buong katawan ko, hindi ko na maisip kung ano ba ang nangyayari. Kinakabahan ako, takot na takot ako.

"Hoy! Gumising ka!" Hingal na hingal akong napaupo sa kama ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa kita ginigising, kasi sigaw ka ng sigaw ng dugo." Sabi ni Bethina. Panaginip lang pala. Kinabahan ako. Pero parang totoo.
Bakas sa mukha ng kambal ko ang pagkatakot at pag aalala.

"Ayos lang ako." Sabi ko at iniwan siya sa kwarto ko at lumabas na papuntang sala.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo na ako kinakausap lately a?" Sabi ng kambal ko at umupo sa tabi ko. Binuksan ko ang tv at hindi siya kinibo. Hindi ko siya bati. -_-

"Christian Stewart! I'm warning you!" Pagbabanta ng kambal ko. Psh, bahala siya dyan. Nanonood lang ako ng Cartoon network. Oo na -_- isip bata na :3

"Ayaw mo talaga akong kausapin ha?" Sabi niya ulit. Ayoko nga-

"Hahahaha-tama-hahahaha-na! Hahaha---" Naputol ang pagkiliti niya sa akin ng magring yung telephone. Hay salamat. Tumingin sa akin si Bethina.

"Ano? Hindi ka pa ba tatayo dyan para sagutin yung telepono? Ikaw mas malapit o?" Sabi ng magaling kong kambal -_- Bwisit na to?

"Bongga mo! Nasa tabi mo na o?" Sabi ko, hay bongga talaga :3
"Bongga? Ano yun?" Hay hindi niya ba alam yun?

"Bongga means You. Bobo na nga, tanga pa. Bongga! Hahaha" Nakasimangot niyang sinagot yung telepono, ako? Naiwang ngiting aso sa sofa. Hahaha bongga kasi.

"Hello? Stewart's Residence. Who's this?" Rinig kong sabi ng kambal ko pagsagot niya sa telepono.

"Po!?" Napalingon ako kay Bethina. Nakatingin siya sa akin. Parang may sinasabi ang mata niya.

Di nga? Inlove ka sakin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon