Nagulat ako.
Nakita ko siya.
Namiss ko siya.
Si Luigi.
Luigi Mijares.
Ang nag-iisa kong minahal noon.
Pero naudlot eh.. :(
Nang makita kong..
*flashback*
"Ma! Punta lang po ako sa bahay ng classmate ko ha! Maaga po ako uuwi. Promise! :)"
"Siguraduhin mo ha!"
"Opo. Bye ma! Baka dun na din po ako kakain."
Pero pupunta talaga ako kila Luigi.
Sasagutin ko na dapat siya.
Mag-iisang taon na siyang nanliligaw sakin..
Tinext ko siya..
To: Luigi (:
Luj! Punta ako sainyo! :) Tapos alis tayo! Intayin mo ako ha? Bye!
SENT!! :)
Masaya akong umalis ng bahay..
"Ugh. Di siya nagreply. Busy siguro. Wala sigurong load."
Pero binalewala ko yun. Dumerecho pa din ako..
Andito na ako sa tapat ng bahay nila. Mag-ddoorbell na ako.
"Hmp. Walang sumasagot ha. Kakaasar."
Nag-doorbell lang ako ng nag-doorbell.
Nakakapagod naman. Text ko na nga lang..
To: Luigi (:
Uy. Andito na ako sa tapat niyo kanina pa. Buksan mo naman pinto.
SENT.
Di pa rin siya nagreply nun.
Ay nako. Papasok na nga lang ako. Nakabukas naman yung gate nila eh.
Pagpasok ko..
"Luigi? Asan ka?"
"LUIGI? ASAN KA BA? LUIGI??"
Nakakaasar.. Parang niloloko niya naman ako..
"LUIGI! Wag mo na ako biruin! Pakita ka na sakin."
Umakyat ako..
Hinanap ko yung kwarto niya..
LUIGI'S
Sign ng kwarto niya nakita ko..
Malamang eto na nga yung kwarto niya..
Kumatok ako..
Mukhang tulog ata..
Pumasok ako..
O_O
Nagulat ako sa nakita ko..
May kasama siyang babae.
Tulog silang dalawa..
Kaya siguro di niya alam na pupunta ako..
ANG SAKIT.
Sino ba tong kasama niya?
ATE NIYA? PINSAN NIYA?
Pinipilit kong isipin na hindi niya yun girlfriend..
KAMAG-ANAK NIYA YUN.. Yan ang pilit kong iniisip..
Ang tagal kong nakatitig..
Nakita kong dumilat siya..
"Rielle?!"
O_O Nagulat ako..
Bakit ba hindi nalang ako umalis hangga't natutulog pa siya..
"A-ah. Wa-wala. Kumakatok kasi ako sa kwarto mo. Walang sumasagot, kaya binuksan ko nalang. So-sorry. Uuwi na ako."
Naiiyak na ako..
Akala ko eto na yung pinaka-hihintay kong araw..
Na magiging kami na..
ANG SAKIT. SAKIT SAKIT.
"Gabby, wait lang! Wag ka munang umalis!"
Gabby.. Siya lang tumatawag niyan sakin..
Tumakbo ako palabas ng bahay nila..
Tumulo na ang luha ko habang tumatakbo..
Ang sakit. Bakit ganun?
Akala ko magiging masaya na ako..
Hindi pa nagiging kami, niloko na niya ko..
Umupo ako nun sa bench sa park..
Ang layo pala ng narating ko kakatakbo..
Dun ako umiyak ng umiyak.
Tinext ko si mama.
To: Mother dear!! <3
Ma, gagabihin po ako. Andito po ako kila Jem.
SENT.
Dumerecho ako sa bahay ni Jem.
Niyakap ko siya. Sinabi ko sakanya lahat...
Galit na galit ako.. And at the same time, nasasaktan..
*end of flashback*
Tumakbo ako pababa.
Pakiramdam ko natulala ako..
Eto ako ngayon. Tumatakbo nanaman palayo sakanya..
Nakarating ako ng canteen..
"Rielle!!!"
"Hi Jem."
"Pagod na pagod ka. Eto tubig oh."
"Salamat."
"Tagal mo ha. Nag-cr ka ba? O nagkita kayo ni Renz? Yieeeeeeee!!"
No Jem, please, not this time..
"Hindi. Ibang tao yung nakita ko Jem."
"Mumu?!?!"
"Hindi.."
"Eh ano? Sino?"
"Si Luigi."
"Ano?! Dito ulit siya mag-aaral? Grabe naman! October na kaya! Nag-transfer pa!"
"...."
"Be strong, Rielle. Kaya mo yan."
Isang taon na ang lumipas pero bakit ganon? Di ko pa din siya makalimutan.
Ang arte ba? Kahit hindi kami, ang drama ko?
Sorry ha.. Di ko kasi matanggap eh.
"Thank you Jem."
Nakatulala lang ako hangga't mag uwian na..
"Rielle!"
Renz please, not now..
