Dumating na din yung Adviser namin..
Naghanda na kami ng Rosary.. Mag-rrosary daw ngayon.
1st mystery, tayo..
2nd-4th mystery, upo..
5th mystery, tayo ulit..
Pagtapos ng rosary, nagpaalam na si Ms. Param.
Habang naghihintay kay Sir Belana..
Daldalan dito, daldalan doon..
Ako? Eto, nagbabasa ng next lesson namin.
Religion ang 1st subject.
Discuss. Discuss. Sulat. Sulat. Discuss. Discuss. Sulat. Sulat..
Ganyan naman parati pag Religion subject.
Sanay naman na ako..
Nag-bell na.
Ibig sabihin, next period na..
Nagpaalam na si Sir..
Hinihintay naman namin ngayon si Ms. Param. Yung adviser namin..
Siya rin kasi yung teacher namin sa Noli Me Tangere.
Reporting.. Quiz.. Discuss..
Nagbell na ulit..
Ang bilis ng oras kapag Noli. -_-
Ang saya pa naman pag ito yung subject. Puro recitation kapag discussion.
Haaaay..
Natapos na yung first 2 periods namin.
Recess na. Pinauna ko muna si Jem at Stephen sa pagbaba dahil pupunta pa ako ng CR.
Did my thing.. Powder.. Suklay.. Onting lipgloss. Ayos ng buhok..
At lumabas na ako.
Pero habang naglalakad ako paglabas ko..
Nabangga ako ng isang 4th yr student. Di ko alam pangalan niya e. Pero madalas ko siyang nakikita pag recess at lunch. Pero di ako nag-aksaya ng oras para malaman pa ang pangalan niya.
Tinulungan niya akong pulutin yung mga nalaglag kong gamit sa pouch ko..
"Thank you po."
"Wag ka na mag-po sakin. Hindi ako sanay. Call me Renz." sabay abot ng kamay niya.
"Hehe. Thank you, Renz." nakipag kamay na din ako.
"And you are?"
"Rielle. Sige salamat ulit. Baba na ako. Bye."
"Bye Rielle. See you."
See me?!
Ay shunga. Malamang nakikita niya ako pag recess at lunch. -_- Rielle ano ba, utak naman pls. -_-
Tapos nagpatuloy na ako sa pagbaba..
Hinanap ko muna sila Jem at Stephen..
