"Ma, alis na po ako." sabi ko sa mama ko bago ako umalis para pumasok.
"Sige anak, mag-iingat ka ha? Wag masyadong magpapagabi." sabi naman ni mama.
Pagkalabas ko ng bahay, agad akong pumara ng tricycle.
"Manong. Dyan lang po ako sa may labasan."
Bumaba na ako, at sumakay naman ng jeep.
Nakakaantok, maaga pa pala. Maaga naman talaga ako pumasok. Di lang masyado maganda ang aura ko ngayon. Ewan ko na, pakiramdam ko. Di masyadong maganda ang araw na to. Lunes na Lunes ganito pakiramdam ko. -_-
"Kuya, paabot po."
Nang medyo malapit lapit na ko..
"Dyan lang po sa may St. Catherine, Manong."
Bumaba naman na ako.
Wala namang assembly ngayon kaya derecho na ko sa room ko, 2nd floor lang. 3rd year na kasi e.
Pagpasok ko sa classroom..
Sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. Si Stephen.
Stephen: "Oy te! Ang aga mo talaga parati ha! Daig mo pa akong naka-school service!'
Oo, beki si Stephen. :) Pero wala sakin yun. Para sakin, pantay pantay lang lahat. ;)
Ako: "Wait lang Stephen ha? Lapag ko muna gamit ko. Para di naman masyadong nakakahiya sakin? Kokopya ka nanaman ng homework sa Geometry e."
Stephen: "Galing mo talaga mylabs!"
Ako: "Che. Oh ayan na. Ibalik mo ha. Wag mong lukutin."
Stephen: "Yes Ma'am. =))"
Nang makita kong parang malungkot si Jem..
Ako: "Oh? Jem? Ba't parang malungkot ka? Anong nangyare sayo?"
Jem: "Wala to, Rielle. Okay lang ako."
Ako: "Sus Jem, wag ka na magsinungaling sakin. Ano ba yan? Anong nangyari?"
At kinuwento na nga niya. Di pa siya nakakapagbayad ng tuition niya. Kulang nanaman daw sila sa pera..
Haaay, wala naman akong maitutulong. Wala na din kaming pera. Nakapasok lang naman ako sa school na ito dahil sa ESC Scholarship e. Yung less 10,000 yung tuition for the whole year. Kaya kahit papano, medyo maluwag sa Mama ko na pag-aralin ako dito.
May ganon din naman si Jem last 2 years e. Kaso nagkaroon siya ng 2 major subjects na bagsak. Ayon, naalis na yung ESC niya.
Kaya sabi ko sarili ko na mag-aaral talaga ako ng mabuti. Minsan lang makakuha ng scholarship no. At malay mo, pagdating ko sa college, may mag-offer pa din sakin ng scholarship..
Pero wait, pano na si Jem? 1st quarter palang. Di siya makakapag-exam hangga't walang tuition fee na naibabayad. RULES ARE RULES IKA NGA NG PRINCIPAL NAMIN..
