Chapter One: Scene One (Ms. Perfect)

93 1 0
                                    

        Nadine Rivera or simply Ms. Perfect. Yan ang tawag nila sakin. Unica hija ng isang haciendero sa San Sebastian. Maybe because they think I have all the characteristics a woman desire kaya binansagan nila akong PERFECT. Matalino, maganda, mayaman. Too perfect that I've never experienced being with others. Siguro dahil nararamdaman nila that I'm too superior. But it's okay, sanay na naman ako. Since childhood kasi, wala akong naaalala ni isang memory ng pagiging isang bata. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto ko at magbasa ng mga text books and novels habang sila, naglalaro ng patintero, hide and seek and alike at yung mga crush and like na yan, sa novel ko lang nababasa pero never ko pang naexperience.

        Pero sadya nga sigurong mapaglaro ang tadhana at dumating ang isang problemang magpapabago sa buhay namin, sa buhay ko...

"Mom, what's happening here?"

"Iha, I'm sorry."

"Don't just cry mom! Tell me..."

"We're bankrupt!"

"But how does that happened?"

"Isinanla ni papa mo ang lupa natin simula noong nagkasakit sya. Hindi na namin natubos iha. I'm so sorry."

        Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari ang ganun, pero kahit sa totoong buhay pala. Suddenly, my oh-so-perfect life turns into a roller coaster of disaster at dahil doon, kinailangan naming lumipat ng matitirhan at mapapasukan.

"Sa Princeton High po mom. Buo na po ang desisyon ko."

"But iha, you know we're bankrupt right? It's a prestige school. Iha, kahit isanla ko lahat ng natira satin eh we still can't afford it."

"Yah I know. Pero mom I'll try to get the scholarship they are offering. Kung sakaling kailangan ko pong mag working student, why not?"

"Kaya mo ba iha? You don't know anything sa gawaing bahay and stuff like crew sa fast food or alike."

"Mom, don't worry. Calculus nga po natututunan ko sa isang tinginan lang, yan pa kaya."

"Iha, real world is very much different and nothing to do with math stuff."

"I can do it mom. Trust me!"

        I took the entrance exam and of course, I passed. Ang bilis lang ng panahon at di ko namamalayan na nandito na ako sa Princeton High. Pagkababa ko ng trike at papasok palang ako ng back gate ng biglang isang grupo ng mga babae at isang lalaki ang sumalubong sakin...

"Hi miss! Cute mo naman... Mahal na agad kita eh."

"Nico! Don't talk to her. Bagong student ka?"

"Briana, who's that? Napakapangit naman ng suot. Probinsyana ka 'te? Haha."

"I don't know Natalie and if I know her, gosh why would I talk to her?"

"Ikaw ba ang prof namin miss? Ay! Sorry nakalimutan ko student ka din pala. Kala namin prof ka eh. Come on girls!"

        And suddenly isang boses ng babae ang narinig ko...

"Ganyan talaga dito, masanay ka na."

        Sya si Jessa, ang naging bestfriend ko sa Princeton High. Napakafriendly kasi nya. Halos lahat siguro ng estudyante dito kilala sya at kaibigan nya. Wala naman kasing pinipili tong babaeng ito. Walang arte sa katawan kundi ang pagka-obsessed nya sa color violet.

"Pangalan mo?"

"Nadine... Nadine Rivera"

"Jessa Jacobs, ang Ms. Friendly ng Princeton High. Nice meeting you."

"Same."

"Ang tipid mo din umimik noh? Imik-imik pag may time bae, mapapanis yang laway mo. Sayang!"

"Pasensya na hindi lang talaga ako sanay makipag-usap sa mga tao."

"Bilanggo ang peg? Ilang years? Hehe. De joke lang! Anong year mo?"

"Third year."

"Ako din. Di lang halata sa height ko. Eh section?"

"3B"

"Ay tamang-tama, classmates pala tayo. Tara!"

        Siguro napakaswerte ko lang na nakilala ko si Jessa noon dahil kung hindi, di ko alam kung papaano ko sisimulan mag-adjust dito.

"Okay class 3B right?"

"Yes ma'am"

"I believe we have a new student. Ms. Rivera, you may introduce yourself."

"Good morning. I'm Nadine Andrea Rivera. You can call me Nad. 14 years old. I graduated as class valedictorian at Stoneville Academy of Science. I love science & math. My hobby is solving puzzles like sudoku and ..."

        Then suddenly, nagbukas ng malakas yung pinto at tumambad sa harap ko ang isang napakakisig na lalaki, about 6 feet tall, tirik ang makapal nyang buhok, tan and has this angas look you can't just imagine him at this kind of school.

"Mr. Hudas, mabuti naman at pumasok ka. Himala! Ano nakain mo?"

"Shut up and just proceed old lady."

"Okay Ms. Rivera you may continue."

"That's all ma'am. I have nothing to say."

            I can't imagine na posible palang makakita sa isang prestige school ang isang walang modo na kagaya nya.

"Jess, who's that?"

"Walang iba kundi si Jude Princeton, ang bunsong anak ng owner ng school na ito. Ang Mr. Angas ng Princeton High. Ang sakit sa ulo ng mga teachers at ang dahilan ng pagkaubos ng estudyante dito. No one can make him sunod kasi he's so pilyo talaga. Why? Crush mo?"

"No! Of course not! I'm just curious."

"Asus! Crush mo eh. It's normal girl. Halata sa feslak mo eh. You're blushing."

"No I'm not!"

"Yes you do"

"But I think hindi naman sya ganun ka-bad. I can handle him."

"Kala mo lang yun."

        Lumipas ang mga araw na unti-unti akong nasasanay sa palakad ng eskwelahan na to. Unlike my old school na when you're smart, you're famous, here naman, when you're hopeless, you're famous. Mas sikat yung mga lalaking basagulero, mayayabang at sira ulo at mga babaeng kikay, ubod ng aarte at mga feelingerang frog!                                                                                         

        Yah, I'm not famous here. But atleast libre yung tuition ko kasi napapanatili kong number one ang sarili ko academically. Yah, and that's why I'm still Ms. Perfect!

Damn She's Perfect!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon