PART 7 - SHOPPING

7 1 0
                                    

"Pasencia na po kayo sa akin, Ms. Arlene."

Nakasakay na ako sa kotse ng Auntie ni Nestor at papunta na kami ng Makati kung saan kami magsha-shopping. Pero tingin ako ng tingin sa aking likuran, dahil kanina ko pa napapansin na may sumusunod na Van sa amin.

"Alam mo, Youmi. Wala sa amin yun bilang press. Ikaw lang kasi ang iniisip ko ng mga oras na yun. Di ba at tinanong pa kita that time na kakailanganin mo din ako at heto na nga. Mas kailangan mo ako ngayon kaysa noong una tayong nagkakilala. At tsaka kasama ito sa kasunduan ng pamangkin ko."

Napaisip ako. Para kasing wala akong matandaan na may nakasulat na shopping doon.

"Verbal lang yun, hija. Alam mo naman si Nestor kapag naglambing, di ko mahindian. Kamusta naman ang unang gabi mo sa Pent house?" baling nito sa akin.

Napaisip tuloy ako kung sasabihin ang nangyari kagabi kaso nagbago ang isip ko. Sa kanilang dalawa na lang yun ni Nestor. Baka ito pa ang magsabi na tigilan na ang kasunduan at umuwi na lang ako sa amin dahil sakit ng ulo lang ako ng amo kong direktor. Ngayon pang natutuwa na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hinding hindi ko palalampasin ang ganitong pagkakataon. Maya-maya lang ay nakarating na sila sa malaking mall sa Makati.

"Huwag kang mag-alala, nasa likuran natin yung mga abductors mo kahapon."

At nakita nga ni Youmi na bumaba yung girlalou na bouncer sa van na bumubuntot sa kanila. Nakahinga ng maluwag si Youmi. Nakaka-trauma kaya yung nangyari sa kanya kahapon na mistulang kinidnap talaga siya ng mga ito.

"Mula ngayon, siya na ang body guard mo. I'm sure hindi pa kayo magkakilala. Youmi meet MJ. Alagaan mong mabuti si Youmi, utos yan ni Direk. Oh, siya, saan mo gusto magsimula?"

"Magsimula po?" takang tanong ko sa Press Relation Officer.

"Shoes, bags, damit..." Habang iginigiya ako nito papasok sa women's boutique.

"Para po sa akin? Niloloko ba ninyo ako? Okay pa naman ang mga damit ko, Ms. Arlene."

"Hindi mo alam ang mundong pinasok mo, hija. Hala, akong bahala." At hinila na siya nito papunta sa dress section.

Nagbulungan ang mga sales lady na naroon, "Hindi ba siya yung nasa Headline? Mas maganda pala siya sa personal," turan nung isa.

"Tama ka, siya nga. Good Afternoon, Miss Youmi!" bati naman nung pangalawa.

Napangiti ako sa narinig. Kahit dalawang tenga ko yata ay nagtitiklupan sa tuwa. Para sa akin bang talaga ang mga paghangang yun at kilala pa ako ng mga ito? Iba na talaga ang sikat.

Napansin agad ng bodyguard na kumakapal na ang mga tao na nasa labas ng boutique. "Ms. Arlene, mukhang kailangan ko ng back-up. Marami ng tao sa labas," bulong ni girlalou, este MJ. Tumango naman si Ms. Arlene at tumawag na ito sa cellphone.

Walang inaksayang oras si Pie. Basta gusto niya ang style, color at fabric, dampot agad. Sukat dito, sukat doon ang nangyari. Para siyang fashion model sa dami ng pinagpipilian. May pang-sports attire, pang-casual, pang-church even yung mga mamahaling gowns ay mayroon din siya at ang shoes, naka-three pairs din siya plus bags.

"Mukhang kailangan na nating umalis. Isama mo ito sa purchase." Iniabot sa akin ang hooded jacket at pati ang kanyang dark glasses. "Isuot mo ito. Kailangan mo ng proteksyon."

Nagtataka man ako eh sinunod ko na lang ang bilin nito. Napansin ko na may mga photographers sa labas at kumukuha ng anggulo para makunan ako. Ganito na ba ako kasikat? Dumating na din ang iba pang bouncer body guard na nakasama ko rin kahapon sa van. Sila tuloy ang nagdala ng aking mga pinamili. Itinaas ni Ms. Arlene ang hood ko at dali-dali silang lumabas ng boutique. Nakapalibot sa amin ang tatlong naglalakihang bouncer kaya kahit papaano ay safe kami.

"Si Youmi! Yung bagong prospect ni Direktor Nestor," tili nung teen-ager sa di kalayuan.

"Nasaan? Hindi ko siya makita. Dami naman kasing tao. Aray ko!" bulalas ng isa pa na kung di naitulak ay naapakan ang paa.

"Youmi, totoo ba na ibinabahay ka na ni Direk Nestor?" singit ng reporter na may dalang mike.

Hinawi at nilagpasan lang naman namin ang mga yun, derecho kaming lahat sa elevator papunta sa basement kung saan naroon ang parking lot.

"Mula ngayon, Youmi, magsasabi ka lagi kung aalis ka ng Pent house. Nakita mo naman kung paano ka dinumog ng mga tao."

"Ms. Arlene, di naman po ako artista eh, maid nga lang po ako ng pamangkin ninyo," depensa ko sa sarili.

"Kahit na, ang lahat ng babae basta't alam na dalaga ay damay sa mundo ng aking pamangkin."

"Kaya po ba bumili tayo ng mga ganito?" Kinuha ko ang isang damit,

"Masanay ka na, Youmi. Ito na ang magiging buhay mo from now on at hindi aksidente na dumating ka sa buhay ng aking pamangkin. You'll see..."

Bigla na lang kumulo ang aking tiyan. Nahihiya man ako," Saan po tayo kakain, Ms. Arlene? Kung puwede po yung konti lang ang tao."

Pumunta silang lahat sa Hotel by the Bay. "Magpataba ka, masyado kang payat sa hitsura mo. Kapag humarap ka sa press, mas lalo silang magugulat na malaki ang pinagbago mo," bilin sa akin ni Ms. Arlene.

"Bakit po ba ang bait-bait ninyo sa akin, Ms. Arlene?" tanong niya habang kumakain ng Angus steak. Ang mga body guard ay naka-upo naman sa kabilang mesa at kumakain na rin.

"Alam mo, hija. Alam kong naiiba ka sa kanila. May nakita sa iyo si Nestor at alam kong tama siya this time. Huwag ka ng mag-alala. Pagkatapos nito pupunta pa tayo sa parlour."

"Parlour?" Nanlaki tuloy ang aking mga mata.

"Oo, naman. Alam mo na make over. Ang mga kuko mo, manicure, pedicure, palagyan natin ng nail art."

"Sa bahay lang naman ako nakatira, Ms. Arlene. Bakit kailangan ko pa ng make over?"

"Ano ka ba, si Nestor ang may gusto nitong lahat. Ayaw mo bang maging mas maganda sa paningin niya, naming lahat?" Pagtutuwid nito.

Napaisip si Youmi, nakatira siya sa Pent house, may mga body guard, kumakain sa mamahaling hotel. Nakapag-shopping pa siya na umabot ng p100,000 sa credit card ng Direktor. Ito na ang magiging buhay niya mula ngayon. "Gusto ko po, Ms. Arlene. Gusto ko pong maging mas maganda katulad ni..."

"Ni Jasmin? Huwag mo ng pangarapin yun. Mas bata ka dun at mas maganda. Iba ang beauty mo, natural. Alam mo bang retokada ang iba niyang katawan... Ang ilong, dibdib... Ang pamangkin ko ang lahat na gumastos."

"Pero mayaman po sila," giit ni Youmi. "Kayang kaya niya ang magbayad."

"Well, ang mga magulang, oo pero hindi ang anak, masyadong kasing maluho ito. Mahilig sa parties and laging nasa ibang bansa. Kaya ng mangailangan, kay Nestor siya humingi. Hindi mo ba alam na naaksidente yan may five years na ang nakakaraan ng magbakasyon sila sa Paris kaya siya nakapagpa-retoke kasi totally damage ang kanyang mukha. Mas maganda yung original nyang mukha. Itinago na lang namin sa media para maprotektahan ang pamilya nila at si Nestor na rin. Ayaw niya ng publicity at ikaw, di ka namin maitago kasi nasa headline ka na kasi."

Awa tuloy ang naramdaman kokay Jasmin pero maganda pa rin siya ha at mayaman. Bakit kasi hindi na lang ito pakasalan ng amo ko? At ng may makasama na ito sa buhay. Tumahimik na lang ako hanggang sa matapos kaming kumain.

~~~'Δ'~~~

Feel free to comments, follow or simply vote.

Suportahan rin ninyo my other works. God bless to all of us!

Y F L (Youmi Finds Love) (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon