PART 10 - ACCIDENTAL KISS

6 1 0
                                    

"Pambihira talaga ang amo ko na ito. Alam niya na ako si Youmi, ginu-good time talaga ako. Pahamak na contact lens na ito. Akala ko pa naman ay makakaisa na ako." Pabulong bulong ko pa sa aking sarili.

Paikot-ikot na ako sa aking higaan. At mag-two o'clock na rin yun ng madaling araw. Ayaw pa rin akong dalawin ng antok nang makarinig ako ng kaluskos mula sa sala.

Kinakabahan man ay dali-dali akong lumabas ngunit may dalawang kamay na biglang humatak sa akin. Sisigaw na sana ako kaso bigla naman akong hinalikan sa labi ng kung sino na ito.

"Wag ka munang maingay at baka marinig tayo," bulong niya sa akin at muli akong sinelyuhan ng halik.

"Ang sabi mo eh nandito nakatira yung direktor, eh bakit parang walang tao?"

"Ssshhh... Kukunin lang natin yung babae tapos aalis na tayo agad. Di tayo pwedeng umalis na di kasama yun kung ayaw mong mawalan ng trabaho."

"Magbukas ka kasi ng flash light. Ang laki naman kasi ng condo na ito. Kung bakit kasi naisama pa kita..."

"Tingnan mo nga ito. Ni hindi ko nga alam na dito tayo pupunta. Ayaw kong mahuli, di pa ako handang makulong. Nasaan na ba kasi yung babae?"

Buti na lang at ako ay may kahalikan na mukhang alam ko na kung sino. Kinukurot ko na nga siya eh ayaw pa rin akong pakawalan. In fairness, kinikilig kaya ako.

"Umalis na tayo. Nahalughog na natin ang buong bahay. Wala yung hinahanap natin. Sa ibang araw na lang tayo bumalik."

Narinig namin ang pagsara ng pinto at maya-maya pa ay maingay na sa labas na parang nagkakarambola. Doon pa lang ako binitawan ng kahalikan ko at nakarinig kami ng doorbell.

Gustuhin ko mang tumayo sa pagkaka-upo eh di ko magawa, hindi sa takot kundi sa nerbiyos dulot ng halik ng aking bossing na direktor. Doon pa lang niya binuksan ang ilaw. Naka-boxer shorts ito na checkered at naka-t-shirt na puti, ako naman ay naka-pajama na light blue na may disenyong teddy bear.

"Pumasok ka na muna sa kuwarto mo. Ako ang makikipag-usap sa kanila," malumanay na utos niya sa akin. "Huwag kang lalabas kung hindi kita tinatawag."

Para naman akong bata na tumango na lamang pero bago pa ako maka-alis ay kinabig niya akong muli at niyakap ng mahigpit.

"Kung sino man ang may pakana nito, malalagot sila at muli na naman akong hinalikan sa labi. Nakaka-ilan na ba siya? Sobra na itong amo ko na ito ha.

Narinig ko na may mga kausap siyang tao sa sala at maya-maya lang ay tumahimik na ang mga ito. At pagkatapos ay nakarinig ako ng katok mula sa amo ko.

"Puwedeng lumabas ka muna, Youmi."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ko muna kung may ibang tao sa labas pero wala akong nakita. "Nasaan na ang mga tao?" tanong ko sa kanya.

"Mga guards yun. Pinapapunta ako sa police station para magsampa ng reklamo sa dalawang mamang pumasok dito. Pinauna na nilang dalhin doon. Nakita kasi nila sa CCTV camera na kakaiba ang kilos ng dalawang lalake at ng mapansin nila na derecho dito sa Penthouse ay sinundan na nila ang mga ito at tama nga ang kanilang hinala."

"Pero bakit ako ang hinahanap nila? Wala naman akong kasalanan. Ano ang gusto nila sa akin? Masyado akong naguguluhan..." At napaupo na lang.

"Kaya nga aalamin ko. Hindi naman kita pwedeng ipakita sa kanila at ikaw talaga ang pakay. Kailangan nating mag-ingat para na rin sa kaligtasan mo. Magpapalit lang ako ng damit. Ngayon lang may nangyaring ganito na napasok ang Penthouse ko."

Saglit muna niya akong iniwan. "Parating na dito si Auntie Arlene at yung body guard mong si MJ. Hindi ko alam na mangyayari ito sa iyo at dito pa mismo sa Penthouse ko. At yung kiss kanina..."

"Kiss?" Bigla tuloy akong namula ng ipinaalala pa niya yun sa akin.

"Ano ka ba, kiss lang yun. Wag ka ngang paapekto dyan na parang ako ang first kiss mo. At medyo tinapik pa niya ang aking pisngi.

"Eh kasi naman bakit ba kailangan mo pa akong halikan? Sobra ka na kaya. Wala pa kayang nakakahalik sa akin." Bigla ko namang tinakpan agad ang nadulas kong bibig.

"Sorry hindi ko alam. Ano ka ba ang mga babaeng nami-meet ko eh gustong gusto nila na halikan ko sila tapos ikaw ayaw mo?"

"For your information, Sir Nestor. Ibahin mo ako sa kanila no. Hala umalis ka na tutal sabi mo naman ay darating na si Ms. Arlene."

"Okay, sorry na po. Huwag ka na kasing magalit. May gustong kumidnap sa iyo at yun ang aking aalamin. At bumawi lang ako kasi niloko mo ako kahapon. Na ikaw din pala si Marigold."

"Akala mo kasi hindi na ako gaganda pa kaya nga di mo ako nakilala sa parking lot eh." Pagmamaktol ko. "Pinag-make over mo ako tapos magdadala ka ng ibang babae sa Penthouse mo. Over ka kaya."

Akma namang lalapitan na naman ako kaya inihanda ko ang aking kamao bilang depensa. "Hanggang dyan ka lang. Nag-aral ako ng self-defense kaya."

"Self-defense ka dyan eh halik ko lang defenseless ka na."

Sa asar ko eh binato ko ang unan sa kanya. "Ang yabang mo talaga."

"Ngayon mo lang nalaman. Tama na nga yan." Tatawa-tawa niyang turan.

Nakarinig kami ng doorbell. Buti dumating na rin si Ms. Arlene at baka kung hindi pa ay gagamitin ko na ang aking self-defense.

Ang Dasal.

Y F L (Youmi Finds Love) (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon