"Youmi?" Bukas ni Nestor sa pinto. "Tiyak nakatulog na naman ang personal maid ko. Diyan ka lang, Marigold. Feel yourself at home at akong bahala sa iyo. Ipaghahanda kita ng masarap na dinner." Mabilis itong dumirecho sa kitchen na pumipito-pito pa at pasayaw-sayaw na lumalakad.
Naiwan naman ako sa sala na tumitingin lang na parang hindi pa ako nakakapunta doon. Pero ng makalingat na siya eh derecho na ako sa kuwarto ko at mabilis na nagbihis. Nilagyan ko agad ng tuwalya ang aking ulo at mabilis na tinanggal ang make-up. Bumalik ako sa sala at bigla kong binuksan at sinara ang pinto na medyo malakas. Doon ako naabutan ni Nestor. Nakatingin sa nakasaradong pintuan na nakapameywang pa at hinihingal.
"Oh, nasaan na ang maganda kong bisita?" usisa niya sa akin. Pumunta pa ito sa may pintuan at binuksan. Di pa siya nakuntento ay lumabas pa itong saglit pero mukhang wala namang nakita dahil maya-maya lang eh bumalik naman ito agad.
Tahimik lang akong tumatawa hanggang sa pagbalik nito. "Akala ko eh natutulog ka na dahil sa pagod sa lakad ninyo ni Auntie. Ang bilis namang nawala ni Marigold. Pababa na agad ang elevator, di ko na naabutan."
"Marigold pala pangalan niya. Eh ng makita niya ako, bigla na lang umalis kaya hayun binabalibag ang pinto sa paglabas niya. In fairness, ganda niya, Sir Nestor. Papasang artista. Kapag na-meet mo siya ulit, kunin mong artista ha..."
"Ikaw talaga, selos agad. Mas maganda ka kaya doon, ano? Oh siya, tutal wala na si Marigold eh samahan mo na lang akong mag-dinner." At hinila niya ang aking kamay.
"Ay ayoko sa kitchen, Sir Nestor. Sa terrace tayo kumain ngayon. Sandali at maghahanap ako ng candle."
"Okay ka lang, Youmi? Candle light dinner pa tayong dalawa."
"Sir Nestor, pagbigyan mo na ako. Minsan lang itong mangyari sa akin. Isipin mo na rin may Earth hour ngayon." At pinanlakihan ko pa kaya siya ng mata.
"Oo na. Patuyuin mo muna ang buhok mo. At magbihis ka naman ng maganda. Akala ko ba nagpa-make over ka na. Just the same, make yourself beautiful."
"Like Marigold... Ikaw talaga, Sir Nestor. Basta maganda at sexy wala kang palalampasin talaga. At ano ba ang inihanda mo eh hindi ka naman marunong magluto?" Biro ko tuloy sa kanya.
"Ano ka ba eh di yung instant. Mayroon namang spaghetti, nilagyan ko lang ng maraming cheese at may garlic bread naman tayo sa ref. Ininit ko sa frying pan. Ano ka ba masyado mo na akong hinihiya?"
"Di naman. Natatawa lang kasi ako sa iyo kasi sobra ka sigurong manghang mangha ng makita mo siya kasi naman ang ganda niya talaga. Ang mahal ng suot niya at ang taas pa ng takong. Pati make-up parang artista talaga kaharap ko kanina. Pati nga ako naging instant fan niya eh."
"Ano ka ba wala na nga siya at dahil ikaw ang nasa harapan ko..." Na sinipat-sipat pa ako na parang nasa ilalim ng microscope.
"Bahala ka, nakuha ko kaya ang number niya pero hindi ko ibibigay sa iyo. Ang lagay eh ganoon na lang ba..."
"Please, Youmi. Na-Love at first sight ako sa babaeng yun talaga. Kung may alam ka naman sabihin mo na."
"Ang totoo kasi ay... " May naamoy kaming pareho na nasusunog at dali-dali kaming humangos papunta sa kitchen. "Wala na naiwan mo ang garlic bread sa frying pan... Hayan, super toasted na ang ating garlic bread." At itinaas ko at inikot at initsa sa garbage can, three points.
"Ikaw kasi eh," sisi niya sa akin.
"At ako pa ang may kasalanan ngayon. Ay naku, tama na yang spaghetti with cheese, Busog pa naman ako." Binuksan ko ang cabinet at may nakitang crackers. "Puwede na itong pangdagdag sa dinner nating dalawa."
"Alam mo hulog ka talaga ng langit sa akin. Paano na ang buhay ko kung wala ka?"
"Lokohin mo pa ako, Sir Nestor. Maiwan na muna kita at nandyan sa ilalim ang kandila na may lalagyanan. May posporo na rin dyan."
At dali-dali ko na siyang iniwan. Simple lang na pang-alis ang aking sinuot at nag-powder lang. Itinago ko muna ang damit na aking sinuot bilang Marigold.
FIRST DINNER
Napakaganda ng view ng gabing iyun. Nataon na Full Moon pa mandin. Bagamat malakas ang hangin eh may takip naman ang aming candle light. Napaka-romantic kaya ng dating pero malayo ang isip ng aking ka-date este ng aking kaharap.
"Sa tingin mo ba eh makikita ko pa siyang muli?" tanong ng amo ko sa akin.
"Siguro. Nandyan lang naman siya sa tabi-tabi."
"Para naman siyang Cinderella. Nawala na lang bigla at naiwan hindi lang isa ng kanyang high heels sandals kundi dalawa pa. Ano iyun umalis ng naka-apak?"
Bigla tuloy akong namula at muntik ng mabulunan. Ano ka ba naman Mayumi. Ngayon ka pa ba papalpak? At bigla kong naalala na una ko siyang inalis dahil masakit na kaya ang aking mga paa. "Ah siguro, nahirapan na siyang lumakad kaya ganoon. Oo, ganoon nga iyun."
"Nakapagtataka naman kasi hindi naman ako matagal na nawala. Nag-away na agad kayo."
"Sir Nestor naman, itong mukha na ito pinanganak para mang-away lang ng ubod ng gandang chika babe na na-meet ng amo ko. Nungka!"
"Eh bakit defensive ka? Siguro sinabi mo sa kanya na asawa kita at hindi maid kaya ganoon na lang ang galit niya kaya umalis at sa pagmamadali at inis, iniwan na lang ang sandals dito."
Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo o hindi? "Ganito na lang, Sir Nestor. Magpa-audition tayo tapos ipapasuot natin ang sandals sa girl... Baka sakaling magkasya at maganda naman, siya na lang ang patulan mo. Forget Marigold for awhile." mungkahi ko kuno.
"Alam mo, Youmi... Minsan matalino ka rin pero mali eh. Kasi di naman siya yun." Itinaas pa niya ang sandals sa mesa at tiningnan itong mabuti. "Ang liit naman ng paa ng Prinsesa ko. Di kaya siya mabalian sa pagsuot nito?"
"Obsession na ata nangyayari sa iyo. Okay ka lang? Baka naman pati sa pagtulog eh katabi mo pa yan..."
"Tama ka, Youmi. Sobra na akong na-obsessed sa Marigold na yun. Tulungan mo naman akong mahanap siya."
"Sir Nestor, ako na lang magtago ng sandals niya kasi baka pumunta Auntie ninyo dito mapagkamalan ka pang girlalou, ikaw din.."
"Sige na nga pero ingatan mo ha. Well, let's call it for a night. Pareho na tayong pagod." At nag-umpisa na itong humikab. "Good night, my Princess Cinderella... Marigold..."
Napaisip ako sa huli niyang sinabi at ng tingnan ko ang sandals may nakaipit doong maliit na note.
"I know. No need to hide. May contact lens ka kasi like her." Ay naku, Buking!
BINABASA MO ANG
Y F L (Youmi Finds Love) (Updating)
RomanceLahat naman tayo gusto ng kakaibang fairy tale. Here's Mayumi and Nestor's love story. Isang simpleng babae na ginamit ang angking talino at ganda at ang lalakeng kanyang makakasama sa pag-abot sa kanyang mga minimithing pangarap. Ang mga struggles...