TG No. 1

22 3 0
                                    

TG No. 1

"Sa tingin mo hindi din ako nahihirapan?!"

Napapitlag ako sa sigaw ni mama. Agad akong nagtago sa likuran ng sofa at tinakpan ang mga tenga ko. Pero sa kabila nun, naririnig ko parin sila.

"Nagtiis ako ng ilang taon para makasama ka kahit alam ko kung anong tinatago ng budhi mo! Nandito lang naman ako dahil kailangan ko yung pera mo. Dahil wala akong pangtutos kay Jasteine"

"Oh, edi inamin mo na rin! Pera lang ang habol mo sakin. Kasalanan mo rin pala kung bakit ako nagkakaganito eh"

"Wow, naman... Tapos nako. Tapos na tayo. Dadalhin ko na yung anak ko"

Naramdaman ko na lang ang paghila ni mama ng braso ko at hinihila ako palabas ng bahay. Hindi ko mapigilang maiyak habang tinitignan ang mahigpit nitong pagkakahawak sakin.

"Hindi mo siya pwedeng kunin" naramdaman ko ang isa pang kamay sa kabila kong braso. Naiiyak akong napatingin kay papa

"Sinabi mo na nga kanina na hindi mo siya kayang tustusan tapos kukunin mo siya ngayon! Baka kung saan mo lang siya dalhin at ibenta!"

Napasigaw ako ng marinig ang malakas na pagsampal ni mama kay papa. Nag tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Wala kang..."

"Kahit kailan hindi ko naisip na ibenta ang anak natin. Kahit nung hirap na hirap na ako!"

Nagsimula ng umiyak si mama na mas lalong nagpasikip ng puso ko. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kakaiyak.

"Masama nga akong tao pero may pakialam ako sa inalagaan ko ng siyam na buwan"

Nakita ko sa mga mata ni papa ang pagkagulat sa sinabi niya. Kaya nakatikom na lang ang bibig nito. Nadudurog ako. Ang sakit. Habang tinitignan ko sila. Ang sakit lang sobra.

"Pero hindi ko kayang mawala siya" mahinang sabi ni papa

Papa...

"Siya na lang ang meron ako"

Naramdaman kong natigilan si mama. Pero saglit lang yun dahil agad na niya akong hinila palabas.

"I'm sorry Ed" narinig kong sabi ni mama ng makalabas na kami sa bahay.

Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sakin. Hindi mawala-wala sa aking alaala ang nangyari nung 9 na taon.

Pano kami umabot sa ganun? Paano umabot sila mama at papa ng ganun? Akala ko, hanggang dulo na eh. Akala ko macecelebrate pa namin ang Silver at Golden Wedding nila. Pero mukhang hindi na.

Minulat ko muli ang aking mga mata. Nandito ako sa may Manila Bay. Hindi ko aakalain na makakapunta pa ako dito. Dahil sa malinis na rin ito, wala ng mga basura at ang masangsang nitong amoy. Muling bumalik sa pandinig ko ang ingay ng mga tao.

Hindi ko rin maintindihan bakit ang daming mga tao dito. Kakalinis lang nito pero dinudumihan ulit nila.

"Psst"

Hindi ko na nilingon ang taong kumalabit sa akin at agad na akong tumayo. Hindi na sariwa ang hangin kung nandito ang 5% populasyon ng Pilipinas.

---

Agad akong bumaba sa tricycle ng makarating sa kanto ng barangay namin. Sinuot ko ang hood sa ulo ko at sinilid ang mga kamay sa bulsa ng jacket na suot-suot ko at nagsimula ng maglakad.

"Hoy bata! Bayad mo!"

Agad akong kumaripas ng takbo ng marinig ang boses ng tricycle driver.

"Hoy!"

Teimothy's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon