TG No. 5

8 2 0
                                    

TG No. 5

"I'm sorry, we didin't told you" narinig kong sabi ni Tito Alex

This is wrong. Hindi totoo ito. Dapat alam ko na ito.

Tinignan ko si Tita kung saan pinapatahan siya ni Lola Martha. Kanina pa siya umiiyak at hindi matigil. I've already cried enough, I felt numb.

Ba't tinago sa akin ito ni Not-not?

Napunta ang tingin ko sa lalakeng nakahilata sa hospital bed. Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi parin siya gumigising. What are you doing to me Not-not? Ang sakit nito masyado.

Lumabas ang doktor sa loob ng kuwarto kung saan nakahilata si Not-not. Agad kaming lumapit sa kaniya at kinamusta si Not-not pero bad news ang dala niya. Agad na akong umalis bago pa nito matapos ang sinabi. Dumiretso ako sa balcony ng ospital. Dumampi sa akin ang malamig na hangin.

Pagkatapos ng nangyari sa lugawan, agad siyang dinala sa ospital at kanina pa ako hindi makatulog sa sobrang alala. Agad kong tinawagan sila Tita Biancca at mabilis silang pumunta dito sa manila at nilipat sa isang malaking ospital si Teimothy. Tapos sa kanila ko nalaman na may cancer pala si not-not.

"Ba't di mo sinabi sa akin?"

I should have known better. Binigyan na niya ako ng clues pero hindi ko man lang pinansin. Nung una pa lang, ayaw na niya ng hot sauce, ayaw niyang uminom, pagkahingal niya sa laro nila ni Jeyson at ang pagpapahalaga niya sa araw-araw. Dapat nalaman ko ng may problema sayo.

Nawala ako sa pag-iisip ng mag ring ang phone ko. Agad kong sinagot ito ng makitang si Jeyson.

"Jeyson, may cancer si Teimothy" nanghihina kong sabi

Para akong magkakasakit. Pagkatapos naming magkita ni papa, umiiyak ako tapos eto na naman. Bakit ba ang iyakin ko? Lintik lang.

Nagtaka ako ng hindi siya sumagot kaya tinawag ko siya muli.

"Alam ko...alam kong may cancer siya"

Nanginginig akong yumakap sa sarili ng humangin muli. Sumakit ang tiyan ko kasabay ng pagsikip ng puso ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" hindi ko na ata makilala ang boses ko

Wala na ata akong nararamdaman. Bakit tinago nilang dalawa ito? Pinagmukha nila akong tanga.

"Wag ko daw sabihin, sabi niya" That's bullshit! Anong wag sabihin?! Bakit ayaw niyang malaman ko!

"Sa tingin mo may nagbago nung hindi niyo sinabi?!" nararamdaman ko ng tumataas ang boses ko, pero wala akong pake.

"Diba wala! Nandito siya sa ospital, nakaratay at walang malay. Tapos malalaman ko sayo na tinago niyo ito sa akin. Ang unfair naman nun Jeyson"

"Kailangan mong kumalma Jasteine---"

"Lintik na kalma yan!" saka ko siya pinatayan

Ayaw ko na siyang marinig. Ayaw ko ng marinig kung paano nila ginawa yun. Ang sakit nito masyado. At hindi nila alam yun.

Ng makabalik sa loob ay nailipat na sa isang kuwarto si Not-not. Kumatok ako sa pintuan bago pumasok, nagmamadaling pinunasan ni Tita Biancca ang mga luha niya.

"Oh Jasteine, kanina ka pa?" pinilit niyang ngumiti sa akin

"Ngayon lang po Tita"

Muling ngumiti sa akin si Tita. Isa sa mga katanungan ko sa mundo, bakit may mga tao paring ngingiti sa kabila ng sakit at lungkot? Pagod na pagod na si Tita sa kakaiyak pero nanatili siya sa tabi ni Not-not.

Teimothy's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon