TG No. 2
"Saan ang daan papuntang bahay niyo?" tanong nito
Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin sa bintana. Ayaw ko pang makauwi. 11:30 pm na pero parang may gusto pa akong gawin. Wala sa sariling nilabas ko ang listahan ko.
"Hey-- what the hell is that?"
Napalingon ako sa lalake. Wala sa sariling tinupi ko ng mabilis ang papel ng maabutan kong nakatingin siya dito.
"Is that a list?"
Alam kong nakita na niya ang nakasulat. Geez, bat ko ba nilabas pa ang papel! Stupid Jasteine.
Nakafocus na ngayon ang tingin niya sakin "To Suicide List?" Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala sa nakita.
Sino ba namang tanga ang gagawa ng Suicide List? Edi ako. Napabuntong hininga ako.
"Okay, wala akong nalalaman. Pero ba't ka magpapakamatay?" Nabaling na ang tingin niya sa daan
"I don't know actually" amin ko
"I just want to end this shit. Gusto ko ng makaramdam ng kapayapaan, katahimikan. Wala ng pagod at sakit"
"I don't believe you"
Nakakalungkot na nalaman niya pa ito. I just want to keep it a secret. Pagkatapos kong magawa lahat ng nasa list ko. I will end everything.
"What's your name?" tanong ko sa kaniya
Saglit siyang lumingon sa akin
"Akala ko hindi mo na maitatanong yan. I'm Teimothy"
"Jasteine" I smiled, a genuine one.
"I know. Sabi ni Aleng Maryah" nakangiti nitong sabi. Magaling siya sa mga pangalan.
"Bilisan mo ang takbo" utos ko
"What? Why?" nalilito nitong sabi
"Basta bilisan mo lang, 80 kph"
Medyo natagalan pa akong pilitin ito. Ngunit binilisan din sa dulo.
"Yeah!!" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay. Sana nabubuksan yung kotse niya katulad nung nasa mga palabas. Sarap siguro ng hangin.
"God! You're weird" narinig kong bulong niya
Walang pahintulot kong binuksan ang bintana at nilabas ang kalahati kong katawan at tinaas ang dalawang kamay.
"Yeahhh!!!" malakas kong sigaw
Geez, ang sarap sa pakiramdam ng hangin kapag tumatama ito sa balat ko. Hindi ko naisip na mararamdaman ko pa tong kapayapaan.
Narinig ko siyang natawa sa loob ng kotse at mas lalo pang binilisan ang takbo. Napangiti ako lalo at mas lalong tinaas ang mga kamay ko.
"Whooopss..."
Sabay kaming natawa ng muntik na akong tumama sa isang sanga ng puno.
"Baka mawalan ka ng ulo diyan" asar nito
"Mawawalan muna ako ng buhok bago ulo" asar ko pabalik
"Ang pangit mo siguro kapag kalbo" natatawa nitong sabi
Napailing na lang ako. Naisip ko rin, ano kaya ang mukha ko kapag nakalbo?
Ilang saglit lang at nakarinig kami ng sirena ng pulis.
"Ohmygod"
Agad akong pumasok sa loob, unti-unti na ring humina ang takbo ng kotse.
"This is your fault" bulong nito sakin
BINABASA MO ANG
Teimothy's Gift
FanficTeimothy's Gift Is all about a lady who wanted to die. Isa siya sa mga taong gustong magpakamatay or 'suicidal' kumbaga. But when Teimothy came, he gave her a gift that change her life. Pero kapalit nun ang pagbawi nito. Witness how friendship buil...