TG No. 4

3 2 0
                                    

TG No. 4

"Goodmorning Tin-tin"

Hindi na ako nagulat ng sumulpot na naman si Not-not sa pinagtatrabahuan kong burger stall. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung makilala ko siya at nasanay na akong tawagin niyang tin-tin.

"Tara, gala muna tayo" yaya nito

Umiling lang ako sa kaniya. Pasalamat na lang ako kay Miss Minchin at hindi niya pa ako pinapatalsik sa trabahong toh.

"Malapit ng matapos ang list mo. Ayaw mo nun?"

Natigilan ako sa narinig ko. Hindi ko alam. Pero ang weird na ng pakiramdam ko. Parang ayaw ko ng matapos ang list na yun. Ayaw ko na lang maglaho, ayoko ng mawala. Pero nung una pa lang, nagdesisyon na ako, wag naman sana akong magback out.

Hindi ako nagdalawang isip at agad na sumama kay Not-not. Ayoko ng isipin ang list ko. Hanggat nabubuhay pa ako, gusto ko lang na makita siya araw-araw.

Ginawa namin lahat ng nasa list ko. Pumunta kaming Tagaytay at nag zip line, sumunod kami sa EK para sakyan ang pinakanakakatakot na rides sa buong buhay ko, ang Eiffel Tower, sunod ay ang pagsakay namin sa Carousel, ayaw pa ngang sumakay ni not-not pero hinila ko na siya. Tawa ako ng tawa habang kinukuhanan siya ng litrato. Agad kaming umalis pagkatapos at dumiretso sa Antipolo. Pumunta kaming Cloud 9 at nag hanging bridge. Dahil sa takot ako sa heights, inaasar pa ako ni Not-not sa pag-alog nito. Nakakahiya lang dahil nakatingin sa amin ang mga tao. Ng makarating sa dulo ay isang malaking achievement para sa akin yun. Sobrang lakas ng hangin at sobrang ganda ng view.

"Tara picture tayo!" yaya ko

Wala siyang nagawa kundi pumayag. Nahirapan pa ako dahil lumilipad ang buhok ko sa sobrang lakas ng hangin. Nagulat ako ng pumunta siya sa likuran ko at hinawi ang buhok ko.

Wala sa sariling napangiti ako. Bumilang ako ng tatlo at sabay kaming sumigaw ng Cheese! Natatawa pa ako ng tinangay ulit ng hangin ang buhok ko sa sobrang lakas. Agad kaming pumasok sa loob at nagdesisyon ng umuwi dahil pagabi na.

Napadaan kami sa food court at dun na kumalam ang tiyan ko. Natatawa niya akong hinila para kumain.

Nasa gitna na ako ng pagkain ng napahinto ako. Napansin ko na lang na nabitawan ko na ang kutsara ko. Napatingin sa akin si Not-not saka tumingin sa direksyon kung saan ako nakatingin.

There he is...with a little girl. Bumigat ang paghinga ko at nagsimulang sumikip ang dibdib ko.

"Tin-tin?" agad akong dinaluhan ni not-not

Kung hindi pa kami aalis dito, baka hindi ko na mapigilan. I would definitely brake down.

Matagal ko silang tinitigan. They look happy. Agad akong napaiwas ng napunta ang tingin niya sa akin. Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palayo. Narinig ko ang pagtawag niya pero nagtuloy-tuloy ako.

Naramdaman ko ang paghabol sa akin ni Not-not. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Shit! Ang sakit! Kung anak niya yun, ibig sabihin na may iba nga siyang babae. Shit naman pa!

"Tin-tin, slow down" habol sa akin ni Not-not

Nagsimula akong humikbi. Di ko kaya...

"Ano ba! Jasteine! Gumising ka nga! Wala na ang papa mo" sigaw sa akin ni mama habang mahigpit na hinahawakan ang dalawa kong balikat.

"Ma, hindi ako naniniwala. Mahal ako ni papa. Di niya ako iiwan" naiiyak kong sabi

"Kung hindi nga niya tayo iniwan, nasan siya ngayon?! Diba wala!"

Wala akong nagawa kundi maiyak sa sobrang sakit ng sinasabi ni mama. Pagkatapos naming umalis sa bahay ni papa ay bumalik kami muli ngunit wala na siya pati ang mga gamit niya.

Teimothy's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon