Part Eighty-Five

40 2 1
                                    

***Eunji POV***

Yung daan tinatahak ko. Ibang-iba sa nakasanayan ko. Yung mga naririnig ko mga ingay kahit malayo pa ako. Ngayon wala na at sobrang tahimik na. Napabuga na lang ako ng hangin.

Saka ako nakarating sa tapat ng classroom na papasukan ko. Napatingin sakin ang iilan mga estudyante narito. Pero agad din sila nagbawi ng tingin. Naging abala muli sa mga papel na nasa desk nila.

Well, nakakapanibago. Yung special A kasi sa twing nadadatnan ko. Nagkakagulo sila, akala mo nasa palengke at hindi sila nauubusan ng kwento. Hindi ko mapigilan maikumpara at mamiss sila.

Hindi ako sanay ng ganito.

"Miss Yoon Eunji" -jonghyun na tumayo from his seat para lang lapitan ako.

"let's talk outside" -he said at nauna nang lumabas ng room. Mas pinili ko na muna sundan sya. Saka ko na ibababa sa desk ko yung bag ko pagtapos na kami mag-usap.

Lumayo-layo kami sa room. Hindi ko alam kung bakit kailangan nya ako kausapin ng one-on-one. Wala ako ideya.

"magbibigay lang ako ng kaunti kaalaman ko tungkol kay jaehwan" -panimula nya

may spark of interest na nangibabaw sa mga mata ko. Handa ang mga tenga ko makinig.

Tumingin muna sya sa malayo. Saka nagbalik ng tingin sakin.

"alam mo na siguro na anak sya ng school director na ngayon ay congressman ng bansa?" -he asked

"alam ko na" -sagot ko

Hindi ko alam yun nung simula. Nung banda kalagitnaan ko lang nalaman.

"Dahil sa maganda grades mo at estado mo sa buhay. Gagamitin ka rin nya for political purposes. Tulad ngayon ginagamit nya si jaehwan para makakuha pa nang mas marami suporta. Nakita ko kasi sa isang balita si jaehwan. Naaawa ako sa kanya na imbis na nakakapasok sya sa eskwelahan tulad natin ay kailangan nya maging props sa show ng ama nya" -he said

napayuko ako dahil nalulungkot ako habang iniisip si jaehwan. Sigurado miss nya na rin pumasok.

"hindi mo naman siguro iniisip na kakampi sya ng dad nya at tumutulong sya?" -he asked

agad ako tumingin sa kanya at umiling-iling.

"kahit kailan hindi ko pinag-isipan ng masama si jaehwan" -i said

"mabait sya~ sya lang din ang tangi nakikipagcommunicate sa class namin sa panahon may war pa yung advance at special" -he said

"mabait nga sya"-pag agree ko

"Actually sya yung creator ng page ng school. Pero pinahawak nya sa advance class iyon. Kaya mostly post dun naka-side samin. Pero yung post dun na mala-poem and kinda confession sya may gawa nun" -he said

Pagkatapos ko malaman iyon.



Inantay ko magbreak para makabisita sa school page. Habang naglalakad sa corridor. Busy ako sa phone ko at di tumitingin sa daan. Ini-iscroll yung page na ang pinaka latest post eh yung mga magaganda kuha nung school fair. Pinasadahan ko ng tingin yung mga picture. Napahinto ako sa isang larawan at napangiti. Yung picture na ninakawan lang naman ako ng kiss ni jaehwan.

Hindi ko pa sya napapagalitan sa ginawa nya. At wala ako pagkakataon magawa iyon. Kahit nga makausap sya ay pala-isipan na sa akin kung kailan ko magagawa ulit.

Ini-reload ko ulit yung page at may nag-appear na new post. Nahinto ako sa paglalakad ng mabasa iyon.

"Eunji!" -woojin voice

I Promise U (I.P.U) Book 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon