Noong Haiskul

134 10 0
                                    


Sisimulan ko noong araw na nag-enrol ako

Ang daming tao tanong ko magiging kaklase ko ba ang lahat ng ito?

Halatang-halata sa mukha ang pagkasabik

Na makapag-aral at makipag-kaibigang muli.


Pagpasok ko sa unang araw

Ang kilos hindi pa ganap na dalaga

Mag-salita, umupo, mag-lakad at manamit ay tilaba't ang bata pa

Ngunit alam kong nasa punto pa ako ng aking pagdadalaga

Kaya alam kong ayos lang kung di pa ako ganap na dalaga

At hindi iyon minamadali dahil alam kong darating din ako roon.


Sa aking pagpasok sa unang araw ko

Nalungkot dahil nasa huling pangkat ako napunta

Puro maaarte at tamad daw ang aking makikita at makikilala

Ngunit tila nag-kakamali yata sila ng akala

Dahil matitino at mas-mababait ang aking mga nakasama.


Sadyang mang-husgas lamang ang mga tao

Kahit hindi pa man nila nakikilala ang isang tao may sarili na silang hukom

Masasama at hindi maganda ang mga pag-uugali

Ngunit sadyang mali sila ng kanilang akala.


Sa paglipas ng mga araw mas nakilala ko ang aking mga kaklase

May mga sadyang sikat sa kalalakihan

May mga sadyang may itinatagong katalinuhan

May mga sadyang palakaibigan lang

Mayroon ring mahiyain at sadyang walang imik kung hindi mo kakausapin

Ngunit masasabi kong mas masaya ang naging kalagayan namin

Dahil sadya atang napunta sa huling pangkat ang mga makukulit

Maiingay man ay sadyang mababait iba sa akala ng marami.


Hanggang sa magkaroon ako ng hinahangan

Na hinahangaan rin ng ilan sa mga kaibigan ko

Na halos sinusundan pa namin na para kaming stalker

Nakakatawa man ngunit sadyang dumating din kami sa ganoong sitwasyon.


Ngayong naalala ko ang lahat noong haiskul

Sadyang marami rin pala akong nakilalang iba't ibang klase ng tao

Na mas nagpatatag ng aking hinaharap sa ngayon

Na kahit sa likod ng mali nilang pag-aakala

Sadyang ang huling pangkat pa namin ang may magandang hinaharap sa ngayon.


Marami mang nanghusga

Nanglait at nangmata noon

Sila itong tumitingala

Humahanga at nagmamalaki samin sa ngayon

At ang tanging masasabi ko lang

Salamat sa mga alaala ng kahapon.


JR and QJS



Dreams UnfoldWhere stories live. Discover now