2

20 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako kapag naaalala ko iyong nangyari noong isang gabi. Ewan, pero natuwa kasi talaga ako roon sa lalaki. Medyo masakit lang sa part na sinabihan niya ako ng maganda, pero dare lang pala. Sabagay, asa pa akong may magagandahan sa akin. Saka, considering iyong itsura ng lalaki, imposibleng magandahan naman sa akin iyon.

Dahil wala pang klase ngayon, walang masyadong ganap sa buhay ko, puro bahay at trabaho lang ako. Next week pa ang simula ng klase. Nasa trabaho ako ngayon at alas-diez na rin nang gabi. Dalawang oras na lang at makauuwi na rin ako.

Walang masyadong tao ngayong gabi, 'di tulad noong mga nakaraang gabi kaya naisipan kong mag-inventory na lang muna.

Nasa may bread section ako nang tumunog iyong wind chime na nakasabit sa pinto, hudyat na may pumasok. Iniwan ko agad ang ginagawa ko at bumalik sa may counter. Iyong lalaking pogi noong isang gabi ang pumasok. Saglit lang siyang kumuha ng bibilhin niya at nasa counter na siya.

Pinunch ko ang kape na nasimulan niya ng mahigop at dalawang balot ng tinapay.

"Ninety-three pesos po, Sir."

Kinapa-kapa niya ang bulsa niya at mukhang problemado siya dahil wala siyang mahanap na pera.

"Sir?" pagtawag ko sa atensiyon niya.

"Uh, sorry Miss. Naiwan ko ang wallet ko." Nagkamot siya ng batok.

"Pero kasi Sir, nai-punch na po, e. Saka nainuman mo na 'yong kape," medyo alinlangan kong paliwanag sa kanya na sana ay maintindihan niya. Hindi kasi kami puwedeng mag-void ng nai-punch na.

"Ah... Ano, Miss, baka p'wedeng pautang na lang? One hundred pesos lang," nahihiya niyang sabi. At ako, nabibigla ako. Nahalata yata niyang nanlaki ang mga mata ko. "Promise, babayaran ko rin bukas!" sabi niya agad. "Shit!" Narinig ko pa ang mahina ngunit mariin niyang mura. "Wala akong I.D. Ah... Iiwan ko na lang itong cellphone ko."

Napabuntong hininga na lang ako at ibinigay sa kanya iyong binili niya na technically ay binili ko. Hindi ko kinuha ang cellphone niya na mamahalin.

"Thank you, Miss Smile." Tinawag na naman niya akong Miss Smile. Bakit ba iyong nasa mask ko ang binabasa niya at hindi iyong nasa nameplate ko? Tipid na lang akong ngumiti kahit hindi niya nakikita. "Promise, babayaran ko 'to," he assured me bago umalis na.

Sa isip-isip ko, babayaran daw niya, pero hindi man lang niya sinabi ang pangalan niya. Nailing na lang ako. Ang galing din ng lalaking iyon, e. Gusto yata talagang maisip ko lagi, e at inutangan pa ako.

Bumalik ako sa pag-i-inventory. Pumupunta sa counter kapag may dumarating na customers. Sa ika-limang pagbukas ng pinto, si Jackson na ang dumating at doon ko lang namalayan na alas-onse na rin pala.

"Good evening, Yumi!" masayang bati ni Jackson. Ang ganda ng ngiti niya. Gaya ni Jason, guwapo rin siya, ang kaibahan lang, hindi siya tulad ni Jason na guwapo rin ang hanap. May pagka-babaero ang datingan ni Jackson, pero hindi naman. Torpe nga, e.

"Uy," tipid kong bati sa kanya at ngumiti.

Dumiretso siya sa staff room at ilang minuto lang ay kasama ko na siyang nagbibilang ng mga paninda.

Nang matapos kami ay bumalik na kami sa may counter. Mabilis lang lumipas ang isang oras. Bago ako mag-out ay binilang ko muna iyong itu-turnover kong sales sa kanya. Nang binilang ko ay kulang ng ninety-three pesos.

"Oh, bakit? Short ka?" tanong ni Jackson sa akin nang mapansin na hindi tally iyong binibilang kong pera sa sales report.

"Ah, hindi," sagot ko nang maalala na may umutang nga pala sa akin. "Idaan ko na lang mamaya bago ako lumabas iyong kulang," sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya at inasikaso iyong dumating na customer.

But I Still Want YouWhere stories live. Discover now