8

13 2 1
                                    

Naging magaan ang mga sumunod na araw para sa akin.

Kapag magkasabay ang shift namin ni Jansen ay lagi siyang nauunang pumasok sa akin kaya naman laging ngiti niya ang sumasalubong sa pagdating ko.

"Nasabi ko na ba sa 'yo?" biglang tanong niya sa akin isang araw.

"Ha? 'Yong ano?" takang tanong ko naman pabalik.

"Na bagay pala sa 'yo 'yang ayos mo," nakangiti niyang sagot.

May required kasi na ayos dito sa shop. Kailangan naka-pusod ang buhok at kailangan maglagay nang kaunting kulay sa mukha para raw maging mas presentable. Ayaw ko man ay wala akong ibang choice kundi ang sumunod dahil kailangan ko ng trabaho.

"Ewan ko sa 'yo!" sabi ko sa kanya bago dumiretso sa may staff room para hindi niya mahalata 'yong ngiti ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nasasanay na kasi ako sa presensya niya.

I am happy, but I'm scared at the same time.

Pero sabi ko sa sarili ko, hahayaan kong maging masaya 'yong sarili ko. Alam kong parang panaginip lang ang lahat ng nangyayari, at kung gano'n nga, ayaw ko munang magising.

Nakakita ako ng papel na may sulat isang gabi na sabay ang shift namin—parehas kaming 3pm-10pm.

"Mahilig ka pala sa tula?" tanong ko sa kanya matapos kong mabasa 'yong nakasulat sa unang papel.

"Ang ganda ng penmanship mo, ha," sabi ko pa matapos makita 'yong ikalawang papel na may nakasulat na tatlong "But I Still Want You", title 'ata ng tula, sa magkakaibang fonts.

'Yong una, makapal 'yong pagkakasulat; 'yong ikalawa naman medyo cursive; at 'yong ikatlo manipis naman 'yong pagkakasulat. Gano'n ba talaga kapag fine arts student? Maganda pati sulat-kamay?

"Ha? Anong tula?" Babago 'ata nag-sink in 'yong tanong ko sa kanya.

"Ito, oh." Inabot ko sa kanya 'yong papel.

"Ah, hindi 'to tula. Kanta 'to," paliwanag niya.

"Gawa mo?"

"Hindi. Ano, Korean song kasi 'to tapos sinearch ko 'yong English version. Saulo ko na kasi 'yong Korean or original version, gusto kong isaulo rin 'yong English," sagot niya.

"Ah... May gig ka ulit doon sa bar?"

"Yep. At natapat na naman sa K-Pop night kaya ayan kailangan magsaulo ng K-Pop song. Wait," paliwanag at paalam niya bago pumunta sa staff room.

Pagbalik niya ay dala niya 'yong gitara niya at umupo siya sa may p'westo sa tapat ng counter kung nasaan ako.

Kaunti lang naman ang naglalabas-pasok na customers ngayon. Maya-maya pa siguro dadami ulit.

"Yumi, kanta ko 'to sa 'yo," sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Kung hindi lang siya tumawa ay iisipin kong seryoso siya.

Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara at kumanta.

"But this is my fate,
Don't smile on me
Light on me,
No, I can never take another step to you,
Don't have a name to call me by anymore,"

Nakapikit siya habang kumakanta na parang damang-dama niya talaga 'yong kanta.

"You know that I can't
Show you me,
Give you me
The weaknesses I hide
You can never see,
I wear a mask again
So I could see you,"

Ramdam ko 'yong lungkot ng kanta. Akala ko tapos na nang dumilat na siya, pero nang magtagpo ang mga mata namin ay itinuloy niya ang pagkanta.

"But I still want you
Ohh~
I still want you,"

Hindi ko alam kung bakit pero may ibang dating 'yong kinanta niya. Na parang siya 'yong sumulat ng kanta base sa nararamdaman o pinagdadaanan talaga niya.

Nakarinig kami ng palakpakan na ipinapagsalamat ko dahil naputol niyon ang titig ni Jansen sa akin. Nanonood pala 'yong mga customers.

Nakipalakpak din ako nang lumapit na siya sa counter. First time ko siyang nakita at narinig na kumanta at masasabi kong maganda 'yong boses niya. Medyo malalim 'yong boses niya bagay sa kanya.

"Ang galing mo," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ay, thanks," parang nahihiya niyang sagot.

"Ang lungkot naman ng kinanta mo kanina," komento ko. Naglalakad na kami paalis ng coffee shop.

"Ah, kasi ano, naka-relate lang ako." Tumawa siya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro.

Paanong naka-relate siya? Sabi niya para sa 'kin 'yong kanta. Naguguluhan ako sa mga pinapahiwatig niya, parang gusto niya ako, pero bawal. O gusto niya ako pero 'di niya matanggap na gusto niya ako? Ewan.

"Lalim naman ng iniisip mo," puna niya nang hindi na ako magsalitang muli. "Mabuti pa, sama ka na lang sa 'kin. Nood ka. Kakanta ako. Para mapakinggan mo nang buo 'yong kanta."

"Ay, gustuhin ko man, hindi ako p'wede ngayon, e," pagtanggi ko sa imbitasyon niya. Sayang naman. Gusto ko siyang makita at marinig pang kumanta pero may kailangan akong gawin na requirements sa school.

"Sayang naman," nanghihinayang niyang sabi bago huminto sa paglalakad. "Oh, sakay ka na. Hindi kita maihahatid ngayon, e."

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Hinila niya ako at pinasakay sa tricycle.

"Hala, maglalakad na lang ako," sabi ko sa kanya, pero pinigilan niya ako.

"Tsk. 'Wag nang makulit." Tumingin siya sa driver. "Kuya, ito na bayad niya, oh. Paki-ingatan po, ha?" bilin niya sa driver.

"Opo, Ser. Iingatan ko si Ma'am para sa inyo," sagot naman ng driver na ngiting-ngiti habang ako, e hindi mapakali sa kaloob-looban ko dahil sa pinagsasabi nitong Jansen na 'to.

"Ingat, Yumi! Kitakits bukas!" paalam pa niya bago tuluyang makaalis ang tricycle sa paradahan.

Kinabukasan ay nauna naman akong pumasok sa kanya. Siguro masyado siyang puyat at pagod sa gig niya kagabi.

Nag-check ako ng stocks. Kaunti na lang 'yong packs ng kape at ibang condiments kaya pumasok muna ako sa stock room para kumuha ng stocks.

Ubos na 'yong stocks ng kape na nasa baba lang kaya sinubukan kong abutin 'yong box ng kape na nasa itaas na parte ng istante.

Napapikit ako at mabilis na napahawak sa ulo ko nang maramdaman kong mahuhulugan ako ng box na inaabot ko dahil hindi ko natantiya 'yong bigat. Inaasahan ko ng mahuhulugan ako ng box, pero naramdaman kong may mabilis na pumunta sa p'westo ko at pinigilan ang inaasahan kong pangyayari.

Pagdilat ko ay hindi ko pa alam kung sino 'yong bagong dating dahil nakaharap ako sa istante kaya naman ay unti-unti akong humarap.

Si Jansen.

Sigurado akong naibalik niya na sa ayos 'yong kahon, pero nakahawak pa rin siya sa istante sa kabilaang gilid ko.

Masyadong maliit ang espasyo sa pagitan namin.

Masyado siyang malapit.

Tumingala ako para tingnan siya sa mukha para makita kung anong reaksyon na meron siya.

Seryoso lang siya.

"Salamat," sabi ko pero wala akong natanggap na kahit anong salita mula sa kanya sa halip ay nakatitig lang siya sa mukha ko.

"Ano, paabot na lang 'yong box ng kape, kaunti na lang kasi—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapansin kong unti-unting lumalapit 'yong mukha niya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin, pero nang sobrang lapit na talaga ng mukha niya ay napapikit na lang ako at naghintay ng susunod na mangyayari.

But I Still Want YouWhere stories live. Discover now