7

16 2 0
                                    

Alam mo 'yong awkward? 'Yon 'yong nararamdaman ko ngayon. I usually feel awkward around people whom I am not close with kaya hindi ko alam kung bakit nao-awkward ako around Jansen. Close naman na kami, ah? O, close pa ba kami? Hindi ko na rin alam. Isang buwan lang siyang 'di nagparamdam pero kasi pakiramdam ko biglang sobrang lumayo ulit ako sa kanya. Bakit? Siguro dahil pakiramdam ko hindi talaga ako nakalalapit pa sa mundo niya.

I only know the things that he made visible for me to see and the things that he let me know. Kapag nagkakausap  kasi kami, madalas siyang magtanong tungkol sa akin. Nakuwento ko sa kanya na nanay lang ang mayroon ako sa buhay ko at bunga lang ako ng isang pagkakamali. Ewan ko, pero I feel comfortable with him kaya na-share ko sa kanya 'yong gano'ng bagay. Saka he made me feel like he really wanted to know things about me. Alam mo 'yon? 'Yong pinaramdam kasi talaga niyang interesting akong tao. Sinabi ko rin sa kanya 'yong dahilan sa likod ng pagsusuot ko ng mask and he convinced me that it's more okay to show my face to the world. Hindi naman daw ako pangit tulad ng iniisip at sinasabi ko. Marami siyang tanong tungkol sa akin and he barely gave me a chance to ask things about him. Parang ayaw niya kasing mag-open masyado. Ang limitado ng mga pinapaalam niya. Ilan sa mga nalaman ko tungkol sa kanya ay graduating student siya ng fine arts. He's twenty four years old now. At nalaman ko rin na nag-shift siya from Business Administration to Fine Arts kaya inabot siya ng gano'ng edad bago maging graduating student. Bale, maglilimang taon na siya sa college. About sa family naman niya ay wala akong masyadong alam bukod sa buhay pa both of his parents and his older brother. He's living independently. Ewan ko lang ngayon, kasi noong sinubukan ko siyang puntahan sa inuupahan niya noong hindi siya nagpaparamdam, ang sabi ng dorm mate niya ay ilang araw na rin siyang hindi umuuwi roon. Another thing, he's also a working student. He's self-supporting himself. Noong una ayaw kong maniwala kasi wala sa itsura niya. Sa unang tingin kasi ay aakalain mong anak-mayaman siya.

Bukod doon ay alam ko rin na ang paborito niyang porma ay either long sleeves, shirt with jacket or sweatshirt sa pang-itaas at jeans sa pang-ibaba na paparesan niya ng rubber shoes na halata mong branded gaya ng suot niya ngayon habang nakasandal sa may pader sa gilid ng coffee shop na parehas naming pinagtatrabahuhan ngayon. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya, eh mas maaga ng isang oras 'yong out niya sa akin since training pa lang niya.

Lumingon siya sa akin. Napatitig kasi 'ata ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko bago tumuloy sa paglalakad. Hindi ko pa alam kung paano siya papansinin kaya lalampasan ko na lang sana siya, pero tinawag niya ako.

"Yumi," tawag niya sa pangalan ko na nagpahinto sa akin. Humakbang siya palapit sa akin, pero hindi ko siya kinibo.

"Nag-lunch ka na ba?" tanong niya at umiling ako bilang sagot. Parang bumalik kami sa simula na hindi kami close.

"Sabay na tayo," kaswal na pagyaya niya na akala mo ay hindi siya biglang nawala nang isang buwan.

"Ah, ano, kasi..." Nag-isip ako ng palusot. Hindi ko pa siya kayang pakiharapan ngayon. Kanina nga sa loob, ipinagpapasalamat kong nagti-training at ino-orient pa siya, e. Hindi ako nahirapang iwasan siya. "May lakad kami ni Jason." Sa wakas ay nakaisip ako ng palusot. Pupuntahan ko na lang si Jason para hindi ako magmukhang sinungaling if ever maisipan niyang sundan ako o makita niya ako.

"Ah, gano'n ba? Sayang naman. Bukas na lang pala."

"Ha?" Ano? Bukas daw? "Ano, una na ako," pagpapaalam ko na lang at dire-diretsong naglakad.

"Talaga, Girl?!" Hindi rin makapaniwala si Jason nang sabihin ko sa kanyang nakita ko na ulit si Jansen at katrabaho ko pa nga.

Hindi ko rin talaga akalain na magiging magkatrabaho kami ni Jansen. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Kasi, I'm already decided to forget about him and just be grateful for having someone like him in my life because it felt surreal. Parang sa panaginip lang 'ata ako magkakaroon ng ka-close na tulad niya. Yes, I have Jason and Jackson in my life and I am more grateful for having them. Pero kasi si Jansen, gusto ko siya. Yes, I already admitted it within myself, na crush ko siya, na gusto ko siya. So, it felt like a dream na maging ka-close 'yong taong gusto mo. Nalungkot ako nang biglang 'di siya magparamdam, pero I reminded myself that maybe this is my fate.

But I Still Want YouWhere stories live. Discover now