Chapter 7

5.2K 139 1
                                    

"Tita!"ang masayang tili ni Starre ng makita itong nakatayo sa arrivals exit. Kung saan may nakaharang na bakal para sa hangganan ng mga naghihitay na kamag-anak.
"Starre? Is that you? "Ang paniniyak nitong wika kg lapitan nya.
Di sya nito namukhaan agad kung di sya muling nagsalita.
"Yes of course Tita! Your one and only niece! "Ang wika nya. Sabay yakap dito at humalik sa pisngi nito.
"Oh, di kita agad namukhaan iha. Umiba kasi ang kulay ng buhok mo. Bakit mo pinakulayan. Nagmukha ka na tuloy dayuhan dito sa pinas! "Ang bulalas nitong di pa rin makapaniwala.matapos  Silang maghiwalay. Inilayo pa sya at muling hinagod ng tingin.
Pinasadahan sya nito mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng skinny jeans na white. Pink halter top na hapit sa katawan. Saka pinaresan ng stilletong itim na sapatos. Lalo syang tumangkad sa taas ng suot na sapatos.
Hila nya sa kamay ang kanyang dalawang luggage. Maliit lamang ang isa na ipinatong nya sa malaking travelinh bag.
"Si Tita talaga. Tatlong taon lang nman akong nawala rito."ang natatawa nyang sabi.
"Oo nga. But sa Tatlong taon na iyon malaki na ang ipinagbago mo. Look at you now, You look like a foreigner!"ang masayang wika nito.
"A beautiful stunning foreigner!"ang napangiti nitong wika.
Napatawa na lamang sya at muling npayakap rito.
Masaya silang umalis sa airport. Ito ang nagmaneho ng sasakyan nitong dala. Nagprisinta syang magmaneho ngunit di ito pumayag baka raw maligaw sila.
Natawa na lang sya habang lulan ng honda civic nito na kulay maroon.
Dalawang araw lamang silang nagkasama dahil ng sumunod na araw lumipad na sya patungong iloilo. Naroon ang matanda naging dahilan ng kanyang bakasyon. Ayaw pa sana sya payagan ni Greg. Ngunit dahil di sya nagbakasyon sa mga panahong nagtatrabaho sya rito never nyang nagamit ang kanyang vacation leave.
  Isang buwan na bakasyon ang ibinigay rito. Kaya nman natuwa sya. Dahil medyo matagal tagal rin ang kanyang pahinga sa trabaho. Plan nyang makasama ang Tita nya ng matagal pupunta sila ng palawan pagkatapos ng bakasyon nya sa place ni lolo Florence Aquinita. Isa ito sa mga may malalapad na sugar cane sa kanilang lugar. Mayron itong malaking asukarera. Kung saan sya nagtrabaho bilang assistant nito.
Nang magtapos sa kolehiyo, sa kursong komersyo. Ito ang unang nag-alok ng trabaho sa kanya. Tinanggap nya iyon. Minsanan lang sila kung magkita. Sa Manila sya nag-aral simula ng mamatay ang ina.
Nagbabaksyon lamang sya roon noong panahong buhay pa ang kanyang lola Carmela. Pangalawang asawa ni lolo Florence.
Itinuri syang tunay na apo. Mayron itong isang anak na babae. Anak nito sa unang asawa. Si Laila. Mabait ito. Tanggap nito ang lola at mama nya. Minsan nga lang nya itong makita kasi nasa ibang bansa ito namalagi kasama ng anak nito.
Nakilala nya lamang ang pamilya ni lolo Florence ng mabuti noong magkasakit ang matanda. Napauwi si laila kasama ang nag-iisa nitong anak na si skyye.
Si Skyye Morrison. Half Australian and half pinoy ngunit ang mukha ay namana sa ama nito.
Ang lalaking unang nagpatibok ng bubot pang puso noon ni Starre. Akala nya nahanap nya na ang taong magmamahal sa kanya ng  wakas ngunit mali pala ang sapantaha nya. Dahil ito pala ang unang lalaking bumasag sa mala kristal nyang puso.
Naputol ang pagbabalik tanaw nya ng magsalita ang piloto ng kinalululanang eroplano. Ilang sandali na lamang raw ay lalapag na sila.
   Di nya maalis ang lalaki sa isipan.
Kaya nagpatuloy ang pagbabalik tanaw nya sa nakaraan.
Ilang buwan na syang nagtatrabaho bilang assistant ni Florence sa asukarera ng magbakasyon ang mga ito sa pilipinas.
Sa unang pagkikita nila nakaramdam na sya ng kakaibang atraksyon rito.
Isnabero Ito at di sya kinakausap. Makulit lang sya kaya napipilitan itong magbuka ng bibig.
   Ito ang pansamantalang namahala sa negosyo ng Matanda noong panahong may sakit si lolo Florence. Masungit ito sa workplace nila. Parating nakaangal sa trabaho nya .
Kaya nagulat sya ng bigla na lamang ito bumait. Kinakausap na sya. Sinasabay patungo sa pagawaan ng asukal.
   Hanggang inalok sya nito ng kasal kalaunan. Na agad nyang tinanggap dahil minahal nya na ito sa iksi ng panahong magkasama sila.
Akala nya may gusto rin ito sa kanya kaya ito nag-alok ng kasal.
Ngunit kung anung bilis ng pag-alok nito ng kasal sa kanya. Sya ring bilis ng pagbawi nito ng alok.
Halos maloka sya sa isiping iyon .
Nabigla lamang siguro ito ng alukin sya ng gabing iyon. isang araw bago ito muling babalik sa ibang bansa. Dahil pagkagising nito muli nitong binawi ang alok nitong kasal.
Di nya malilimutan ang mga katagang sinabi nito sa kanya.
"Am sorry Tarre, but I cannot marry you. Am not ready to tie myself in a marriage. I didn't mean to offer you my name! "Ang seryoso at pormal nitong wika sa kanya.
  Para naman syang pinagsakluban ng malaking bato ng asukal na di nya kayang alisin sa kanyang katawan. Kinapos sya sa paghinga Ngunit di sya nagpahalata. Di rin sya nakapagsalita. Tila may bumikig sa kanyang lalamunan. nakatingin lamang sya sa mukha nito.
    Walang emosyong naipalabas. Gaya noong mawala sa kanya ang ina. Di sya napaiyak. Huli na noong nakaalis na sila ng hospital saka pa lang sya umiyak. Mahilig syang magtago at magkimkim ng emosyon.
   Walang imik syang umalis sa harap nito ng umagang kausapin sya nito. Saka nya lang pinawalan Ang sakit ng dibdib nya ng makapasok sya ng sariling silid.
   Nang pinatawag sya ng matanda para saluhan ang mga ito sa pagkain. Ang masayahing Starre pa rin ang nakaharap ng mga ito.
  Bakas pa nga sa mukha ng lalaki ang pagkagulat ng kaswal nya pa rin itong kausapin na para bang walang nagyari sa pagitan nila.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon