Chapter 17

4.2K 121 2
                                    

Simula ng dumating ang bagong fiancé ni skyye sa bahay ni lolo Florence. Iniwasan na din ni Starre ang lalaki. Ayaw nyang makasira ng relasyon. Saka kung anuman ang naging relasyon nila noon at dapat na nilang kalimutan. Tapos na iyon at para sa kanya di na dapat pang balikan.
Di nman iyon ang tinungo nya sa pilipinas. Di nya lang maintindihan ang ipinapakitang interest ni skyye sa kanya bago dumating ang nobya  nito. Meron na nga itong fiancé pero nakukuha pa nitong landiin sya na ikinainis nya rin sa sarili. Gusto nyang kutasan ang sarili sa nangyaring eksena sa kanyang silid noong araw na dumating ang nobya nito.
Sa mga araw na papalapit ang kaarawan ng  matanda lalo lamang nyang iniiwasang magtagpo ang landas nila ni skyye.
Minsan tila sinasadya nitong ipakita kung paano maglampungan ang dalawa kapag nasa paligid sya.
Nahuhuli nya pang kahit kandong nito ang girlfriend sa kanya nman nakatuon ang mata ng lalaki. Minsan gusto nyang dukutin iyon sa sobrang inis nya.
Pinapamukha nito na mas bagay ito at ang fiancé nito ngayon.
Mabuti na lamang at nandyan sa paligid ang pinsan nito.
Kaya lihim nyang ginamit din ang lalaki para magantihan man lang kahit papaano si skyye.
Malambing kasi ang lalaki kaya magaan ang loob nya rito. Alam nyang may gusto ito sa kanya noon pa man ngunit tinapat nya na ito unang araw pa lang itong nanligaw sa kanya noon. Ngayon purely friends na lang ang tingin nito sa kanya. Tinago na nito ang paghanga sa kanya noon na nagpadama ng ginhawa sa kanya.Ayaw nyang magpaasa ng tao habang di pa ito tuluyang  mahulog sa kanya. May girlfriend na din nman ito na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Namasyal sila kahit saan. Minsan kasama nila si Rigor. Magkaibigan na silang dalawa kaya everyday nya itong katawagan sa phone. Crush raw nito si darren kaya marating silang inaayang mamasyal sa farm ng huli.

Hindi pala nya talagang mapigilang wag magsanga ang landas nilang dalawa ni skyye.
Pareho silang invited sa party major sa bayan nila. Tito iyon ni rigor samantalang matalik na kaibigan nman ni lolo florence ang alkalde.
Mag-isa syang naiwan sa mesa dahil umalis ang dalawang lalaking kasama nya kanina. Ang lolo at tita laila nila ay kausap ng alkalde. Magkakasama sila kanina nina darren sa pagtungo room. Nahuli ang magkasintahang skyye at fiona dahil di pa natapos ang huli sa pag-aayos ng sarili.
Akala nya naggown ito sa sobrang tagal yun pala kakarampot na tela lang din nman ang isinuot at inabot ng ilang oras sa pag-aayos ng sarili.
Sya simpleng huggable long dress na silver ang suot na hanggang sakong.  Sleeve less iyon at bakat ang kurba ng kanyang katawan. May slit iyon na mahaba sa kanang legs.  Showing her right legs if she walk. Nagulat sya ng may may humarang sa vision nya. Kaya nman napikitan syang magtaas ng tingin sa taong nakaharang sa harap ng table nila.
"Why you're wearing that daring dress?"ang sita ng lalaki bakas ang tinatagong galit sa sarili pero ramdam iyon ni starre.
"At sino ka para sitahin ang suot ko? "Nakataas kilay nyang pagtataray rito. Nakahalukipkip syang nakatingala sa lalaki.
"Di ka ba nahihiyang halos hubaran ka na ng tingin ng mga kalalakihan rito? "Painsultong wika nito. Disgusto ang mukha nito ng hagurin sya ng tingin.
        "If you don't want to see my face and the dress am wearing don't stare at me! Why don't you just pretend we don't know each other Skkye? Anu bang pakialam mo sa akin huh? Di nman kita kuya at lalong di kita boyfriend or fiance!"ang pauyam na sabi ni Starre sa kanyang ex fiance.
    "How can I do that when you always around? Wearing that seductive dress. I swear I can kill someone here if I saw them staring at you like they having this sex scene in their minds!"Ang gigil na sabi nito pigil at timpi ang galit ng kaharap.
  "Kesa sa akin ka magbantay bakit di ang girlfriend mo ang sitahin mo sa suot nya? Saka pwede ba, don't leave your girlfriend's side and try not to glance at me.! "Ang malamig sabi nya na lihim ding naaaliw and at the same time naiirita sa kaharap na lalaki.
Kuyom ang kamaong iniwanan sya ng lalaki at umalis sa harap nya nagkibit balikat sya saka inabot ang kopita ng red wine. Dinala sa kanyang labi saka inisang tungga ang  naiwang laman.

Bakit ba sya lang ang nakita nito? Bakit di nito sinita ang kinapos sa telang suot ng nobya nito? Sa isang banda nakadama din nman sya ng kapanalunan dahil naggagalaiti ang lalaki sa kanya.
   What a wonderful feeling to see her ex fiance so furious with her. She's free to do anything she wants now. After two years of being lonely, alone and rejected? Bakit pa ba sya paapekto sa lalaki.
   Now she  want to do any stupid acts just to annoy her ex. She wants him to realize what a fool he is dumping her like a rotten potato before. She will give him her sweet revenge making his day miserable. Paplanuhin nya paano ito lalong maggagalaiti sa selos sa mga lalaking kakasapangkatin nya sa naisip na plano.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon