Chapter 24

4K 114 4
                                    

"Iha, are you not enjoying yourself in this party? "Ang biglang sulpot na wika ng ina ni Skyye na si Laila sa kanyang likuran na nagpagulat kay Starre sa kanyang pananahimik sa isang tabi ng bulwagan.
Di nya namalayang nakalapit na pala ito sa kanyang tabi dahil medyo malalim ang kanyang iniisip dahil  sa nangyari sa kanila ni Skyye kaninang umaga. Di nya maalis sa isipan iyon.

Nasa kainitan na ng celebrasyon ng kaarawan ng kanilang lolo ang gabing iyon. Maraming malalaking tao sa kanilang lugar ang nagsidatingan ng magsisimula ng gumabi.
At dahil ayaw nyang makihalubilo sa mga bisitang iyon pinili nyang pumwesto sa medyo di mataong bahagi ng bahay ng matanda para walang makapansin kung nasaan sya ngunit napansin pa rin pala sya ni Laila.
"No, tita. I just wanted to have a privacy for a while. Lolo have lots of visitors. "Nakangiti nyang baling dito.
"Oh.. Thought you are being isolated here. If you want I can call my son-"anitong agad nyang pinigil ng akma nitong kunin ang atensyon ng anak nito.
"No! Tita, I mean no need na po. "Sabi nyang nginitian ito ng pilit at agad pinalumanay ang kanyang boses ng bigla iyong napataas kanina.
"Oh ok, thought you need a company, nandyan nman si Skyye or Farrah. They can join you here. You know what I mean iha, don't hesitate to call me if you need anything. "Anito sa kanya.
"There's no need to do that tita I'm fine and thanks but I can manage myself.. "Nakangiti nyang saad dito.
"Ok then, I'm going inside. "Anitong bahagyang pinisil ang kanyang kamay saka sya iniwanan nito. Nasundan nya na lamang ng tingin ang papalayong babae.
Pagkaalis ng babae napahugot sya ng mahabang buntong hininga pagkatapos dinampot nya ang kupita ng alak na nasa table at inisang lagok nya ang nalalabing wine sa loob niyon. Bahagya pa syang nasamid ng sumayad iyon sa kanyang lalamunan.
"Whoa! That's not the way to drink a wine beautiful lady. "May pagkamayabang na wika ng taong biglang sumulpot nman sa kanyang tabi ng di nya namamalayan.
Tila gusto nya itong singhalan at pagbalingan ng kanyang inis dahil sa pagkahiyang natunghayan nito.
Alam nyang nakita nito kung paano nya tunggain ang wine sa loob ng baso kanina. Subalit binawalewala nya na lamang iyon at umaktong walang nangyari ng harapin nya lalaking mapangahas na lumapit sa kanya.
"What do you want? "Medyo may katarayan nyang tanong dito.
"Hey! Don't be grumpy sweety..... I just want to be your friend and to know you more too. By the way I'm Simon Williams. "Pagpapakilala nito ng sarili sabay lahad ng kanang kamay nito sa kanya.
"Starre Grande. "Tipid nyang tugon sabay tanggap ng kamay nito. Bahagyang pinandilatan nya iyon ng mata ng di nito agad binitiwan ang kanyang kamay. Tumawa pa ito ng nakaloloko ng sya na mismo ang bumaklas ng palad nito.
"You're feisty! I like you. "Nakangiti pa ring wika nito sa kanya na bahagyang ikinapula ng kanyang pisngi. Akma syang sasagot dito ng may mga bisig na biglang pumulupot sa kanya bewang at mabilis syang nahapit nito papunta sa katawan ng lalaking pangahas.
"What the heck-! "Napasigaw nyang wika sabay panlalaki ng kanyang mata.
"It's me sweetheart.. "Maagap namang wika sa kanya ni Skyye sabay higpit sa pagkakayakap sa katawan nya para di sya agad makawala.
"Skyye?! You little bastard-"aniyang nagpupumiglas nyang hinarap ang lalaki nguni di nya napaghandaan ang sumunod na nangyari. Dahil sa isang iglap sakop na nito ang kanyang mga labi. Napalaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Mabuti sana kung wala silang audience but meron at ayaw nyang makagawa ng maaaring ikasira ng party ni lolo Florence kapag nagkataong masaksihan iyon ni fiona.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon