Chapter 8

5K 125 0
                                    

  Nakalabas na si Starre ng arrival exit ngunit wala pa rin ang sinaasabing sundo. Tumawag sya kay lolo Florence sinabi nitong mag-antay sya ng ilang minutes dahil nasiraan raw ang susundo sa kanya.
  Napilitan syang umupo sa upuan sa labas ng airport. Panaka nakang napapasulyap sa pambisig na relo. Wala pa rin ang susundo sa kanya sinabi ng matanda na kilala nya ang pinasundo nito. Kaya wala syang dapat ipag-alala. Malapit ng dumilim ng dumating sila. Kaya papalamig na ang hangin sa labas.
Nakasuot pa nman sya ng short na hanggang kalahati ng hita. At simpling tight shirt na white ganun din ang short. Nagsuot sya ng mahabang damit na hanggang sa kanyang tuhod. Mahaba rin ang manggas noon ngunit di nakasara ang harapan ng damit para syang jacket na mahaba. Kalimitang suot ng mga Asian girls ang kanyang get up. Maiinit sa manila ng umalis sya kaya iyon ang napili nyang suotin.
Tumunog ang phone nya kaya agad nya iyong sinagot.
"Apo, parating ng sundo mo. Antayin mo pa kunti ha, "tila ba isa syang paslit na nag-aabang ng sundo.
"Opo lolo, anu pa bang magagawa ko kundi maghintay!"ang wika nyang may halong tampo ngunit napangiti rin pagkadaka.
"Pasensya ka na. Kung pwede nga lang sana ako bumiyahe ng mahaba. Ako na mismo ang susundo sayo dyan. Kaso mahigpit ang bantay at di ako makapuslit! "Sabi nitong napahagikhik pa.
"Oh lolo, di na ako makapaghintay makita ka. Na mimiss na kita kapag naririnig ang tawa mo."wika nya.
"Sandaling oras na lamang iha. Magkikita na rin tayo. Wait tatawagan kong inutusan kong sunduin ka. "Anito na saglit nagpaalam at nawala na ito sa linya.
Muli nyang ibinalik ang phone sa dalang bag. Napatingin sa mga taong lumalabas sa exit ng airport kasama ang mahal nila sa buhay. Masayang nagyayakapan at nagkukwentuhan. Nakadama sya ng inggit bigla nyang na miss ang ama at kapatid. Masaya at malambing kasama ang pamilya ng ama kaya nakamove on sya sa kanyang love aches.
"Am here to fetch you. Get up and take your luggage. "Ang wika ng taong may baritonong tinig sa kanyang likuran.
Kilala nya ang boses na iyon ngunit parang nakapagtataka nman kung ito ang inutusan ng matandang sunduin sya.
Dahan dahan syang napalingon rito.
Gulat syang napatitig sa lalaking walang ngiting nakatingin sa kanya.
"Tititigan mo na lamang ba ako? Ayaw mong kumilos paalis rito? "Ang suplado nitong sabi sabay talikod.
Piling nya tumaas ang kanyang dugo patungo sa ulo. Di man lang sya nito tinulungan sa mga dalang gamit. Basta na lang ito tumalikod at nilayasan sya.
"God, habaan nyo po ang tali ng pasenya ko sa lalaking ito baka bigla pong maputol at di na ako makapagpigil sa aking sarili! "umuusok ang bumbunan nya habang nagsasalitang mag-isa.
Pahablot na kinuha ang traveling bag sabay hila pasunod sa lalaki.
Wala talagang modo! Antipatiko! Bago lang silang nagkita agad na sya nitong binigyan ng malamig nitong trato! Huh! Kala ng mokong na iyon ang gwapo gwapo nya! Pwe! Di na ako ang dating Starre na todo kilig sa kanya kahit nagsusungit! "Ang inis nyang pagkausap sa sarili. Kaya ng bigla itong huminto sa paglakad di nya agad iyon napansin kaya bumangga at   napasubsob sya sa likod nito.
Marahas itong napalingon sa kanya.
"Are you blind?! "Ang matalim nitong wika.
"No. Sorry I didn't mean to bump into your back. "Aniya. Pormal ang mukhang humarap rito.
Tinaasan lamang sya nito ng kilay saka binuksan ang dalang sasakyan.
Kaya nman kesa antayin nya pa itong mag-alok na pasakayin sya di nya na iyon hinintay. Kusa nya ng nilagay ang mga gamit sa likuran ng sasakyan nito saka binuksan ang passenger seat sa likuran ng driver seat. Doon sya pumwesto para di magkasalubong ang kanilang mga tingin. Baka magtapunan lamang sila ng nakakamatay na titig. Buti sana kung bumulagta ito di nman.
Halos mag-isang guhit nman ang kilay ni Skyye sa ginawa ng dalaga. Pumwesto ito sa kanyang likuran. Anu akala nito sa kanya driver nito?! Ang inis nyang anas sa isipan.
"Sit here in the passenger seat beside me. "Ang may awtoridad nitong utos sa kanya.
"No,thanks. I'd rather sit here. "Matabang nyang tanggi rito na nagpadilim ng mukha nito.
"Fine! "Anito saka pinaandar ang ang sasakyan at mabilis iyong pinatakbo. Tila sila hinahabol ni kamatayan ng patakbuhin iyon ng lalaki.
Lihim nagkukutkot ang kanyang damdamin. Kasumpa sumpa ang araw ng una nilang pagkikita muli.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon