Kabanata 1
Failed"Ano na naman 'tong kalokohan pinasok mo Elliah?!" Dad voice thundered in the four corner of my room.
And here we go again. I sighed. I didn't looked at him. Instead, I grab my earphone on the table beside my bed. I brought it to my ears and immediately picked a song on my iPad. I shut my eyes and listened to music.
Laging ganito si daddy. Papasok sa kwarto ko at sesermonan ako ng paulit-ulit. Palagi naman eh! Wala na akong nagawang tama sa mga mata niya. When my mom died, daddy was not always at home. He has always been busy with his works. Or busy with his mistress. Traveling all over the world without asking me if I want to go with him. My mom died in a car accident when I was six years old. Yun ang alam ko dahil yun ang sabi ni daddy sakin. Sobra ang iyak ko noon at halos hindi na rin ako kumakain. Pero hindi nagtagal natanggap ko rin ang pagkawala ni mommy. Pero may pagkakataon, kumikirot pa rin ang puso sa tuwing naaalala siya. Nagbago si daddy nang nawala si mommy. Pakiramdam ko may nakaharang na kongkretong pader sa pagitan naming mag-ama. Nakalimutan niya na ako. Nakalimutan niyang may anak siya. Nakalimutan niyang nandito ako at patuloy na magmamahal sa kanya.
Napadilat ako nang biglang hilain ni daddy ang earphone na nasa tenga ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"You failed all of your subjects? Really Elliah? Why are you doing this huh? Ito ba ang paraan mo para pahiyain ako ngayong eleksyon?" He continued when he didn't get an answer from me. I stared at him. Some of his hair is already white. Wrinkles on the side of his eyes. And the dark circles around his eyes indicating that he has sleepless at night. Matanda na si daddy pero kitang kita parin ang kakisigan nito.
The disappointment written all over his face. I feel like there's a heavy cement that has over my chest. I averted my gaze away. Hindi ko kayang makipagtitigan sa ama. I want to shout at him! Kung alam niya lang sana yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko gustong bumagsak! At hindi ko rin intensyon na pahiyain siya sa mga kaibigan niya. Ginawa ko 'yon dahil gusto kong bigyan niya ako ng kakaonting atensyon! Kahit kakarampot lang sana dad.
I'm sorry dad. Hindi ako ang anak na magagawa mong ipagmalaki sa mundo.
"Pack your things. Bukas na bukas uuwi ka ng sa probinsya." He said in a serious tone.
My eyes open widely. My mouth half open when I hear my dad's command. For a second, I forgot how to speak! What he just say?
"W-what? Ako uuwi ng probinsya?" I shook my head then chuckled nervously. Na para bang hindi makapaniwala sa narinig. When I noticed that he was serious, I swallowed hard. Oh my!
"W-Why? No! Y-You can't do this to me dad. Pwede iba nalang? Like, kunin mo ang mga gadgets ko, or pwede din pagbawalan mo ako lumabas ng bahay ng isang linggo." I suggested. Hoping that it works. Damn! I nibbled my lips.
Umiling lang si daddy sa akin. "No. My decision is final. So pack your things. Maaga pa ang biyahe mo bukas." saka siya tumalikod sa akin at dumeretso sa pintuan ng kwarto ko. "Huwag kang mag-alala. Masaya doon sa probinsya. Matutuwa ang lola mo pag makita ka niya, at para na rin may kasama ang lola mo sa mansion. At doon mo narin tatapusin pag-aaral mo."
Iniwan ako ni daddy na tulala at hindi pa nagpro-proseso sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. See what you did to yourself? Ikaw mismo ang nagdala sa sarili mo doon sa boring na probinsya na 'yon! No, no, hindi maaari to. Hindi maaari to!
Pabalik-balik lang ako ng lakad sa loob ng kwarto at nag-iisip kung anong pwedeng gawin para kumbinsihin ang ama na wag na ituloy ang pagtapon sakin sa probinsya. Pero tangina, sampung minuto na ata ako palakad lakad pero ni isang plano walang pumapasok sa utak ko!