Kabanata 3
IlogNagising ako dahil sa ingay ng alarm clock na nasa side table ko. Kinuha ko ito at agad pinatay. Kinusot-kusot ko ang aking mata saka bumangon. Anong oras na ba? I glanced on the wall clock. Alas syete pa lang pala ng umaga.
Bumangon ako at dumiretso sa veranda para lumanghap ng sariwang hangin. May naririnig akong ingay sa ibaba kaya naman dinungaw ko ito at napansin kong may isang lalakeng na nakatopless roon na nagsisibak ng kahoy. Nakatalikod ito kaya hindi ko kita ang kanyang mukha.
Medyo nagtagal ang paninitig ko sa likod niyang kumikislap-kislap sa pawis dulot sa sinag ng araw. Kaya naman ganon ang abot-abot ng kabog ng puso ko nang bigla nalang itong nag-angat ng tingin sa kinaroronan ko. Agad akong umatras. Muntikan na ako don ah? May mata ba siya sa likod? O ganon na lang kainit ang paninitig ko sa kanya. Baka isipin non pinagnanasahan ko ang likod niya. Umiling ako. Makaligo na nga lang.
I quickly stripped my clothes and took a bath. Nagbabad pa ako ng ilang minuto sa bathtub bago nagpasyang umahon.
Pababa na ako ng hagdan nang sinalubong ako ni Lorna na may malawak na ngiti na naka plastar sa bilugan nitong mukha.
"Magandang araw po, señorita."
Lumapit ako sakanya saka ko ginulo ang kanyang buhok. She giggled.
"Morning, Lorna." I greeted back and smiled to her.
Ngumiti din sya sa akin at agad din itong nagpaalam. May inuutos daw kasi sakanya si aling Ising, ang mayordoma. Naisipan niya lang daw dumaan sa kwarto ko para batiin ako. Hindi ko mapigilan hindi mangiti sa kanyang inasal.
She waved her cute hands to me as she go downstairs. When she disappeared in my sight, I continued walking and went to the kitchen.
Naabutan ko sina Lolita at Pepay doon na may sinisilip at naghahagikgikan. Sinasakal-sakal pa ni Lolita si Pepay.
Tumikhim ako para ipahiwatig sa kanila ang presensya ko. Agad sila lumingon sa akin at agad yumuko. Nagtaas ako ng kilay.
"Nagugutom ako."
Tumango sila at agad inasikaso ang kakainin ko. Natataranta pang kumuha ng baso at juice si Lolita at ganun din si Pepay.
"Nasaan si lola?" I asked without averting my gaze from my food.
"Nasa bayan po, senyorita. Sumama sa trabahante sa pagtitimbang ng mga copra." ani Pepay.
I nod and start eating my food.
Natapos akong kumain nang hindi nagsasalita sina Lolita at Pepay. Nakayuko lang sila, minsan naman sinasalinan ni Pepay ng juice ang baso ko. Mas mainam na rin yon.
Nang natapos na akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanila. Pakiramdam ko kase mamamatay na ako dito sa mansion. Nahihirapan akong huminga. Sa susunod na pasukan, mag-aaral na talaga ako ng mabuti. Ayokong tumira sa boring na mansion na ito! Mas lalo na dito sa boring na probinsya na 'to!
Tss.
Humaplos agad sa pisngi ko ang mabining hangin at sumasayaw din ang mga buhok ko dahil dito. Inipit ko sa tenga ko ang medyo humahaba ko ng bangs. Medyo sagabal din kase 'to.
Pinagmasdan ko ang mga nakahilerang ibat-ibang kulay ng mga bulaklak. Ito agad ang sasalubong sayo papasok bago ang malaking pintuan ng mansion.
Binati ako ng mga iilan pang naninilbihan dito sa mansion. Tumatango at ngumingiti lang ako sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala.
Napadaan ako sa dalawang kasambahay na nangdidilig ng halaman ngunit ang kanilang mga mata ay wala sa mga halaman na kanilang dinidiligan, kundi na sa akin.