Kabanata 5

57 0 0
                                    

Kabanata 5

Umuwi ako sa mansion na tahimik sa gabing iyon. Tumatak din sa isipan ko ang huling sinabi ng estrangherong lalakeng nakilala ko sa kagubatan.

Hindi ako interesado sa mestisang tulad mo.

Nakaharap ako ngayon sa salamin at kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha ko. Wala namang mali sa mukha ko ah! Hindi naman ako panget. My features are properly highlighted even without make up.

"Ha! Kapal naman ng mukha nung manyakis na yun!" I murmured, habang pinapatuyo ko ang buhok ko. "Mas lalong hindi ako interesado sayo! Mukhang pirata na ewan! Style mo bulok!" pagpatuloy ko pa.

Padarag akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa kama. Ready na ako matulog, medyo pagod din dahil pakiramdam ko marami akong nagawa sa araw na ito.

I grabbed my phone beside my bed. Naisipang iche-check ko muna ang facebook ko bago matulog, matagal ko na rin kasi hindi nabisita ito. Agad naman bumusangot ang mukha ko pagka-open ko pa lang ng cellphone ko. NO SERVICE! I groaned. I raked a frustrated hand through my hair and threw myself into my bed. Damn it! I took a deep breath and shut my eyes, trying to calm myself. And before I knew it I fell asleep because of tiredness.

--

I woke up in the next morning because of the muffled voice I heard on the back of the door of my room. My brow creased. I heard Lorna keep calling me.

"Senyorita..."

I sighed.

Kahit inaantok pa at tinatamad ay pinilit ko na lang ang sariling bumangon. Wala naman din akong magagawa. Alam kong hindi siya titigil sa kakakatok sa pintuan at kakatawag sa akin hanggat hindi ako nagigising.

Para akong zombie na naglalakad patungo sa pintuan.

"Magandang araw po señorita!" she chirped.

I smiled and ruffled her hair. "Morning."

"Bumaba na po kayo para makapag-almusal na. Nauna na po nag-almusal ang lola ninyo, señorita. Tutulak pa kasi sila nil tatay papunta sa poblasyon para ibenta yung mga mangga na nakuha nila kuya Bacca kahapon." she said.

I nodded. "Ahh. Ganun ba?"

"Pero po ang bilin ni maddame sa akin pagkatapos niyo raw po mag-almusal ipapasyal ko raw po kayo kasama si kuya Bacca."

Baka? Kumunot ang noo ko.

"Baka? Tao ba yang si baka?" litong tanong ko.

She chuckled. "Oo naman po! Bacca po señorita hindi baka. B-A-C-C-A, Bacca!" pagtatama pa nito.

Tumango-tango ako.

"Ohh okay. I'll take a bath first. Bababa din ako."

Tumango ako nang nagpaalam na si Lorna at tumakbo pababa.

--

Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa walk in closet at naghanap ng magandang damit na maisusuot ngayong araw. I snatched the first white dress I saw. I paired it with my favorite black strappy sandals. Sinuklay ko ang color brown kong mahabang buhok at hinayaang nakalugay ito. Ngumiti ako at lumabas na nang nakontento na ako sa ayos ko.

Pababa na ako ng hagdan nang napadaan ako sa gawi nina Lolita at Pepay na nagpupunas ng mga muwebles ngayon. Gaya kahapon nagtutulakan at nagbubungisngisan na naman sila ngayon habang ang mata nila'y nasa malaking pintuan ng mansion na parang may inaabangan.

Inikot ko ang mata ko sa kanila kahit di naman nila nakikita ang ginawa ko. Hala sige, magkerengkeng pa kayo dyan, ipagpatuloy niyo hanggang sa makabasag kayo. Ngumisi ako at hindi na sila sinita. Para naman makabawi ako sa ginawa nila sakin nung isang araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon