"Tara,upo tayo! Sasabihin ko sa inyo kung sino yung dapat at hindi nyo dapat banggain dito sa school na to."
Napaupo kaming tato,magkatabi kami ni Anne at si Coleen naman ay nakaharap samin.
"Gaya nga ng sabi ko kanina,si Vhong,Jhong at Vice,yung pinakasikat dito sa school,at sa iba pang school dito sa south.Ibig sabihin meron silang 'groupies'.Sila yung mga walang sawang sa kanilang tatlo,pag nalaman nilang may girlfriend na yung isa sa kanila,tiyak lagot yung babae dun."
"Groupies? Parang fan club?" nagtatakang tanong ni Anne.
"Mismo! Package na raw kasi yung tatlo,mayaman,gwapo,at marunong makipaglaban."
"Ang weird naman nun.Fanclub sa school? tsktsk.Matatalino ba yang mga yan?!"
"Si Vhong at Jhong matalino naman,nasa Top 20 sila.Actually,top 16 si Vhong at top 18 naman si Jhong.. ok na yun kasi 55 tayo sa class counted na kayong dalawa. Si Vice naman.."
"Oh let me guess? Coo coo brain sya?"
"Coo coo brain? Ah.Sabihin nalang natin.. na nasa top 45 sya."
"TOP 45?!" sabay naming tinanong ni Anne.
Diba 50 students!?! SO COO COO BRAIN NGA SYA!
"Tamad kasi yan eh.Pero nag-aaral naman sya oag finals na.bawi bawi sya kahit papaano sa grades."
Bakit parang alam nya lahat ng mga ito? Close kaya silang apat?
"Alam ko iniisip nyo kung bakit alam ko lahat ng ito,ok aamin na ako, crush ko kasi dati si Vice."
"Ahhh..So isa ka sa groupies nya?" nice one Anne.
"Parang ganun na nga..pero independent! HAHA "
"Bakit si Vice?! Ang sama sama kaya ng ugali nun! Masyado syang bastos magsalita,walang galang!"
"Teka,sinabi ko namang dati diba? wag kang mag alboroto dyan! RELAX!"
Alboroto? NOSEBLEED.
"Hindi ko nga rin alam.kung bakit naging crush ko yan eh,ang gwapo kasi eh! kahit mukha pa syang ga--
"Gangster?"
"Mismo!Pero mabait yan! Magkakilala na ba kayo? Ipapakilala kita."
Oh yeah.. We know each other,right?.and I love his attitude.Yeah right.
"Hindi ok lang.magkakilala na kami."
"Ah,oo nga pala seatmate mo sya.Alam mo bang ikaw lang yung pangalawang taong nakatabi niyan sa classroom?"
Pangalawa? Bakit? Sa bagay.. napansin ko sya lang mag-isa sa row kanina.
"Bakit? Sino yung una?"
"Si Karylle.Karylle Abigail Tatlongmaria,tunay nyang pangalan."
Siya yung Karylle na akala nya ako..magkatunog pa kami ng surname Tatlonghari..Tatlongmaria..Ang weird ha.pareho na nga pangalan magkatunog pa surname!
"Ano nya yun? Maganda ba? Schoolmate ba natin?" Napaka chismosa naman ni Anne lahat kinuwestyon na!
"Ex girlfriend nya.3 years din sila nun! Maybe 4.Basta.Oo,schoolmate natin.Maganda? Hmmm.. Mas maganda si Karylle" sabay turo sakin."Pero malakas kasi yung dating ni Kaylle eh.. Abigail pala. Maraming nagkakandarapa dun kahit sila pa ni Vice! Pero may boyfriend na sya na bago, GWAPO rin!!! Billy pangalan,taga kabilang school lang."
"Ang swerte naman nyang Karylle na yan. Dalawang gwapo naging boyfriend. Tsktsk."
3-4 years? Ang tagal din nun,siguro naging mahirap para kay Vice na magbreak sila kaya siguro ganun nalang siya mg habol.Teka,bakit ko pinagtatanggol yung lalaking yun?? I'm sure sya may kasalanan kung bakit sila nagbreak! Nagsawa siguro yung Karylle sa pakikipagaway ni Vice sa mga tao tao.
Ang weird.Pag sinasabi kong Karylle,feeling ko sarili ko yung tinutukoy ko. EW di ko maimagine na kami ni Vice.EW EW EW.
Pero ang sabi ni Coleen,May bagong boyfriend na daw si Kary--- Abigail.Billy? Gwapo daw eh,panong gwapo? Kasi kung gwapo parang Vice, well he's not gwapo at all.Naiintriga na tuloy ako kay Abigail,Vice at dyan sa Billy na yan...

BINABASA MO ANG
She's Dating The Gangster (ViceRylle)
FanficWhat if a gangster turns into a gentleman because of one girl?