Karylle's Pov
Sabay kaming lumabas ng room ni Coleen,hinatid nya ako sa may tapat ng auditorium,sabi niya dito daw ang room ng club ko. since masyadong malaki yung group kaya dito raw nilagay.
Pagpasok ko ng room. Ang dami nga nila. Nakita ko si Vice naka upo lang sa may gilid. Lahat ng babae tuwang tuwa,nakalabas ang mga cellphones nila at pinipicturan si Vice.
"Nandito na pala si K eh!" ang layo layo ko palang,narinig ko na ang boses ni Anne.
Napatingin sakin si Vice at tapos nagwave sya. So nagwawave na sya sakin ngayon? Close na kami? Dapat pag ganun,bawiin na nya yung consequence ko!
"Babes dito!!" tinawag ako ni Vhong, tapos nagwave sya sakin.
"Babes? Di ba yun yung tawag nya sa mga close nyang tao?"
"Bakit sya babes ang tawag!"
"Si Vhong ba dinedate nya?"
"Buti nalang at hindi si Jhong! Akin yun eh!"
"Sayo na talaga yun! Sakin si Vice!"
"Ano ba tong mga babaeng to, bago pa lang ako makarating kila Vice natunaw na ako sa mga titig nila eh!
"Guys,you're dismissed,you may go."
That's it?! Hindi sila nagdidiscuss ng mga activities?! Ang weird naman ng napasukan kong club!! Sayang sa oras eh.sana umuwi na lang pala ako. nag bigay pa ko ng effort para lang pumunta dito!
"Tara na hahatid na kita pauwi."
"ANO?! OK KA LANG?!" nag nod sakin si Vice "BAKIT KELANGAN MO PA AKONG IHATID?!"
Aray! Ang lakas ng boses mo! Hinaan mo naman ng konti oh." Eh nakakagulat naman kasi sya eh! Ako pa ngayon may kasalanan? Bigla bigla nalang mag aalok sakin na ihahatid niya ako pauwi.. weirdo!
"Wag na,kaya ko naman maglakad mag isa eh. Pati sabay naman kami ni Anne pauwi."
''Anne?"
"Oo. Si A--"
Paglingon ko wala na si Anne. San kaya yun nagpunta? Iniwan na naman nya ako! lagi nalang syang ganyan,iniiwanan ako kay Vice.
"Kanina pa sya umalis. Hindi mo siguro napansin. Tara na hahatid na kita."
Tumayo sya at kinuha niya yung backpack niya sa sahig. Wala akong choice kung hindi sundan sya. Habang bumababa kami ng stairs naririnig namin yung mga pinaguusapan ng mga tao sa paligid. Hindi ba pupwedeng wag naman nilang ipahalata na kami yung pinag-uusapan nila? Obvious eh. Sobrang obvious.
"Sikat ka talaga noh?"
"Siyempre,ako pa"
"Oo,mukha ka kasing gangster eh. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan." I mumbled.
"Ano? May sinsabi ka ba?"
Nagsmile ako sa kanya. "Wala noh. Ano ka ba. Tara! Samahan mo ko mamaya ok?" nag nod lang sya.
Paglabas namin sa back gate mas dumami yung ingay na narinig ko.
"Totoo ba to?! Hindi diba? nagkataon lang magkasabay silang nag lalakad!"
"Bago pa lang sya tapos tatlong lalaki na kaagad ang dinedate nya?!"
"Akala ko ba si Vhong?!"
When will they stop? Seriously, it's irritating. Everywhere! They're everwhere!! Sana sa bahay tahimik na!!
"Intayin mo ko sa tapat ng gate, puntahan ko lang sila Vhong,ok?"
"Ano ako!? Katulong mo? pagiintayin mo ko dito mag isa??" tinitigan niya ako ng masama. Ayoko yung titig na yun. "Sige. Bilisan mo ha." wala na akong magawa. Ayoko naman masapak ng di oras!! Alam nyo naman si Vice,bayolente! Baka bigla nalang akong sapakin niyan pag may mali akong nagawa.

BINABASA MO ANG
She's Dating The Gangster (ViceRylle)
FanfictionWhat if a gangster turns into a gentleman because of one girl?