Chapter EIGHT

104 1 0
                                    

Nag ring na yung bell,ibig sabihin tapos na yung break.May 3 subjects pa kami bago maglunch.Ibig sabihin 3 oras ko pa makakatabi si Vice.

Practical Art yung next subject,ibig sabihim computer room kami.Alphabetical yung pag assign,ang sama naman talaga ng taon ko na to.Si Vice na naman ang katabi ko,since Tatlonghari ako at Viceral sya.

Wala namang pinagawa samin yung teacher kundi pagamitin lang kami ng internet.Etong katabi ko naman,nakita kong naglalaro.

"Ano na naman ang tinitingin tingin mo ha?"

"Anong nilalaro mo?" maayos na tanong ko.

"Pakialam mo ba?!" wala talaga syang kwenta.

"Sumagot ka na lang."

"Dota."

Dota? Anong klaseng pangalan ng game yan?! DOTA.Wtf? Pero mukhang corny yung game,kaya hindi ko na sya pinanuod maglaro.

Natapos yung P.A class namin.Next subject Physics.2 hours yun.ang masakit sa loob ko,katabi ko na naman sya.

Habang nagdidiscuss yung teacher,bigla akong kinausap ni Vice.

"Wag kang mag alala.Hindi ko pa nakakalimutan na may atraso ka sakin.Mamayang lunch break,humanda ka sakin."

Ano?! Akala ko pa naman din ok na ang lahat!! Hindi pa pala! Ano ba kasing ginawa ko sa kanya? Ha?

Ok.Pinaghintay ko sya.pero sinabi oo bang mag hintay sya?! HA?! Sabihin nyo nga sakin? Ako ba may kasalanan? Sinabi ko ba na 'OK WAIT FOR ME' Wala naman eh T_T I'm dead.. UMMA! APPA! HELP ME!

"Ano bang ginawa ko sayo?! HA?!?!" napalakas ata yung pagkakasabi ko ng 'ha' kasi napatingin samin yung klase at yung teacher

"Ms.Tatlonghari,Mr.Viceral,BE QUIET! Your disturbing the class!"

"Sorry.." bago pa lang ako dito sa school na to ang panget agad ng impression sakin ng mga teacher! Eto kasing Horsey boy na to eh!!!

"Pwede bang hinaan mo yang boses mo? Para kang megaphone eh!"

"MEGAPHONE?!" napatingin na naman samin ang buong klase.

"YOU TWO!! GET OUT OF THIS ROOM RIGHT NOW!!"

Naunang tumayo si Vice tapos sumunod ako.napaaga yata lunch break namin.Sinundan ko lang si Vice kung saan sya mag punta,since bago pa lang ako dito sa school na to.Bumaba sya sa may center stairs at tumuloy tuloy pa rin sa pupuntahan nya.

Huminto sa paglalakad si Vice, "Bakit mo ba ako sinusundan ha?! ano bang problema mo?! dahil sayo napalabas tayo ng classroom!"

"Excuse me? MY fault?! WAS IT MY FAULT?! YOU pissed ME off!"

"Alam mo,wag ka na mag english.Hindi bagay sayo. Para kang 'wannabe'."

Wannabe?! Dahil lang nagenglish ako,wannabe na ko!?

"BAKIT AKO NAGING WANNABE?!"

"Teka,ang sabi ko PARA kang wannabe.Hindi ko sinabing WANNABE ka. Ok? Pati pwede,pakihinaan naman yang boses mo! nabibingi na ako eh! magkalapit lang tayo oh!"

Ok.Fine fine.Malakas nga masyado ang boses ko.Pero siya naman kasi eh!!

I didn't notice na were already out of the school.

"Uy!! Teka san ba tayo pupunta?? Wala na tayo sa school oh!!" napatingin sya sakin.

"Bakit ka sumasama sakin? Hay nako.Tara,kumain nalang tayo.Mga 5 minutes away may kainan dito." Tumabi ako sakanya at sabay kaming naglakad.

She's Dating The Gangster (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon