Bakit kailangang ako pa ang dumistansya?
Eh kung ikaw naman ang nag-umpisa.
Sige tatanggapin ko na
ako na lang ang didistansya sa ating dalawa
dahil mukhang masaya ka naman na.
Kung hindi mo sana ako binola-bola,
sana ngayon ay pinapansin pa kita.
Nasaktan kasi ako ng sobra,
pero wala naman akong karapatan kasi tropa nga lang kita diba.
Mula sa mabobola mong mga salita
hanggang sa umabot na sa tawagan at kwentuhan
Na akala ko'y may iba ng patutunguhan
yun pala hanggang sa salitang kaibigan lang ito mapupunta.
Una pa lang napansin ko na parang mali ito,
nagbigay ka na agad kasi ng motibo.
Ito naman si tanga nagpauto pa nang husto.
Hindi na talaga natuto.
Ako lang pala ang nakapansin nito,
dahil para sayo kaibigan mo nga lang ako.
Umasa ako na mapupunta na sa kung ano ang nararamdaman ko
pero nung nakita ko ang mga litrato nyo.
Di lang isa kundi tatlong piraso,
naluha ako.
Parang dinudurog ang puso.
Nakaupo habang magka-akbay kayo,
kasama nyo pa ang mga kaibigan mo.
Na naikukwento mo sakin noong mga panahon na magkausap pa tayo.
Mukhang masaya naman na kayo
dahil napagtanto ko kaya pala di mo na ako pinapansin
Kasi kayo pala nang kinukwento mo.
Nagsimula sa simpleng batian,
na nauwi sa kwentuhan.
Lumalim na ang gabi pero diwa't mata ay gising pa rin,
napasarap yata ang kwentuhan.
Na dahil lang naman sa walang kwentang usapan.
Naikwento ko na sayo halos ang buong buhay ko.
Ngayon ko lang napagtanto sa sarili ko.
Maling-mali pala ang ginawa ko.
Maling-mali na ikwento mo agad ang buhay mo sa ibang tao.
Lalo na't wala namang kasiguraduhang siya ang makakasama mo hanggang dulo.
3.1.19